Yasmien Kurdi on religious conflict: “Siguro, huwag na lang mag-judge bawat isa para hindi ka rin ma-judge.”

Sensitibong topic para kay Yasmien Kurdi ang tungkol sa religion. Naging isyu kasi noon ang pagpapakasal ng aktres, na miyembro ng Iglesia Ni Cristo, sa dating flight attendant na si Rey Soldevilla Jr., na isa namang Katoliko. Naging dahilan pa nga ito ng tampuhan ni Yasmien at ng kanyang ina. Kaya sabi ni Yasmien, “Lahat kasi, may sari-sariling paniniwala. Ang hirap din dahil hindi mo naman puwedeng sabihin na mali ‘to, mali ‘to. Kasi kapag alam ng taong t


Hangga’t maaari ay ayaw nang magbigay ng pahayag ni Yasmien Kurdi tungkol sa lumabas na balitang tumanggi diumanong pasilungin ng isang simbahan ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Balasan, Iloilo, ang ilang hindi kasapi sa kanilang relihiyon noong kasagsagan ng bagyong Yolanda.

Isa si Yasmien sa mga artistang kabilang sa INC.

Pahayag ng Kapuso actress tungkol dito, “Hindi… huwag lang sigurong mag-judge.

"Hindi ko naman nakita, hindi ko naman ano…

“Hindi ka naman puwedeng magalit or ano, kasi lahat tama in their own ways.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa pocket presscon ng upcoming GMA primetime series na Rhodora X noong November 19, sa GMA Network Center.

SENSITIVE ISSUE. Sensitibong isyu ang usapin tungkol sa relihiyon.

Sa kaso ni Yasmien, na isang miyembro ng INC, naging isyu ang pagpapakasal niya kay Rey Soldevilla Jr., na isang Katoliko, noong January 25, 2012.

Dahil dito ay nagkaroon ng tampuhan ang StarStruck alumna at ang kanyang ina na si Miriam Kurdi.

Read: StarStruck alumna Yasmien Kurdi is now a wife and a mother; Yasmien’s mom is against her marriage because of religion conflict

Kung ang ina ni Yasmien ay miyembro ng INC, ang kanya namang Lebanese father ay Muslim.

Kaya maging si Yasmien ay naguguluhan din minsan pagdating sa relihiyon.

Saad ng 24-year-old actress, “Kasi dati pa, alam ninyo naman ang dad ko, Muslim, di ba?

"Sabi niya, Muslim ako.

“Then, sabi ng isa, ganito ang religion.

"Ang hirap kasing magsalita regarding those matters.

“Lahat kasi, may sari-sariling paniniwala.

“Ang hirap din dahil hindi mo naman puwedeng sabihin na mali ‘to, mali ‘to.

"Kasi kapag alam ng taong tama ‘to… tama ‘to.”

Ayon kay Yasmien, bata pa lang siya ay kinalakihan na niya ang Islam at INC.

Aktibo pa ba ang mommy niya sa INC?

“Yes, meron naman siyang sariling paniniwala. At ngayon, happy ako with my life,” sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumanggi namang sagutin ni Yasmien ang tanong kung saan nila pinabinyagan ng asawa niya ang kanilang anak, si Ayesha Zara.

Sabi niya, “Masyadong personal, ayoko na lang sigurong pag-usapan yun.”

Hindi rin direktang sinagot ni Yasmien ang tanong kung saan siya ngayon nagsisimba.

“Ayokong sagutin, basta happy ako.

“Masyadong sensitive, lalo na sa Filipinos, kapag may nagsalitang ano… away-away na ‘yan.

“Siguro, huwag na lang mag-judge bawat isa para hindi ka rin ma-judge.

“Huwag ka rin mag-judge ng ibang tao para hindi ka rin ma-judge.

"Magrespetuhan na lang siguro.”

Dagdag pa niya, “Alam ninyo, ayoko nang isipin or anything about it.

"Kasi ngayon, I’ve moved on.

“I’m happy, I’m happy with my life.

“It’s very peaceful and I’m very happy… ayoko na ng gulo.”

FIRST BIRTHDAY. Ngayong araw, November 22, ang first birthday ng anak ni Yasmien na si Ayesha Zara.

Ngunit sa Linggo, November 24, daw nila ito ipagdiriwang.

"Shabby Chic Owl" ang napili nilang theme ng first birthday party ni Ayesha.

Kuwento ni Yasmien, “Ang cute-cute kasi niya at saka uso siya ngayon.

“Tapos, gusto niya yung… actually, naaano siya kapag malalaki ang mata.

“Huwag lang yung manika, kasi takot ang baby ko sa manika. Hindi ko alam kung bakit.”

Open daw si Yasmien kung sakaling mayroong gustong kumuha sa anak para maging commercial model.

Aniya, “Puwede siyang maging model, okay lang naman po.

“At saka ang commercial naman po, meron silang consideration pagdating sa baby.

“Huwag lang taping, kasi nakikita ko ang mga bata sa taping, puyatan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN