Ryan Agoncillo shocked by blame game after Yolanda onslaught: "Nagkakababuyan tayo ngayon, yun ang problema."

Ryan Agoncillo on giving support to calamity victims: “Sabi nga nila, ang magandang tulong, yung nasasaktan ka na. Kasi yun ang alam mong nakakatulong ka.”


Samu’t saring mga kuwento ang nagsusulputan tungkol sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Kabisaayan.

Bukod sa mga nasalanta mismo ng bagyo, naapektuhan din ng kalamidad na ito ang halos lahat ng mga Pilipino.

Muli ring lumitaw ang bayanihan spirit dahil sa pagnanais ng marami na makatulong sa anumang paraan.

Ngunit lumantad din ang kamalian o kakulangan ng bawat isa kapag may nangyayaring ganitong kalamidad.

Sa kaso ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, iba raw ang naging epekto ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa kanilang pamilya.

Kuwento ni Ryan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “We’ve always been sympathetic to victims of calamities, especially yung ganitong kalamidad.

“This time around, yung naging reaction namin to Yolanda, hindi siya palabas... paloob siya, e.

“You know why? Medyo na-rattle kaming mag-asawa.

“Halimbawa, noong panahon ng Ondoy [September 2009], we really don’t know what was happening out there until tumawag si Gladys [Reyes].

“And then, when we went to Marikina, sinundo namin si Gladys, doon lang namin nalaman yung laki ng nangyari.

“And then, Gladys stayed with us for a couple of days.

"And then, we started our drive—our personal drives—to help others who are victimized by Ondoy."



AFFECTED KASAMBAHAYS. Ayon pa kay Ryan, may mga kasambahay raw silang direktang naapektuhan ng bagyong ito.

“Nagulat kami.

“Alam naming may bagyong tatama na signal Number 4... we don’t even know what’s signal Number 4’s gonna be like.

“So we started talking to our staff, ‘O, yung mga pamilya ninyo, handa-handa…’ Hindi nila alam ang nangyari.

“So, a couple of days, when we started seeing footage of what’s happening there...

"I was here in GMA taping the pilot of Picture! Picture!

“I was watching the GMA coverage, and pag-uwi ko sa bahay, yun nga, tulala ang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba ang effect sa amin dahil ito ang mga taong nagpapalaki ng mga anak namin—and it was their children who were missing.

“So, yung mga reaksiyon namin, paloob—we were rattled.

"So we directed our efforts towards helping them.”

Matapos daw ang ilang araw, nahanap naman daw ng mga kasambahay nila ang mga nawawala nilang mga kaanak.

“One of our staff took a few days off, nahanap naman niya ang mga anak niya. Thank God!

“At, yun nga, yung communication, slowed down.

"Medyo shock pa rin kami after seeing the footages on television.

“Until finally, we were getting text messages and phone calls from their kamag-anak.

“We then decided na… like one of our staff, natanggal ang bahay nila sa pagkakalagay sa lupa nila.

“What we did, we decided to give her a break.

“At some point, when all the travels normalized again, we’d like to send them home along with some of our men na, halimbawa, mga production people.

“Kasi, may mga kaibigan tayo sa production to directly build their homes.

“So, mostly, yung tulong namin, I would characterize as paloob.”



PLEASANT SURPRISE. Namangha naman si Ryan sa dami ng mga tumulong at mga tumutulong pa hanggang ngayon.

Sabi niya, “We’ve been supporting friends, hanga ako, ang daming taong tumutulong…

"Artista, sports personalities, ordinary people... tumutulong.

“I think, we’re still shocked, we’re all shocked.

"We don’t understand the magnitude of what happened.

“We do a little thing, but we’re also looking at the long-term.

“Kasi, unlike Ondoy, pagkatapos, we patted our backs.

“But to be honest, ako mismo, personally, nakukulangan ako sa ginawa ko for the victims.

“I know this is shared, but a lot of people who are helping... we wanna help also, mas long-term.

“We wanna look at three, four, five, six times down the road.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Itong Yolanda, iba... iba, e.

“Ewan ko ba kung ano ang naging tama.

"We consider even our lifestyle, the basic thing we live our lives.”

Sa nangyaring kalamidad dulot ng bagyong Yolanda, ano ang naging realization ni Ryan o sa kanilang mag-asawa?

Saad niya, “Medyo ano, medyo malalim yung naging epekto ni Yolanda.

“Because the delay of the information, the way it was delivered, the pictures that were shown on television, what you’ve seen in Facebook…

“What it did to us, well, for me personally, it made me reconsider my role in everything.

“Kasi ano, e, people are pointing fingers at each other, na-shock ako.

"Na-shock ako how polarized everyone was.

“What my reaction was, inisip ko kung ano ang role ko sa lahat ng ito and it is more... problema ng society.

“At ako, bilang Filipino, inisip ko, what my role in all of it, kasi hindi naman dahil sa bagyo lang.

“Lahat ng nangyayari, it’s not because of the bagyo, lahat ng problema, it’s not because of the gobyerno.

“Lahat ng difficulties, what I realized is that it all amounted to this."



SHARING INSTEAD OF BLAMING. Nagulat si Ryan sa mga kakaibang reaksiyon na kanyang nakikita dahil sa epekto ng bagyong Yolanda.

Aniya, “Nagkakababuyan tayo ngayon, yun ang problema.

“Pero ako ang may problema, yun ang naisip ko.

"What I should have done a long time ago, I should have done.

“Now, hindi naman ako puwedeng mag-complain sa gobyerno ko.

“Nitong huli, wala ako sa bansa, hindi ako bumoto.

“So I realized that’s my problem, little things like that.

“I realized about sharing, about how people are bashing each other on social media now…

“About sharing, na-realize ko, I’m part of that problem also, because may responsibilidad ako bilang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng mga pagtulong ng karamihan, marami ang nagpapahayag ng kanilang saloobin at galit sa gobyerno.

Sa lahat ng ito, saan nakatayo si Ryan?

Sabi niya, “You know, I applaud the people for their effort, nakakaiyak actually... I was just watching a report from the American General.

"My stand is, I applaud everyone for the efforts, nakikisama ako hangga’t kaya kong tumulong.

“Sabi nga nila, ang magandang tulong, yung nasasaktan ka na. Kasi yun ang alam mong nakakatulong ka.

"Yeah, I applaud everyone.

“But me, personally, I’m not content.

"I’m not gonna sit down and pat myself on the back from the help I’ve done.

“I’d like to help some more, and I’m actually trying to figure out how to do these little things that I missed out noon.

“Kasi, again, hindi ako maninisi na bagyo ‘yan... well, bagyo ‘yan, pero hindi ako maninisi na kasi ganito, kasi ganyan.

“May role ako that I played a long time ago that I should have done… that I failed to do.

“Now, I’m trying to think what are those things that I failed to do para tama ang steps.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN