Rocco Nacino on winning Best Actor for Pedro Calungsod: "Fingers crossed. Kung mangyari yun, siyempre bonus yun."

Rocco Nacino on how playing the role of San Pedro Calungsod changed his faith: "It became stronger. It became stronger. Malaki nabago."


Si Rocco Nacino ang gumaganap sa title role ng Metro Manila Film Festival 2013 entry na Pedro Calungsod: Batang Martir.

Si San Pedro Calungsod, ang ikalawang Pilipinong santo, ay na-canonize ni Pope Benedict XVI noong 2012.

Ang unang Pilpino santo ay si San Lorenzo Ruiz.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Rocco: Mahirap bang gumanap bilang isang martir at santo?

Sagot niya, “Mahirap, a! To have that drive and love for one thing na you stand up for, like your faith or kunyari your country...

“Yung love na sinasabi nila, hindi lang pag-ibig sa kunyari isang babae, pero higit-higit pa dun.

“So it’s really, really hard to channel all of that out of me.

"I had to go through siyempre yung matinding pag-internalize.

“Tsaka yung tulong ni Direk Francis, it helped a lot.

"Tsaka ang laking tulong din nung research na ibinigay niya sa kin.”

Si Francis Villacorta ang direktor ng pelikulang pinagbibidahan ni Rocco.

SHOT AT BEST ACTOR. Sa tingin niya ba ay malaki ang pag-asa niyang mapanalunan ang MMFF Best Actor award dahil sa pagganap niya bilang Pedro Calungsod?

Tugon ni Rocco, “Ewan ko... fingers crossed.

"Kung mangyari yun, siyempre bonus yun.

“But then, to spread the word, lalo na sa nangyayari ngayon, makapag-enlighten kami, maka-touch kami ng mga buhay ng mga tao to give them positivity…

"To have them feel the same way na naramdaman ko after doing the movie, mas malaking award yun para sa kin."

LESSONS FROM PEDRO CALUNGSOD. Marami raw natutunan si Rocco sa pagganap niya bilang San Pedro Calungsod sa pelikula.

Aniya, “Actually, ang laking tulong niya sa buhay ko.

"Before the project, I was, like, ’Sige, gawin natin yung project.’

"Pero habang ginagawa ko, mas nakilala ko siya.

“Mas nalaman ko kung pano siya naging righteous.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, masasabi ko na na-touch niya yung buhay ko.

"Mas naging optimistic ako sa buhay knowing how he was."


Pagkatapos nito ay nagkuwento si Rocco tungkol sa isang insidente na nangyari sa shooting nila sa Sapatos Island, Zambales.

“Nakakakilabot minsan, nung time na nag-shooting kami sa Zambales, tapos inabot kami ng gabi... e, bawal kami umabot ng gabi dun.

“So we had to go back, sumakay kami ng bangka, apat na bangka na walang ilaw.

"At sobrang taas nung alon, umabot ng ten feet.

“Tumawid kami ng gabi, tapos yung ibang crew, nagdadasal na kay Calungsod.

“Tapos, when we got there safely back in Zambales, everyone, may sigh of relief, at lumalapit sila kay Pedro Calungsod.

"Sa totoo, kahit ako, napadasal sa kanya," lahad ni Rocco, na isang Born-Again Christian.

May pagkakataon rin daw na muntik nang ma-injure si Rocco.

“Kasi yung sapatos ko, yung bakya, yung kahoy lang.

"So, mahirap tumakbo, hinahabol kami ng mga villagers.

“Tapos, masakit sa ulo yung wig, mahirap umarte.”

LAST SCENE. Ibinahagi rin ni Rocco ang pinagdaanan niya nang kunan ang huling eksena ng pelikula sa Batangas.

“Muntik akong madisgrasya nung ginawa namin yung pinaka-ending ng Pedro Calungsod, nung tinali kami sa bato, tapos pinalubog kami.

“Masyadong mabigat yung bato, e.

"Pagtanggal ko sa bato, pagtingin ko sa itaas, parang may mga six feet pa siguro paakyat. Tapos pawala na yung hangin ko.

“Nagkaron ng white flashes ako, so pawala na yung oxygen ko, biglang humabol yung diver at nabigyan ako ng hangin.

“So that last day was very gruelling for me, bugbog na bugbog ako nung araw na yun.

“But then, siyempre kapag may pelikula ka, you’ll give your all sa project na yun."

Bagamat nakaabang naman daw ang mga divers ay hindi sila agad nakaresponde.

“May mga divers na may hawak silang GoPro [camera device] sa ilalim. May naka-standby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nung sumenyas ako, sabi ko na nahihirapan na ’ko, kailangan pa niya lumangoy papunta sa ’kin.

“Tapos, nakahubad pa kami. Pero hindi ipapakita yun.”

FAITH IN PEDRO CALUNGSOD. Dahil ba sa pelikula ay naniniwala na siya sa himala?

Wika ni Rocco, “Tingin ko. Tingin ko, he’s watching over me.

“Tingin ko, may special blessing ako galing sa kanya, kasi from doing the TV special, to doing the movie, to taking care of us sa set, and then seeing him everywhere...

“Ewan ko, may parang connection. Naniniwala ako sa kanya.

"But then, open naman ako sa lahat.

“Wala naman sigurong masama kung maniwala.”

Nagdadasal ba siya kay San Pedro Calungsod?

Sagot ng StarStruck alumnus, “Sometimes, sometimes. Nagpapasalamat ako sa kanya.

"Actually, nag-mass kami sa San Pedro Calungsod chapel sa Cebu.

“Tapos talagang they pray to him, ha. May kanta siya.

"Siyempre si God yung nasa gitna, pero may sariling rebulto siya.

“And they really pray to him talaga. Kasama sa prayers nila.

"Dun ko mas naramdaman yung connection namin, nung hinawakan ko yung paa niya.

“Medyo naging emotional ako nun, tapos parang mas naramdaman ko si Pedro Calungsod.

"So, after nun, mas naging madali sa akin ’to.”

May nagbago ba sa pananampalataya niya matapos gawin ang pelikula?

Sagot ni Rocco: “It became stronger. It became stronger. Malaki nabago.

“So, after doing the movie, tuwing gabi, nakikita ko yung trailers, promos about it, nagpapasalamat ako sa kanya.

“Sabi ko, ’Salamat dahil you’re watching over me.’

"Sa pagbigay palang sa akin ng project na ’to, e, malaking bagay na.

“And knowing na entry siya sa filmfest, and maraming tao na naniniwala sa project na ’to, it’s a great blessing na dapat pasalamatan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN