Alessandra de Rossi loveless for six years now

Sa paglipas ng panahon ay nag-tone down na raw si Alessandra de Rossi sa pagiging prangka. Saad niya, “Kasi meron akong idea dati na basta totoo kang tao, okay lang. ‘Til tumanda ako, na-realize ko na hindi lahat ng tao kaya kang intindihin and, at the same time, yung ibang tao ginagamit yung pagiging totoong tao para maging bastos sila sa kapwa.”


Kilala ni Boy Abunda ang award-winning actress na si Alessandra de Rossi bilang "adventurous."

Kaya naman nang ma-interview niya si Alex, palayaw ni Alessandra, sa “Ikaw Na” segment ng Bandila kagabi, Nobyembre 20, ay natanong niya ang aktres kung nagbago na ba ito.

Sagot ni Alex, “Somehow, medyo nag-tone down na talaga ako.

“Kasi meron akong idea dati na basta totoo kang tao, okay lang.

“‘Til tumanda ako, na-realize ko na hindi lahat ng tao kaya kang intindihin and, at the same time, yung ibang tao ginagamit yung pagiging totoong tao para maging bastos sila sa kapwa.”

Ano ang nag-trigger ng realization na ito?

“Experience, mga tao… I’m twenty-nine na kasi, e!” sabay tawa niya.

How did she get to where she is today?

Tugon niya, “Basta noong 19 ako, naalala ko, noong nag-convert ako… naging Christian ako, di ba?

“Simula noon, natutunan kong patawarin yung parents ko sa sama ng loob ko sa kanila.

“Then, nung lumaki ako, na-realize ko na mas malawak na yung understanding ko na…

“Actually, hindi naman sa hindi nila ako mahal, mas kailangan lang talaga ng bantay ni Assunta [de Rossi, ang ate niya], because mas naïve siya, mas kaya ko yung sarili ko.

“Actually, mas thankful nga ako na pinabayaan ako, kasi alam ko yung wrong at saka right na, alam mo yun? Ako lang mismo yung gumawa ng mali, so hindi ko na uulitin next time.

“So, salamat, salamat na ganito yung nangyari.”



NEW HAIR. Napansin din ni Boy ang maikling buhok ngayon ni Alessandra.

Sabi ni Alex, “Actually, humaba na iyan. Sobrang igsi niyan dati, para akong bunot.”

Sinasabing kapag nagpagupit o nagbago ng hairstyle ang isang babae ay mayroon itong gustong ipabatid na “statement.”

Ano ang nais niyang sabihin base sa kanyang buhok ngayon?

“Bored ako. Bored na bored ako—yun ang dahilan kung bakit ako nagpagupit,” prangkang sagot ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEW INDIE MOVIE. Sa murang edad pa lang ay ipinamalas na ni Alessandra ang kanyang husay sa pag-arte.

Naging bida siya sa mga internationally-acclaimed films, gaya ng Independencia, Busong; at ngayong taon, itinanghal siyang Best Actress sa 1st ASEAN International Film Festival and Awards, para sa pelikulang Sta. Nina, kung saan nakasama niya si Coco Martin.

Sa kasalukuyan, bahagi siya ng pelikulang Woman of the Ruins, na kasali sa Cinema One Originals Film Festival 2013.

Paglalarawan ni Alex sa Woman of the Ruins, “Isa siyang kuwento tungkol sa isang isla na binagyo.

“Nasira lahat, na-wipe out lahat, halos lahat ng tao konti na lang ang natira, including Maria, ako yun.

“Then, after seven years, may bumalik na isang babae na kamukhang-kamukha ni Maria.

“Lahat sinasabi siya si Maria, pero wala siyang maalala.

“So, kung curse ba yung pagbabalik niya, doon nag-aano [iikot] yung kuwento.”



LOOKING FOR RELATIONSHIP? Samantala, sa huling anim na taon ay hindi nagkaroon ng karelasyon si Alex.

Tanong tuloy ni Boy sa kanya: Are you looking or are you waiting?

Sagot niya, “Hmmm… I’m bored. Yun pala yun.

“Pero meron kaming joke magkakaibigan, na ang November ay ‘Maghahanap ng Lalaking Mamahalin Month.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN