Claudine Barretto calls Raymart Santiago "loser" and "wife-beater"; Raymart’s camp challenges Claudine to "prove her claim in court instead of the media"

Nagpakawala na naman ng maaanghang na salita ang aktres na si Claudine Barretto laban sa asawa niyang si Raymart Santiago. Sa magkakasunod na Twitter posts niya ngayong araw, November 21, ay tinawag niyang "loser" at "wife beater" ang aktor.


May panibagong pasaring na naman ang aktres na si Claudine Barretto laban sa estranged husband niyang si Raymart Santiago.

Ngayong araw, November 21, tatlong sunud-sunod na Twitter posts ang pinakawalan ng aktres tungkol kay Raymart.

Dito ay direkta niyang pinangalan ang aktor at tinawag na "loser" at "wife beater."

Ito ay dahil diumano sa pagsuporta ni Raymart sa kanilang mga kasambahay sa sinasabi niyang pangha-harass sa kanya gamit ang mismong pera niya.

“Raymart Santiago you are such a LOSER! Go ahead & Spend all MY MONEY in Supportng r Helpers to harass me!”

Nagbanta pa si Claudine na kapag hindi tumigil si Raymart sa pagkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa kanya ay sasabihin niya ang "TRUTH" tungkol sa aktor.

“If you do not Stop Spreading Lies about me i will Start telling d TRUTH abt u!u make me Sick conspiring wid my family & employees.”

Sabi pa ni Claudine: "U will not And cannot lay your hands on me anymore.WIFE BEATER!"

Isa sa mga alegasyon ni Claudine laban kay Raymart ay ang pananakit diumano ng aktor sa kanya.

Ito ang ibinigay na dahilan ng aktres ng nagsampa siya ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act laban kay Raymart noong August 29, 2013, sa Marikina Regional Trial Court.

Read: Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago



SLEEPING WITH THE ENEMY. Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine, noong November 15, sinabi niyang hindi niya mapapatawad si Raymart.

Saad ng aktres, "Hindi, masyadong malalim.

"Mahirap patawarin ang isang taong traydor.

"Mahirap patawarin ang isang tao na parang sinasabi mo, yung sleeping with the enemy.

“Mahirap yun, e, yung down to… yung sa loob, yung mga kasambahay, sinusuportahan niya, at siya pa yung nagbabayad ng mga abogado.

"Hindi para lang sirain ang pagkatao ko, na nakalimutan niya na ako ang nanay ng mga anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think sumobra siya dun, he was out of line.

"And for that, nakita kasi ng mga anak ko yung mga interviews niya, e, yung about nung drug addiction…

"And mula nun, nag-harden yung hearts ng mga anak ko.”

Read: Claudine Barretto says being with Raymart Santiago is like "sleeping with the enemy"

RAYMART’S CAMP. Nagpadala ng text message ang PEP managing editor na si Karen Pagsolingan-Caliwara sa abugado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo ngayong gabi, November 21, upang hingan ng reaksiyon tungkol sa bagong tweets ni Claudine.

Narito ang sagot ni Atty. Castelo:

"With regard to Claudine’s statement, let it be known that everything has been submitted to the court already.

"While she claims Raymart to be a ’loser’ and a ’wife beater,’ records will prove otherwise.

"We challenge her to prove her claim in court instead of the media because it is the court who will decide based on concrete evidence.

"Raymart refuses to engage in circus trial because he believes in the integrity and competence of our justice system to decide on the merits of the case."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN