PEP EXCLUSIVE. James Yap not in a hurry to settle down again: “Ayaw ko nang maulit yung dati, yung na-experience ko, kaya hinay-hinay lang.”

Bagamat masaya ngayon si James Yap sa takbo ng relasyon nila ng kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola, sinabi ng basketbolista na hindi siya nagmamadaling magpakasal muli. Sabi niya, “Ang kasal, hindi naman nawawala ‘yan, di ba? Ang importante, kailangan kilalanin ang gusto mong makasama habang buhay."


Masaya raw ang basketball superstar na si James Yap sa estado ng relasyon nila ngayon ng kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James noong Linggo, November 16, sa meet-and-greet na inorganisa ng Isetann department store sa Recto, Manila, para sa PBA cager.

Kinumusta ng PEP kay James ang relasyon nila ng kanyang Italian girlfriend.

Nakangiting sagot niya, “Okey naman.

“Masaya naman dahil nandiyan siya lagi, sumusuporta, nag-aalaga.”

Banggit pa ni James, “Dito siya naka-base.”

Ang daming Filipina na puwede niyang mahalin at pagtuunan ng pansin, bakit sa isang banyaga nahulog ang kanyang damdamin?

Ano ang mga katangiang nagustuhan niya kay Michela?

Tugon ni James, “Mabait… puwede mong dalhin sa kung saan.

“Puwede mong… game sa lahat.

“Ibig sabihin ng game sa lahat—tambay tayo sa ganito, tambay tayo sa ganyan.

“Puwede siya sa lahat.

“Yun ang maganda sa kanya, masaya siyang kasama.”



TO LOVE AGAIN. Pagkatapos ng hiwalayan nina James at dating asawang si Kris Aquino, naging tahimik ang basketbolista pagdating sa kanyang lovelife.

Bagamat may mga nali-link sa kanya noon, gaya ng aktres na si Isabel Oli, ay mariing sinasabi ni James sa mga interbyu na ayaw niya munang magkaroon ng panibagong relasyon.

Ano ang nag-udyok sa kanya upang bukasan muli ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig?

Sabi ni James, “Siyempre, bago niya, sobrang gulo.

“Sobrang gulo ng buhay ko dahil hindi pa natatapos lahat ng pagsubok na dinadaanan ko.

"Yung mga case-case na ganyan."

Ang tinutukoy ni James ay ang legal battle nila ni Kris para sa kustodiya ng anak nilang si Bimby.

Read: James Yap’s legal counsel to Kris Aquino: “She does not have monopoly of affection”; asks public to give couple privacy to talk things out

Pagpapatuloy ni James, “Dumating si Michela.

“So, medyo… siyempre, kinalala ko muna. Okey naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun, labas-labas.

“Okey naman yung attitude niya. So, bakit hindi?”

Malaki ba ang posibilidad na si Michela na ang babaeng pakakasalan niya?

“Oy, mahirap ‘yan!” natatawang tugon ni James.



WEDDING TALK. Naging controversial ang isang interview ni Michela kunsaan tinanong siya kung napag-uusapan na nila ni James ang kasal.

Sagot ni Michela: “Maybe next year. Maybe the wedding will come next year.”

Read: James Yap’s Italian girlfriend opens up about ’magical’ relationship, his past, and marriage plans

Dahil sa sagot niyang ito ay nagkaroon tuloy ng mga espekulasyon na magpapakasal na nga sina James at Michela.

Pero binawi rin agad ito ni Michela sa isa pang interview, at sinabing na-misintepret lang siya ng kausap niyang reporter.

Read: James Yap’s girlfriend Michela Cazzola clarifies “marriage plans” interview: “It was, like, a bit misinterpreted.”

Saad naman ni James tungkol dito, “Hindi… wala… wala.

“Darating tayo diyan. Darating tayo sa kasalan.

“Pero huwag muna.

“Ang kasal, hindi naman nawawala ‘yan, di ba?

“Ang importante, kailangan kilalanin ang gusto mong makasama habang buhay.

“So, yun… yun. Nasa stage kami ng gano’n.

“Ayaw ko nang maulit yung dati, yung na-experience ko, kaya hinay-hinay lang.”

Ilang taon pa kaya bago siya magpakasal uli?

“Hindi natin alam. Secret!” nakangiting sambit ng 31-year-old basketball player.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN