Ynna Asistio says Derek Ramsay never courted her: “Wala, hindi talaga umabot sa ganung level, and happy ako kasi nag-gain ako ng isa pang friend.”

Ynna Asistio on "special friendship" with Derek Ramsay: “Ay naku, nangyari po kasi yun, kaya po ako na-link kay Derek, kasi lumabas naman po talaga kami. Nung naghiwalay kami ni Mark, nagkakilala kami ni D through Instagram and, uhm, yun po. Lumabas kami pero never kasi nagkaroon ng time na lumabas kami na kaming dalawa lang. Talagang hindi rin naman po ako puwedeng lumabas ng ako lang. So, it’s either kasama ko yung mga kapatid ko, or kapatid ko. Ganun


Nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynna Asistio noong Miyerkoles, Nobyembre 20, sa One Esplanade, Pasay City, binigyan-linaw niya ang napabalitang relasyon nila ni Derek Ramsay.

Nitong mga nakaraang buwan kasi ay nadikit ang kanyang pangalan sa Kapatid hunk.

Matatandaang bago pa man makumpirma ang mag-iisang buwan nang relasyon nila Derek Ramsay at Cristine Reyes, madalas munang nakikitang lumalabas si Derek at si Ynna.

Inakala ng iba na mauuwi sa pakikipag-relasyon ang lahat dahil balitang naipakilala na ni Ynna si Derek sa kaniyang pamilya at nagustuhan naman nila ang aktor.

Sa hindi klarong dahilan, hindi natuloy ang pagpapalalim ng relasyon ng dalawa, at bigla na lang pumutok ang relasyong Derek at Cristine.

Read: Ynna Asistio on rumors that Derek Ramsay courted her before Cristine Reyes: "Hindi nauwi sa ganun...kasi nga sinabihan ko agad siya na ayoko nang mag-boyfriend."

Panimulang paliwanag ni Ynna, “Ay naku, nangyari po kasi yun, kaya po ako na-link kay Derek, kasi lumabas naman po talaga kami.

“Nung naghiwalay kami ni Mark, nagkakilala kami ni D through Instagram and uhm, yun po.

"Lumabas kami pero never kasi nagkaroon ng time na lumabas kami na kaming dalawa lang.

“Talagang hindi rin naman po ako puwedeng lumabas ng ako lang. So, it’s either kasama ko yung mga kapatid ko, or kapatid ko.

"Ganu’n yung labas namin, never akong mag-isa.

“Pero yun nga po, na-link po ako kasi nga nung pagnood namin sa FIBA, nung basketball, sinama niya ako.

"Yun lang po yung main reason e, kung bakit ako na-link—dahil lumabas dun sa TV.

“Hindi ko naman alam gaano karami tao sa FIBA, first time ko po.

"Pero, alam mo yun, kumbaga ako, wala naman akong tinatago. Lumabas lang naman ako kasama ko yung kaibigan ko.

“Ang nangyari lang, nung nag-FIBA, nung nanood kami ng FIBA, nahiwalay po ako sa mga kapatid ko, kasi ako yung friend ni D, so sinama niya ako dun sa baba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos yung mga kapatid ko, dalawa kong kapatid [Yana and Ykka], ’tsaka yung ibang friends niya, kasama niya sa mas mataas, sa mas mataas na level na chair.

"So, siyempre, nakunan po kami, kaming dalawa lang yung nakunan.

“So, lately ko na lang po na-explain na hindi lang naman po ako ang nandun, kasama ko yung mga kapatid ko. pero nagkahiwalay talaga kami.”

Ang 2013 FIBA Asia Championship for Men ay ang international basketball championship na inorganisa ng FIBA Asia at nagsilbing qualifying tournament para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Ito ay naganap mula Agosto 1-11 sa Mall of Asia Arena.

Ang FIBA Asia Championship ay isa lamang sa mga international competitions na sumasailalim sa pamumuno ng Federation Internationale de Basket-ball (International Basketball Federation), o mas kilala bilang FIBA, FIBA World, o FIBA International.

NA-IN LOVE SIYA SA PAMILYA KO.” Patuloy pa rin ba ang communication nila ni Derek?

Aniya, “Well, hindi naman po sobrang patuloy, uhm, hindi na kami nag-uusap like before, na every day.

"Talagang natuwa lang ako kasi, yung nangyari kasi sa amin ni D, nakilala niya yung pamilya ko.

“Alam mo yung na-in love siya sa pamilya ko? Kasi nakikita niya yung pamilya ko sa kanya, sa pamilya niya. So parang nabuo talaga yung friendship sa amin.”

Pero kahit naipakilala na raw niya si Derek sa kanyang pamilya, wala raw talagang ligawang nangyari sa kanila.

Pagtanggi pa niya, “Wala, hindi talaga umabot sa ganung level, and happy ako kasi nag-gain ako ng isa pang friend.

“So, ayun, nakakatuwa lang kasi in-touch pa rin siya sa mga… sa mommy ko, sa lola ko, sa mga kapatid ko.

"Pero kami, hindi na kami ganun masyado nag-uusap.

“And alam niya kasing medyo okay na ako. Talagang inano naman niya ako, nakakatuwa lang, kasi tinulungan naman niya talaga akong maging happy nung mga time na yun... mga panahon na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Ynna ay ang panahon matapos ng hiwalayan nila ng kanyang boyfriend of five years na si Mark Herras.

Hulyo ng taong ito nakumpirmang naghiwalay ang dalawa.

Dagdag pang tanong ng PEP ay kung paano siya napasaya ni Derek.

Paliwanag ni Ynna, “Yun nga po, yung lumalabas kami, lumalabas kami ng mga kapatid ko, lumalalabas kami ng nanay ko.

"Alam mo yun, na parang napaka-positive niyang tao?

“So, naging positive din yung ano ko… Umiiyak ako dahil bagong hiwalay… Ngayon masaya ako kasi talagang nilabas niya kami, kami ng pamilya ko.”

VERY OKAY WITH CRISTINE REYES. Sa pagkakataong ito, sumama na sa panayam ng PEP sina Mario Dumaual ng TV Patrol at MJ Marfori ng Aksyon TV5.

Unang tinanong ni Mario kay Ynna kung nagkausap na ba sila ni Cristine.

Natatawa niyang sagot, “Opo.”

Marami kasi ang naghinalang siya ang naging dahilan ng hiwalayan nina Derek at Cristine.

Halos isang buwan lang ang naging relasyon ng dalawa, na nagsimula noong Agosto 28 at nagtapos bago pa man natapos ang Setyembre.

Paano na-settle ang hidwaan nila diumano ni Cristine?

Sagot ni Ynna, “Wala po, kasi hindi naman kami nagkagulo ni Cristine e, kahit before or after nila ni D.

"Uhm, nagkausap kami, na nagkayayaan lang kaming mag-gym.

“Sabi niya, mag-gym daw kami sa South kasama niya… E, kaya lang…”

Sabat ni Mario, ‘Kailan ‘yan?”

Tugon ni Ynna, “Uhm, nung hiwalay na po sila. And nag-usap din kami bago sila mag-Hawaii ni Cristine, si Derek ’tsaka si Cristine, bago sila mag-Hawaii.”

Mid-October, matapos ang lagpas na isang buwan mula nang nag-break sina Derek at Cristine, muling nagkasama ang dalawa sa Hawaii para sa ilang natanguang commitments.

Nabahala ba si Ynna na iniugnay ang kanyang pangalan bilang dahilan sa hiwalayan nina Derek at Cristine?

Tugon niya, “Na-bother? Alam ko po kasi na-bother din po ako na na-connect ako, pero natuwa naman ako kasi nakarating naman sa akin na na-clear na po ni Cristine, na yun nga, na hindi talaga ako, na hindi talaga ako involved.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabiro pang tanong ni Mario, “Nagkabalikan na ba kayo?”

Gulat na sagot ni Ynna, “Nino po? Wala po… wala po akong boyfriend, ayoko na po muna, ang gulo-gulo, e.”

Umabot kaya sa puntong nasa “dating stage” sila ni Derek?

Tugon ng dalaga, “I don’t… No, hindi ko naman talaga masasabing dating.

"Ang akin lang po, natuwa ako kasi yung grupo niya—hindi lang kasi si D e, pati yung friends niya—alam mong napaka-positive nilang tao.

"So, ang nangyari, nung nakakasama ko sila, hindi talaga ako naging malungkot.

“Ang masaya pa nun, kasama ko kaibigan niya, yung family ko, tapos mga kaibigan niya, tapos mga kapatid ko. So, naging solid talaga yung bonding namin.”

Kahit na raw hindi na ganun kadalas ang kanilang pag-uusap ni Derek sa ngayon, hindi naman daw ibig sabihin ay hindi na sila magkaibigan.

Saad niya, “Hindi po, okay pa rin po, opo, opo, pero mas close sila ng mga kapatid ko ngayon saka nanay ko and lola ko.”

Umiwas ba siyang lumalim ang kanilang samahan?

Kuwento nito, “Hindi rin po, kasi tumatawag siya. Alam mo yun, kumustahan lang, ‘Hi!’ ganun.

"Not like, yun nga, before na halos araw-araw kami magkausap, hindi na po kami ganun.”

Tanong ni MJ, “Iwas ka talaga, ha?’

Sagot muli ni Ynna, “Hindi naman po, hindi naman po ako umiwas sa kanya.

“Kung magpakita siya sa akin, okay lang sa akin kasi, yung nga po, ini-explain ko nga po na yung nangyari sa amin nakabuo ako ng friendship, e.

"Hindi naman po kami umabot sa kung ano man.”

Pabirong tanong ng PEP kay Ynna kung nag-overlap ba sila ni Cristine kay Derek?

Pero seryosong sagot nito, “Hindi po. Bago po nagkaroon ng Cristine-Derek, lumalabas na kami ni D, e.”

Dagdag pa niya, “Wala talaga po, ayoko rin kasi, sabi ko, as long as hindi nanggaling sa lalaki yun, ayoko pong, alam mo yun…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang pangit naman po, ako yung babae, tapos sabihin kung ganun, di ba?

“So, si Derek na lang, huwag na lang po ako—pero alam ko wala.

"Wala din naman siyang masasabing masama dahil ganun din ako sa kanya.”

Kasunod pang tanong ni MJ, “How do you feel na ipinagtanggol ka ni Cristine?”

Tugon ni Ynna, “Ay, masaya po ako kasi ang tingin kasi ng tao, galit sa akin si Cristine, nung lumabas ako sa isyu, pero hindi po.

“Okay kami bago sila naging sila, okay kami nung sila, at okay din kami nung naghiwalay sila. Nag-uusap po kami.”

SOBRANG SINGLE PO AKO.” Sa huling bahagi ng panayam, muling binalikan ng PEP kay Ynna ang totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Mark.

Lahad niya, “Marami po, hindi po… Actually, hindi po siya biglaan e, matagal-talaga siguro, naging tago lang yung…

"Opo, matagal na po, pero yung reason, well, hindi ko rin naman po itatago yung reason.

"Parang, alam mo yung, marami pa kasi kaming bagay na, alam mo yun, di ko ma-explain, e.

“Parang marami pa siyang bagay na gustong gawin and ako marami pa akong gustong gawin.

"Na parang sinabi namin, kaysa pahirapan namin ang isa’t isa, gawin na lang namin lahat yung ano yung gusto naming gawin.

“Kung magkaroon po ng time na magkabalikan kami, e di good, pero as much as possible ayaw niya masira yung mga pangarap ko, ayoko ring masira yung mga pangarap niya.

"So nag-decide kami na maghiwalay.”

Hindi rin naman daw bad break-up ang nangyari sa kanila.

Paliwanag niya, “Ay hindi po, magkaibigan pa po kami, nag-uusap pa po kami ngayon.

"And, ewan ko, mas close kami ngayon, e.

“Mas nagkikita kami ngayon, so parang siguro talagang kailangan lang naming maghiwalay para maka-move on kami sa mga bagay-bagay na ginagawa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya nagselos si Mark kay Derek?

Ayon sa dalaga, “Hindi po, kasi hiwalay na po kami bago nagkaroon ng Derek, e.”

So nagkaroon talaga ng Derek?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi po. Well, parang yun nga po, hiwalay na po kami ni Mark bago ko nakilala si D.”

Tinanong din ng PEP kung yun ba ang tawagan nila ni Derek?

Sabi pa niya, “Hindi po, kasi Derek, alam ko D, sa akin Yns [ins], kasi yun naman po ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko.”

Single ba siya ngayon?

Pagtatapos niya, “Opo. Sobrang single po, ayoko po talagang mag-boyfriend ulit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN