John Lloyd Cruz on sitcom co-star Toni Gonzaga: “Mas sexy pa ngayon at mas maganda.”

John Lloyd Cruz on working with Toni Gonzaga again in a TV sitcom: “Wala namang ano, mas gumanda lang siya ngayon, paganda nang paganda si Toni. Bukod dun dati na siyang magaling, dati na siyang sexy. Mas sexy pa ngayon at mas maganda. Natutuwa lang ako na parang nasa iba kaming setting. Ibang-iba ang pakiramdam pag sitcom ang ginagawa. Dati na ako nagsi-sitcom pero matagal na. Parang nangangapa lang, pag napanood siguro namin, ngayon kasi di pa masabi.”

&


Kumpirmadong isang sitcom na pagtatambalan nila ni Toni Gonzaga ang pinagkakaabalahan ngayon ni John Lloyd Cruz.

Naging blockbuster ang romantic comedy movie nilang My Amnesia Girl noong 2010, at bagamat inakala ng kanilang mga fans na masusundan ito ng sequel, masaya pa rin sila sa muling pagtatambal nina Toni at Lloydie sa TV sitcom.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktor sa nakaraang Cinema One Original Award’s Night noong nakaraang November 16 sa Dolphy Theater.

Dito niya ibinalita na management ang nagdesisyon kung bakit sitcom at hindi teleserye ang napiling proyekto para sa kanya.

Ayon kay John Lloyd, “Di ko naman choice yun.

“Originally, pelikula ang gagawin ko. Sabi ko, medyo mahirap na pagsabayin ang pelikula tapos teleserye.

“Siguro mas makatotohanan kung pelikula, tapos isang araw sa loob ng isang linggo na sitcom, kaya siya napunta dun.”

ON TONI GONZAGA. Sa muli nilang pagtatambal ni Toni, inamin ni John Lloyd na wala naman siyang nakitang malaking pagbabago sa TV host/actress, kundi lalo lang itong gumanda at sumeksi, kumpara nung huli silang nagsama sa My Amnesia Girl.

Pagpuri niya kay Toni, “Wala namang ano, mas gumanda lang siya ngayon, paganda nang paganda si Toni.

"Bukod dun, dati na siyang magaling, dati na siyang sexy. Mas sexy pa ngayon at mas maganda.

“Natutuwa lang ako na parang nasa iba kaming setting. Ibang-iba ang pakiramdam ’pag sitcom ang ginagawa.

“Dati na ako nagsi-sitcom, pero matagal na. Parang nangangapa lang, pag napanood siguro namin, ngayon kasi di pa masabi.”

Sa paggawa ng sitcom, tinanong namin ang aktor kung hindi ba niya nami-miss ang paggawa ng serye, na sinasabing balwarte niya bilang isang mahusay na dramatic actor.

“Depende kasi sa working load na kinahaharap mo, e. Gustuhin mo mang maging mas makatotohanan, mahirap talagang pagsabayin ang pelikula at ang teleserye,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GREETING HIS EX. Sa nakaraang birthday celebration ni Bea Alonzo ay balitang nagkita sina Shaina Magdayao at John Lloyd, na noon ay kasama ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Hindi naman itinanggi ni Lloydie na nilapitan niya at binati ang kanyang ex-girfriend na si Shaina.

Pag-amin niya, “Oo naman, siyempre wala namang dahilan para di mo batiin. Binati ko lang naman, binati ko lang, hanggang ganun lang.”

Blockbuster din ang pelikulang She’s The One, na pinagbidahan nina Bea at Dingdong Dantes.

Masaya si John Lloyd para sa kapareha, lalo’t dito ay napatunayan ni Bea hindi lang ang kanyang blockbuster prowess kundi pati na rin ang galing niya bilang isang aktres.

“Di ko pa napapanood, pero masayang-masaya ako dahil kahit anong gawin niya—puwedeng sumabak sa family drama, tapos love triangle—makikita mo na nangingibabaw ang pagiging versatile ng tao.

“I’m very happy for Bea kasi lumalabas na rin at napapatunayan na yung kanyang husay at talino sa pag-arte,” pagmamalaki niya sa dating katambal.

Nagselebra ng 27th birthday si Angelica sa Korea kasama si John Lloyd.

Pasimpleng nagkuwento naman ang aktor sa selebrasyong ginawa nila ng girlfriend.

Kuwento niya, “Okay naman, nag-enjoy naman kami pareho. Pareho naming first time dun. Maganda ang Korea, ang Seoul. Anim na araw.”

Sa isang interview ni John Lloyd ay inamin nito na habang tumatagal ay lalong lumalalim at tumatatag ang relasyon nila ni Angelica.

Marami tuloy ang nagtatanong kung sa kasalan mauuwi ang lahat, lalo’t nagbiro ang aktres sa isang interview niya kamakailan na kapag inaya siya ni John Lloyd na pakasal ay o-oo siya agad.

Pagkumpirma ni John Lloyd, “Oo, siyempre tumatagal nang tumatagal, inevitably naman na ganun ang mangyayari. Pag mayroon na kaming plano, ipapaalam namin sa inyo.”

HAPPY FOR ANGELICA’S ACTING AWARD. Tinanghal na Best Actress si Angelica sa nakaraang Cinema One Originals Award’s Night dahil sa mahusay na pagkakaganap nito sa pelikulang Alamat ni China Doll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Labis naman ang kasiyahan ng aktor sa pagkapanalong natamo ng kasintahan.

“Kahit di siya manalo, masayang-masaya na ako dahil natapos niya yung pelikula, pinagdaananan niya yung paggawa ng isang indie film.

"Nung una kasi ay hesitant siya na gawin yun kasi nalulula siya sa concept.

“Originally kasi, yung script puro Chinese dialect, pero alam ko na kayang-kaya niya. First time niya kasing mag-venture sa isang independent film.

“Sabi ko gawin niya, si Adolf [Alix] naman ang direktor niya. Nakita naman niya ang resulta.

“Sabi niya, kasi ibang-iba raw, kaya tuwang-tuwa ako na siya, kasi ako di ko pa nararanasan. May isa akong ginawa long, long time ago.

“Di ko kina-count kasi parang one day lang yun, pero para sa kanya naranasan niya yung full-length indie film, dun pa lang masayang-masaya na ako, what more na nanalo pa siya,” kuwento niya.

OPEN TO DOING INDIE FILMS. Dahil nasimulan na ni Angelica ang paggawa ng indie films, bukas na rin kaya si John Lloyd sa paggawa ng ganitong klaseng mga pelikula?

Di kaya magiging issue ang mababang talent fee sa aktor lalo’t kilala ang mga indie films sa mababang production costs nila?

Deklara niya, “Bakit hindi?

“Ang lagi kong sinasabi sa sarili ko, siyempre when you have a contract with a network, you have to prioritize sa schedule saka yung concept ng mother studio mo, yung oras mo, kailangan mo silang i-prioritize, pero hindi sarado.

“Siyempre, di mo naman isasarado sa kahit na kanino, sa kahit na anong bagay.”

“Talent fee? Di naman problema yun, di naman issue yun kumbaga.

"Part na ako ng industriyang ito, so kung may ganyan tayong mga kasama sa industirya na gustong makagawa ng ganyang pelikula, na gustong hingin ang serbisyo mo bilang aktor, bakit hindi?

“Yun nga lang, ang madalas na problema ever since, schedule. Kailangan nating unahin yung commitment natin sa network natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para raw kay John Lloyd, ang paggawa ng indie film ay hindi lang isang venue para makagawa siya ng mga kakaibang papel, kundi para higit pa niyang mapalalim ang kakayahan bilang aktor at bilang tao.

“Oo naman, wala namang problema sa ganun. Yung gay role, nagawa na rin natin yun kahit nandito tayo sa loob ng Star Cinema.

“Di lang siya venue para makagawa ka ng something outrageous, or something out of the box, something totally offbeat.

“Di naman siya venue para dun, ako naniniwala din ako na magandang venue din siya para lumawak ka.

“Pag mas marami kang nakikilala na ibang tao, mas lumalawak ang kaalaman mo, mas enriching siya sa pagkatao, both professionally and personally.

“Bukod sa pagkakataon na makakuha ng mga roles na kakaiba, I’m also looking into sa mga bagong magiging kaibigan, bagong katrabaho, bagong kaalaman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN