Rachelle Ann Go on bagging the role of Gigi in Miss Saigon: "Tulala ako. Parang hindi ako makapaniwala."

Rachelle Ann Go on wearing two-piece bikini for her role as Gigi in Miss Saigon: “Mas kinakabahan ako dun kesa kanta, e! Oh, my god, hindi ko ma-imagine! Ngayon pa lang, kinakabahan na ako sa hitsura ko!"


Nagbunga ang pag-o-audition ni Rachelle Ann Go para sa West End revival ng musical na Miss Saigon.

Siya ang napiling gumanap sa papel ni Gigi, isang Vietnamese bar girl, na unang ginampanan ni Isay Alvarez noong 1989.

Noong Biyernes, November 22, lumabas ang announcement ng London cast ng Miss Saigon 2014.

Read: Rachelle Ann Go makes it to Miss Saigon West End revival

Kinagabihan, nanood si Rachelle ng musical play na Addams Family sa Meralco Theater.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang 27-year-old singer.



RACHELLE IN LONDON. Unang nag-audition si Rachelle sa Manila, noong November 2012, para sa Miss Saigon.

Nakaabot siya hanggang sa final callback, kasama ang mga kasamahan niya sa Sunday All Stars na sina Frencheska Farr at Aicelle Santos.

Nalaman namin mula kay Rachelle na lumipad siya papuntang London noong "first week of November" upang mag-audition muli.

Aminado si Rachelle na dahil may isang taon na mula nang mag-audition siya sa Manila, kaya parang pinanghihinaan na siya ng loob kung matatanggap pa siya.

“Nagbenta na sila ng tickets, e, so feeling ko po, wala na po yun.”

Ang ibig sabihin ni Rachelle ay sinimulan na ang pagbebenta ng tickets para sa run ng Miss Saigon West End revival sa May 2014.

Hindi na siya umaasa?

Saad ng Pinay singer, “Noong una talaga, pinagpi-pray ko na, ’Lord, sana...’ Kung ano ang will Niya, yun ang mangyari.

"Tapos, ang dami ko na rin narinig na rumors na meron na nga raw na naipadala dun. So, feeling ko, wala na.

"Sige, Lord, wala na, surrender ko na.

“Hanggang sa napapanaginipan ko na hindi na ako matutuloy. Parang okay na...

"Tapos, biglaan, biglaan..."

Naging emosyunal ba siya nang marinig niyang nakasama siya sa final casting ng Miss Saigon?

Sabi ni Rachelle, “Noong nandoon ako, tulala ako. Parang hindi ako makapaniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang sa kanina, yun na, official na in-announce na.”

PREPARATIONS. Ano ang mga paghahandang gagawin niya?

“Naku, kailangan kong mag-exercise!” natawang sabi ni Rachelle.

Sa unang linggo ng March 2014 lilipad si Rachelle papuntang London para sa pagsisimula ng rehearsals ng Miss Saigon.

Nakatakdang magsimula ang West End revival ng Miss Saigon sa Prince Edward Theater sa May 3, 2014.

Biro ni Rachelle, nang tanungin kung handa na ba siyang mag-two-piece bikini, “Mas kinakabahan ako dun kesa kanta, e!

“Oh, my god, hindi ko ma-imagine!

"Ngayon pa lang, kinakabahan na ako sa hitsura ko!"

Kanino siya kukuha ng pointers para sa Miss Saigon?

“Yun, kina Miss Lea Salonga, Miss Isay Alvarez... sa kanila.”

Binati siya ni Lea sa Twitter.

“Oo nga, kanina.

"Kaya nga kanina, paggising ko, nagising ako, e... bigla akong nagising sa tweet, e.”

Gaano niya kagusto ang papel na napunta sa kanya bilang si Gigi?

Sagot ni Rachelle, “Ako, wala sa role, e. The fact na nakapasok doon.

"Ang sabi ko, maraming possibilities.

"Siyempre, hindi ko alam kung magtatagal ako doon o malilipat ako sa iba. Pinagpi-pray ko na lang kung ano ang will ni God.

“May plano, e. May plano...

“Hindi naman ako nag-audition for Gigi talaga, so sabi ko, may plano, may plano pa rin.

"So, yun, bilang may problema na nga sa edad, nagulat ako, kahit paano, na-consider pa rin. So, yun.”

Ang 17-year old na si Eva Noblezada, na isang Filipino-American, ang napili upang gumanap sa female lead role na Kim.



FOURTEEN MONTHS. Fourteen months o isang taon at dalawang buwan mawawala sa Pilipinas si Rachelle dahil sa pagkakasali niya sa Miss Saigon.

Ito raw ang unang pagkakataon na maninirahan siya sa ibang bansa nang ganoon katagal.

Aniya, “First time ko, pero wala namang choice, di ba?

“Siguro, yun din ang purpose kaya ako nakuha dun, para matuto akong maging independent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi doon, matututo akong magluto, maglaba, mag-commute.

"Excited din ako. Maggu-grow ako.

"Kahit sabihin nating isang taon yun, araw-araw yun, so marami rin akong matututunan.”

Dahil mawawala siya nang matagal sa Pilipinas, may plano na raw siya ngayong Kapaskuhan.

“Bobonggahin ko rito. Kailangan mag-celebrate ako with family, friends... alam mo yun?

"Kasi, you’ll never know, e, baka mamaya... nakaplano na rin ‘yan.

"May mga friends ako, two weeks... Then, after a week, may iba naman.

"Para lang hindi ako ma-homesick.”

Bukod sa pamilya at mga kaibigan niya, pansamantala muna rin niyang iiwan ang career niya dito sa Pilipinas.

Natatawang biro ni Rachelle: “May maiiwan nga ba ako?

“Mabilis ang taon. Nandoon ako para sa experience.

"Sabi ko nga, hindi mo mababayaran.

"Si Miss Lea ang may sabi na hindi mo mababayaran ang experience, yung mga matutunan ko dun...

“Happy,” sambit pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN