Ryan Agoncillo says rumored pregnancy of wife Judy Ann Santos still "inconclusive"

Ayaw pang kumpirmahin ni Ryan Agoncillo ang balitang buntis diumano ang asawa niyang si Judy Ann Santos. Sabi ng TV host, "You know, kami rin excited. But for now, siyempre mas maganda meron muna kaming solidong pinanghahawakan."


Hindi diretsahang itinanggi ni Ryan Agoncillo ang balitang buntis ang misis niyang si Judy Ann Santos.

Nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang ilang linggong buntis na raw si Judy Ann, pero kailangan daw nito ng bed rest dahil hindi pa tiyak ang tunay na kalagayan ng sinapupunan ng aktres.

Naging usap-usapan na ito nung press conference ng bagong game show ni Ryan sa GMA Network, ang Picture! Picture!, noong nakaraang linggo.

Iyon ang narinig ng PEP ia-announce ni Ryan sa entertainment press na dumalo ng presscon. Pero hindi naman ito nangyari.

Nang mag-promote si Ryan sa Startalk kahapon, November 23, tinanong sa kanya ni Lolit Solis ang balitang buntis daw si Judy Ann.

Hindi ito kinumpirma ng TV host-actor.

Sabi ni Ryan, “Sa ngayon, we don’t know yet.

“Nag-control kasi kami for a while para palakihin muna si Lucho.

"So, middle of this year, we actively try na sundan si Lucho. As we see… sana."

HOPING. Sa hiwalay na panayam naman ng PEP kay Ryan pagkatapos ng Startalk, muli namin siyang tinanong tungkol dito, at safe pa rin ang sagot niya.

“Sa ngayon, we’re hoping na buntis nga, pero wala pa, e.

"Sa ngayon, inconclusive pa ang mga bagay-bagay.

“We’re waiting to have an appointment with the doctor. Kaya sa ngayon, hintay-hintay muna,” sabi nito.

Gusto naman daw nilang masundan na ang kanilang dalawang anak, at maging ang bunso nilang si Lucho ay nakikita raw nilang gusto na ring maging kuya.

Kaya fingers crossed daw sila na sana matuloy na ito.

“We’re hoping to have Lucho ready for the bunso, kung saka-sakali,” pahayag pa ni Ryan.

BED REST. Ang isa pang nakarating na balita sa amin, ilang beses na raw na-pack up ang taping ng programa ni Judy Ann sa ABS-CBN, ang Bet On Your Baby, dahil sa pinagpapahinga nga raw ito ng doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka pinagaganda nila nang mabuti ang show nila bilang paghahanda sa Picture! Picture!” pabirong sagot ni Ryan.

Mag-o-overlap kasi ang timeslot ng mga programa nina Ryan at Judy Ann tuwing Sabado ng gabi.

Pero ayon kay Ryan, totoong pinagpapahinga si Judy Ann, pero hindi naman daw bed rest.

“Rest lang. Pahinga lang, relax-relax lang.

“Steady lang siya sa bahay.

"She’s busy actually with Yohan and Lucho, dahil si Lucho, almost every other day na pumapasok sa kanyang pre-school.

“Si Yohan naman, alam ko ngayon, maya-maya lang, manonood sila ng play.

"Iyon lang ang pinagkakaabalahan ni Juday sa ngayon."

Nakangiti pa niyang sabi, “Abangan na lang, huwag na tayo mag-pressure-an.”

Naintindihan naman daw ni Ryan kung lahat ay nag-aabang na masundan si Lucho, at excited na rin daw ang buong pamilya.

“You know, kami rin excited.

"But for now, siyempre mas maganda meron muna kaming solidong pinanghahawakan,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN