Celebrities laud Manny Pacquiao’s victory

Local celebrities (L-R: Eula Caballero, RJ Ledesma, Pops Fernandez, Marc Nelson, Chanel Morales), who graced Solaire Resort’s special celebrity screening, cheered as Manny Pacquiao defeated Brandon Rios by unanimous decision after 12 rounds. With the win, Manny regained his WBO international welterweight title.


Habang marami sa mga Pinoy ang tumutok at sumubaybay sa laban nina Manny Pacquiao at Brandon Rios sa telebisyon, ilang celebrities naman ang piniling panoorin ang boxing bout sa isang special celebrity screening ng laban.

Ginanap ito sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino sa Parañaque City kaninang tanghali, Nobyembre 24.

Kabilang sa mga celebrity na namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa special screening ay sina Concert Queen Pops Fernandez, TV host-model Marc Nelson, TV host-columnist RJ Ledesma, Kapatid Princess Eula Caballero, at Artista Academy finalist Chanel Morales.

Naroon din ang look-alikes nina Manny at Coach Freddie Roach, na kinatuwaan ng mga manonood na magpa-picture kasama nila.

Pagkatapos i-announce ang tagumpay ni Manny via unanimous decision, kaagad nilapitan ng PEP ang mga celebrity para alamin ang kanilang saloobin sa pagkapanalo ng Pambansang Kamao.

POPS FERNANDEZ. Tuwang-tuwa si Pops, at nag-enjoy siya sa panonood kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sabi ng Concert Queen, “Siyempre, ang saya ng mga Pinoy ngayon. Super-super proud tayo kay Pacquiao.”

Inalay ni Manny ang kanyang tagumpay para sa mga biktima ng kalamidad, lalo na sa nakaraang pananalanta ng bagyong Yolanda sa Central Visayas.

Para kay Pops, napapanahon talaga ang panalo ni Pacquiao.

“We needed this, lalung-lalo na during the times na down tayo,” aniya.

Sa lahat daw ng 12 rounds ay maganda ang ipinakita ni Manny.

Sabi pa ni Pops, “Lahat ng rounds maganda ang delivery niya. Alam mo talaga na mas lamang siya, so exciting yung fight for us mga Pinoy.”

Kinabahan din ba siya kahit paano?

Pag-amin ni Pops, “In the beginning, medyo. Siyempre may konti rin [kaba]. Pero gusto talaga nating manalo si Pacquiao.

“Kayang-kaya naman niya, parang in the beginning pa lang ang dami na niyang punches. So, congrats sa mga Pinoy!”

MARC NELSON. Ayon naman kay Marc, ang tagumpay daw ni Manny ay pagpapatunay na kaya pa rin niyang manalo at maipakita sa mundo na mahusay pa rin siyang boksingero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “I feel fantastic, of course. Manny came back and showed to the world that he’s still an amazing boxer.

“He still has so much power, so much energy, and so much skill. He really outskilled Rios on this.”

Positibo naman daw siya na mananalo talaga si Manny kahit hindi nito na-knockout si Rios.

Patuloy pa ni Marc, “During the first few rounds you don’t know how the fight’s gonna go.

“But after like the sixth to the twelfth round, it’s obvious that Manny is the better boxer, and I’m sure that Manny’s gonna win.”

Magandang inspirasyon din daw ang hatid ng pagkapanalo ni Manny, lalo na ngayong sunud-sunod ang trahedyang pinagdaanan ng Pilipinas, gaya ng Bohol 7.2 magnitude earthquake at supertyphoon Yolanda.

Sabi pa niya, “You know, Manny has always been an inspiration to the country, and I think a lot of people are watching him now. I know that they set up a big screen in Tacloban so they can watch his fight.

“So, this is gonna give them a lot of hope and heart to get through these trying times.”

RJ LEDESMA. Alam daw ni RJ na inspirado si Manny dahil sa pag-alay nito ng kanyang laban sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.

Pero ramdam din daw ng TV host/columnist/entrepreneur ang pressure kay Manny dahil marami nga ang nagsasabing ang labang ito ay make-or-break para sa Pinoy boxing champ.

Masayang kuwento ni RJ, “I just couldn’t take a seat during the whole fight, I feel so nervous, because siyempre I was telling them that, you know, Manny is like carrying Yolanda on his shoulders.

“It’s a make-or-break for him and he’s carrying the weight of the nation on his shoulders. But I think it’s a great technical fight. You can see that Manny is in full control of the fight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even though he didn’t go for the knockout, we know that’s he’s going to win. Great fight! Manny’s back in form!”

EULA CABALLERO. Inamin naman ni Eula na lagi siyang nanonood sa bahay nila tuwing may laban si Pacquiao.

Pero first time niya raw makapanood sa isang special screening ng laban at na-enjoy daw niya lalo pa’t nanalo ulit si Manny.

“Ever since hindi pa ako nagsu-showbiz, lahat ng fight niya pinapanood ko sa bahay namin. May handaan talaga sa amin pag may fight si Manny.

“All our relatives come. Ganun talaga kami, lagi kaming in full support kay Manny,” sabi ng TV5 Talent Center artist at Star Factor grand winner.

Proud nga si Eula sa pagkapanalo ni Manny.

Saad niya, “Nakaka-proud na we won again. Kasi it’s our fight, it’s all the Filipinos fight. And then another thing that I’m very proud of is that he showed everyone what a gentleman he is even inside the ring.

“So, I’m proud about that and we can say na ganyan kaming mga Pilipino—we don’t take advantage, we care for others no matter what’s happening to us. And that’s something to be really proud of.”

Timing nga raw ang panalo ni Manny pagkatapos ng trahedyang naganap sa bansa.

Ayon kay Eula, “This one is really a big-time happiness for us. We are always proud para sa kababayan natin. This brings a very big impact to the Filipinos na there’s always hope.

“Nagkakataon talaga sa Pilipinas, na pag may masamang nangyayari, nasusundan talaga iyan ng victory o ng kahit anong blessing.”

CHANEL MORALES. Para sa baguhang Kapatid actress na si Chanel, pride ng Pilipinas ang panalo ni Pacquiao.

Pagmamalaki niya, “I’m so happy and proud of him that he’s back sa ring again. It’s a pride for the Philippines and makikita mo talaga kahit they’re fighting, si Manny he’s so kind pa rin kay Rios.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, napag-alaman naman ng PEP mula sa pamunuan ng Solaire Resort na ang lahat ng kinita ng naturang sold-out special celebrity screening ay mapupunta sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Nakikiisa raw sila sa adhikain ni Manny na makatulong para muling makaahon ang mga lugar na sinalanta ng bagyo, lalo na ang Tacloban.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN