Former teen actor Diego Castro loses mom June Keithley just more than a year after dad Angelo Castro Jr. passed away

Ulilang lubos na ngayon ang dating T.G.I.S. star na si Diego Castro pagkatapos bawian ng buhay ang kanyang inang si June Keithley, Linggo ng gabi, November 24, dahil sa sakit na breast cancer. Noong April 2012 ay nauna nang pumanaw ang kanyang amang si Angelo Castro Jr. dahil naman sa lung cancer.


Sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating teen actor na si Diego Castro ilang oras pagkatapos bawian ng buhay ang kanyang inang si June Keithley ngayong gabi, Linggo, November 24.

Sumakabilang-buhay ang batikang TV-radio host, theater actress, at newspaper columnist kaninang bandang 6:45 p.m., sa St. Luke’s Medical Center, pagkatapos ng apat na taong pakikipaglaban sa breast cancer.

Read: June Keithley, veteran broadcaster and People Power hero, dies at 66

Ayon kay Diego, na nakausap ng PEP via private messaging sa Facebook, magsisimula ang burol ng kanyang ina bukas, November 25, sa Camp Aguinaldo Cathedral.

Sa isang panayam namin kay Diego noong June 2012, sinabi nitong ipinagdarasal niyang huwag muna siyang iwan ng kanyang ina, dahil kamamatay lang noon ng kanyang ama.

Ang ama ni Diego ay ang dating ABS-CBN news anchor na si Angelo Castro Jr., na namatay noong April 5, 2012, dahil sa lung cancer.

Nabanggit din noon ni Diego na ayaw nang magpa-chemotherapy ng kanyang ina dahil napapagod na raw ito.

Sabi niya sa naturang panayam, “Maghihintay na lang daw siya kung kailan siya kukunin ni Lord.

“Pero for me, sabihin na nating selfish ako, I still want her to get chemotherapy.

"Hanggang kaya ko pa, I want to extend her life pa...

“Kakawala lang ni Daddy, I still need her with me. I always tell her to not give up.

“Kailangan ko pa siya dito. My kids still need their lola."

Kahit nga raw naka-confine na sa wheelchair ang kanyang ina, marami pa itong gustong gawin. Aktibo pa rin ito sa pagsusulat ng kanyang column sa isang broadsheet.

At kahit maysakit na noon ang kanyang ina, hindi raw nawala ang pagiging palabiro nito.

“Lagi akong alaskado kay Mommy!

“There’s never a day that she wouldn’t make me laugh.

“Minsan tatawagin niya ako and she would say something about me that would really make me laugh," kuwento ni Diego, na dating cast member ng GMA youth-oriented show na T.G.I.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit pagkalipas lamang ng isang taon at kalahati nang mamatay ang ama ni Diego, ngayon naman ay binawian na rin ng buhay ang kanyang ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN