Is Manny Pacquiao back in fighting form? Analysts weigh in on Pacman’s triumphant comeback

Ayon sa ESPN.com sports editor na si Brian Campbell: “A month shy of his 35th birthday, this might not have been the same Pacquiao who had dismantled top opponents at the peak of his prime with a spellbinding combination of speed and power. But in his first fight following a scary, one-punch knockout against Juan Manuel Marquez last December, coming off the longest layoff his career, it wasn’t too shabby.”




Marami ang natuwa sa muling pagkapanalo ng People’s Champ na si Manny Pacquaio ng WBO (World Boxing Organization) International Welterweight Belt sa laban kay Brandon Rios kahapon, November 24, sa Cotai Arena, The Venetian Macao Resort, Macau.

Ang tagumpay ng Pambansang Kamao ay nagsisilbi ring pagbangon ni Manny mula sa masakit na pagkatalo nito sa dalawang magkasunod na laban.

Una na nga rito ay ang laban ni Manny kay Timothy Bradley para sa WBO International Welterweight Belt noong June 9, 2012.

Pinamagatan ang laban na “Perfect Storm,” na ginanap sa MGM Grand Graden Arena, Las Vegas, Nevada.

Naging kontrobersiyal ang desisyon ng mga hurado dito dahil split decision ang hatol, matapos ang 12 rounds, kung saan napunta kay Bradley ang championship belt.

Nagkaroon ng review sa laban ang boxing committee at lahat ng WBO judges ay pumabor kay Manny, pero hindi na raw maaring baligtarin ng WBO ang resulta ng laban.

Sunod na naitumba ang Pambansang Kamo sa ring sa pang-apat na laban nila ng Mehikanong si Juan Manuel Marquez, noong Deecember 8, 2012, sa parehong lugar din ng pinaglabanan nila ni Bradley.

Na-knockout si Pacman ni El Dinamita sa pagtatapos ng ika-anim na round, kung saan nawalan ng malay ang una ng ilang segundo.

Simula noon, pinagdududahan na kung makakabalik pa si Pacquiao sa kanyang pinaghahariang boxing arena, kung saan may walo itong titulo.

Kabilang sa kanyang mga titulo ay ang Flyweight, Super Bantamweight, Featherweight, Super Featherweight, Lightweight, Light Welterweight, Welterweight at Light Middleweight.

Dahil sa dalawang magkasunod na pagkatalo ng Saranggani Representative, maraming mga tagahanga ang umasang maipatumba ni Manny ang kalabang si Brandon sa pamamagitan ng knock-out.

Pero, ayon na rin kay Pacquiao, naging maingat siya dahil natuto na raw siya sa nakaraang laban kay Marquez.

Sa panayam ng HBO kay Manny, sinabi nitong, “I’m very careful. I learned in the last fight.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMMENTS, WRITEUPS ON MANNY. Sinabi naman sa article ng Sports Illustrated writer na si Chris Mannix na may nalalabi pang galing si Manny sa boxing.

Ayon pa sa kanyang artikulo, “In the aftermath of a horrifying knockout loss to Juan Manuel Marquez last December, questions about whether Pacquiao would be the same fighter lingered. But while Pacquiao is not the same human wrecking ball he was through 2009, he proved against Rios that, at 34, he still has plenty left. Boxing brilliantly, Pacquiao moved in, out and around Rios, peppering him with combinations, bruising his face with thudding power shots. It was an easy fight to score—evidenced by the 120-108, 119-109 and 118-110 scorecards—with little controversy.”

Dagdag pa niya, “Rios was selected for this fight for a reason: He’s a tough guy with a television-friendly style who is easy to hit. Pacquiao needed a confidence-rebuilding fight, and he got it against Rios, who, save for a handful of decent punches, was never able to mount much of a threat.”

Ayon naman sa ESPN.com editor na si Brian Campbell, naninibago siya kay Manny dahil iba raw ang estilo ni Manny sa mga nakaraang laban nito sa boxing ring.

Aniya, “With the alternative being a third straight loss and possible retirement, it wouldn’t be a stretch to say that Manny Pacquiao is back following his 12-round whitewash of hard-charging Brandon Rios on Saturday at the Cotai Arena in Macau.”

Dagdag pa niya, “A month shy of his 35th birthday, this might not have been the same Pacquiao who had dismantled top opponents at the peak of his prime with a spellbinding combination of speed and power. But in his first fight following a scary, one-punch knockout against Juan Manuel Marquez last December, coming off the longest layoff his career, it wasn’t too shabby.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puna pa nito, “Pacquiao simply had his way with the one-dimensional Rios, establishing himself early to the body before continuously peppering the Mexican-American fighter with combinations upstairs en route to an easy, unanimous-decision win.”

Samantala, pinuri naman ng international boxing analyst na si Al Bernstein ang naging performance ni Pacquiao.

Ayon sa kanyang tweet, “A smart and effective performance by Pac. Even though Rios was not gr8, That does diminish what PAC did.”

PUWEDENG MA-KNOCK OUT. Sa ulat ng 24 Oras Weekend ng GMA-7 ngayong gabi, November 24, abot-langit daw ang tuwa ng Team Pacquaio sa tinamo nitong tagumapay.

Sinabi rin ng ulat na puwedeng ma-knock out ni Manny si Brandon kung tinuluyan lang daw ito ni Pacman.

Sa kuwento ng reporter nilang si Connie Sison na nasa Macau, sobrang tamis daw na ngiti ang nakita niya sa mukha ni Manny noong pumasok ito sa kanyang kuwarto sa The Venetian Macao.

Ilang minuto raw bago ang laban, nagpakita raw si Manny ng 100 percent confidence na matatalo niya si Brandon.

Sinabi rin ng coach nitong si Freddie Roach na sa mga huling rounds daw ng laban ay hindi na gaanong sinuntok ni Pacquaio si Rios.

Sa live interview ni Manny, sinabi niyang masaya siya sa mga papuring natanggap na nagsasabing nagbalik na ang Manny na kilala nila noong kanyang kalakasan.

Aniya, “Okay na, masaya ako na nanalo at nakapagbigay ng karangalan sa ating bansa.”

Sa mga punto naman daw na iniinis siya ni Rios—isa nga rito ay nang nag-belat sa kanya ang kalaban—hindi naman daw nainis si Manny.

Aniya, “A, hindi naman, yun talaga ang style niya.”

Ayon naman sa GMA-7 sports reporter at analyst at Spin.ph columnist na si Chino Trinidad, “almost perfect” ang naging strategy ni Manny.

Saad niya, “Almost perfect yun, at nakita natin yung paglalatag ng kanila pong fighting style strategy ay kanila pong nailatag nang maayos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Ang ginawa ho nila, tama ang pagkakadiskarte, tama ang pagkalatag, sukat ang laban.”

Mahirap bang pabagsakin si Rios o gameplan ng Team Pacquiao na okay lang kahit magtagal ang laban?

Saad ni Chino, “Kailangang silipin din natin from the perspective of Pacquiao. Sabi nila baka daw nanghina si Pacquiao kaya hindi niya na knock-out.

"Kailangang linawin lang ho natin, ang boxing is not about knocking out your opponents, ’no.

"Nakita ni Manny Pacquiao ito—he’s an evolved Manny Pacquiao, ’no.”

Dagdag pa niya, “At saka yung knockout, kung tinuluyan ni Manny yun starting round six hangang round twelve, hindi aabot e.

"Hindi matatapos ang twelve rounds kasi may mga punto na binubunot ni Manny ang atake niya, naawa kasi siya dun sa binugbog niya, e. So yun yung kasagutan siguro.”

Napansin din ni Chino na naging wake-up call daw para kay Manny ang pagkatalo nito kay Marquez kaya daw muli itong nagsigasig sa kanyang training at hindi naging kampante.

CONGRATS, MANNY!” Hindi man na knock-out ni Manny si Rios, wala itong naging epekto sa mga tagahangang umaasang muling manalo si Pacman sa laban.

Bukod sa mga ordinaryong tao, marami na ring mga international and local celebrities ang nagpaabot ng mga mensahe kay Manny sa pamamagitan ng social media.

May iba namang personalidad na personal na nagtungo ng Macau para mapanood ng live ang laban.

Ilan sa kanila ay sina Dingdong Dantes, Arthur Solinap, Carlo Gonzales, Atty. Karen Jimeno, at ang pamilya Gutierrez.

Ayon pa kay Dingdong, “Manny, congratulations sobrang proud kami sa ‘yo dito, sobrang ramdam na ramdam ang pagmamahal ng Pilipino lalung-lalo na dito sa Macau, we’re so proud of you. Thank you for this fight.”

Sa mga video posts naman ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram, makikita ang labis na pagsuporta ng kanyang inang si Annabelle Rama at amang si Eddie sa boksingero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Namataan din sa ring ang kontrobersiyal na former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, ang avid supporter ni Manny na madalas kasama ng Team Pacquiao sa halos lahat ng laban nito sa ibang bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN