Marian Rivera’s hard work pays off with second Best Actress award

Bukas daw ang 27th Star Awards for TV Best Actress Drama na si Marian Rivera sa posibilidad na makatrabaho ang Kapamilya actors na sina John Lloyd Cruz at Coco Martin. Sabi ng Kapuso actress, "Lahat naman ng artista, open ako na makatrabaho sila."


Si Marian Rivera ang nanalong Best Drama Actress sa 27th PMPC Star Awards For Television na ginanap kagabi, Linggo, November 24, sa AFP Theater.

Nagwagi ang Kapuso Primetime Queen para sa pinagbidahan niyang primetime series sa GMA, ang Temptation of Wife.

Ang iba pang nominado sa kategoryang ito ay sina Carla Abellana (My Husband’s Lover), Janice de Belen (Ina Kapatid Anak), Jodi Sta. Maria (Be Careful With My Heart), Judy Ann Santos (Huwag Ka Lang Mawawala), Kim Chiu (Ina Kapatid Anak), Maja Salvador (Ina Kapatid Anak), at Nora Aunor (Never Say Goodbye).

Read: Marian Rivera wins Best Drama Actress, Coco Martin and Richard Yap tie for Best Drama Actor at 27th Star Awards for TV

Bago i-announce ang winner, hindi umano kaba kundi excitement ang mas nangibabaw kay Marian.

“Siyempre, sa mga ganitong pagkakataon e mas dun ako sa nae-excite ako,” sabi ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng awards night.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nanalo ng acting award si Marian.

Ang una ay sa Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS) noong 20012, para sa pagganap niya sa epic-seryeng Amaya.

Ayon kay Marian, masarap sa pakiramdam kapag sa pinaghihirapang trabaho ay may nagiging magandang bunga, gaya ng natatanggap niyang pagkilala ngayon dahil sa kanyang pagganap.

“Actually, lahat naman ng artista e pinaghihirapan ang trabaho nila.

“Sa lahat po ng pagod ng mga artista, napapawi iyon kapag nakakatanggap ng mga ganitong karangalan.”

Nominado rin si Marian sa Asian Television Awards 2013, para pa rin sa Temptation of Wife.



DINGDONG IN MACAU. Wala ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes para maging escort sana niya sa Star Awards For TV kagabi.

Nasa Macau kasi ang Kapuso actor dahil nanood ng laban ni Manny Pacquiao laban kay Brandon Rios.

Pero bago ang awards night, nagkausap naman daw sila ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Marian, “Sabi niya, ’Good luck.’

"Siyempre nandun siya kay Kuya Manny ngayon na… nanalo tayo!

"Kaya ang saya-saya ko rin."

Nagkasama sina Marian at Manny sa defunct GMA sitcom na Show Me Da Manny.



POSSIBLE PROJECTS WITH JOHN LLOYD & COCO. Dahil nakahanay na ngayon si Marian sa bagong henerasyon ng award-winning actresses, may mga fans na inaasam na makatrabaho ng aktres ang dalawa sa pinakamahuhusay na aktor ngayon—sina John Lloyd Cruz at Coco Martin.

Si Coco ang nanalong Best Drama Actor sa Star Awards for TV kagabi, para sa Juan dela Cruz. Nominado naman si John Lloyd sa parehong kategorya para sa A Beautiful Affair.

Posible naman sigurong mangyari ito, kahit pa Kapuso si Marian at mga Kapamilya naman ang dalawang aktor.

Open naman daw si Marian na makatrabaho sina Coco at John Lloyd kung magkakaroon ng pagkakataon.

“Oo naman. Lahat naman ng artista, open ako na makatrabaho sila,” nakangiting sabi ng Kapuso Primetime Queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN