Nikki Gil on rumor linking ex-boyfriend Billy Crawford to Coleen Garcia: "That’s really none of my business..."

Hindi itinanggi ni Nikki Gil na nakikipag-date siya ngayon, ilang buwan pagkatapos nilang mag-break ni Billy Crawford. Sabi ng actress-singer, “I’m single, I go out, and I mingle with whoever I want.”


“That’s really none of my business. I have nothing to do with that.”

Ito ang diretsong sagot ni Nikki Gil nang tanungin ng Buzz Ng Bayan tungkol sa pagkaka-link ng ex-boyfriend niyang si Billy Crawford kay Coleen Garcia.

Magkasama sina Billy at Coleen sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Sa kanilang mga panayam, parehong itinanggi nina Billy at Coleen ang balitang may namamagitan sa kanila, bukod sa pagiging magkaibigan at magkatrabaho.

Natatawang sabi pa ni Nikki tungkol sa isyu kina Billy at Coleen: “Everyone has their story to tell. I don’t care!

“I wanna move forward.”

Nagdusa rin ba siya noon sa pagkaka-link ni Billy sa mga ibang babae?

“No comment!” tawa na naman ni Nikki.

Pero dugtong niya, “That nightmare turned into something good and story to inspire other women.”

Kung si Billy ay nali-link ngayon kay Coleen, si Nikki naman daw ay balitang meron na ring nakaka-date na isang young businessman.

Sabi ng singer-actress, “Ano lang… ako naman, I go out.

“I’m single, I go out, and I mingle with whoever I want.”

At least, may prospect naman siya?

“Oo, marami naman!” natatawang sabi ni Nikki.

Pero bawi rin niya, “Hindi, friends-friends lang.”

Aminado si Nikki na hindi pa siya handa kahit maging kaibigan man lang ang kanyang ex-boyfriend.

“Parang not now. No… because, I’m just being real.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN