Chavit Singson says Alex Ariza deserves to be fed to his tigers after disrespecting Freddie Roach

Former Ilocos Sur Governor Chavit Singson says Alex Ariza earned the ire of Filipinos after kicking Manny Pacquiao’s head coach, Freddie Roach, in a scuffle, a couple of days before Manny’s fight against Brandon Rios.


Sa gitna ng mga pagbatikos kay dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson—dahil sa ginawa niyang pagpatay ng isang leon at isang antelope sa kanyang hunting expedition sa Africa—pabiro niyang sinabi na dapat ipakain si Alex Ariza sa mga alaga niyang tigre.

Read: Former Governor Chavit Singson kills lion and antelope on his birthday; gets flak from netizens

Hindi nagustuhan ni Singson ang ginawang pambabastos ni Ariza sa head coach ni Manny Pacquiao na si Freddie Roach.

Para sa kilalang pulitiko at malapit na kaibigan ni Manny, tama lang na magalit ang mga Pinoy sa ginawa ng dating strength-and-conditioning coach ni Pacman.

Sa eksklusibong panayam ng SPIN.ph, sinabi ni Governor Singson tungkol sa ginawa ni Ariza: "Pangit yun. Hindi na niya iginalang si Freddie.

"Hindi naman siya ang kausap [ni Roach] in the first place… si Robert Garcia."

Si Robert Garcia ang coach ng American boxer na si Brandon Rios, na natalo ni Pacquiao sa laban nila kahapon, November 24, sa Cotai Arena, sa Venetian Resort and Casino Hotel, sa Macau.

Read: Manny Pacquiao wins fight against Brandon Rios

Naganap ang gulo sa pagitan nina Ariza at Roach sa isang boxing gym sa Macau, ilang araw bago maglaban sina Pacquiao at Rios.

Nakunan ng video ang naturang gulo at nai-upload sa social networking sites.

Makikita rito na sinipa ni Ariza si Roach sa parteng dibdib.

Read: Manny Pacquiao’s coach Freddie Roach gets in a fight

Nang tanungin ng SPIN.ph—ang sports portal na kapatid ng PEP—kung ano ang gagawin niya kung sakaling mapunta si Ariza sa lalawigan ng Ilocos Sur, natatawang sagot ni Singson:

"Puwede naman siya pumunta run. Papakain ko siya sa tiger."

May mga alagang tigre si Singson sa Baluarte, ang mala-fortress na bahay niya sa Ilocos Sur.

Sa kabilang banda, seryoso namang sinabi ni Singson na, "Huwag na nating gantihan ’yon. Pangit lang lalabas sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pangit na nga ginawa niya, e, di mas pangit tayo kung gaganti pa tayo."

Read full article on SPIN.ph: ’Disrespectful’ Ariza deserves to be fed to my tigers for attack on Roach, says Chavit Singson


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN