KC Concepcion not in a hurry to find new love: “Ang feeling ko, ang daming time na rin na na-waste ko being with the wrong guy.”

KC Concepcion on Paulo Avelino: “Mabait po! Mabait, mabait. At saka parang hindi siya masyadong showbiz na… hindi siya matakaw sa atensiyon. Actually, nagtatago nga yun lagi.”


Matipid ang mga sagot ni KC Concepcion nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media tungkol sa relasyon nila ni Paulo Avelino.

Pareho nang umamin ang dalawa na nagde-date nga sila, ngunit hindi pa raw sila.

Read: KC Concepcion confirms that she and Paulo Avelino are dating, but not exclusively

“Okey naman po,” sagot ni KC nang tanungin kung kumusta na sila ni Paulo.

How does she find Paulo?

“Mabait po! Mabait, mabait...

“At saka, parang hindi siya masyadong showbiz na… hindi siya matakaw sa atensiyon.

“Actually, nagtatago nga yun lagi.

“But, uhm… mabait po at saka tahimik.”

Nakausap ng entertainment press si KC pagkatapos ng 27th PMPC Star Awards for TV kagabi, November 24, sa AFP Theater ng Camp Aguinaldo, sa Quezon City.

Si KC ang nanalong Best Drama Supporting Actress para sa Huwag Ka Lang Mawawala.

Read: KC Concepcion wins her first acting award

NOT READY TO COMMIT. Ang ina ni KC na si Sharon Cuneta ay tila hindi tutol kung magustuhan man ng anak si Paulo.

Ano ang masasabi ni KC dito?

“At naku po!” natawang bulalas ni KC.

“Alam ninyo, totoo ito, ha? I’m not… kasi naririnig ninyo ito lagi sa akin.

“Pero, totoo po kasi, hindi po ako ready mag-commit.

“I mean, siguro in a year o a couple of years.

“Pero kasi sa ngayon, talagang nag-e-enjoy pa ako.

“Parang ang feeling ko kasi, ang daming time na rin na na-waste ko being with the wrong guy.

“Baka kailangan ko lang ng time na ibalik yung time na nawala sa akin.”

Totoo bang gusto ng kanyang ina na magkaapo na sa kanya?

“Naku po! Sixteen pa lang ako, sinasabi na niya yun sa akin!” sabay tawa ni KC.

Pero balitang kagaya ni Sharon, boto rin umano kay Paulo para sa kanya ang ama niyang si Gabby Concepcion?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, talaga?

“Kilala na ba niya yun? Parang hindi pa yata!” tawa ulit niya.

“Kayo, anong tingin ninyo sa kanya?” balik-tanong ni KC tungkol kay Paulo.

Si Phil Younghusband, ex-boyfriend ni Angel Locsin, ay nauugnay din sa kanya ngayon.

“Ay, huwag na po! Parang pampromo lang po yata ‘yan,” iwas ni KC.

DONATION. Sa gitna naman ng kasalukuyang ginagawang pagtulong at rehabilitasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, natanong si KC sa magkaibang halaga ng donasyon na ibinigay niya at ng inang si Sharon.

Nagbigay ng P5 million si KC, samantalang si Sharon naman ay P10 million.

“Ay, huwag naman po!" natatawang pakiusap ni KC.

Ang ibig sabihin ng Kapamilya actress-TV host ay huwag nang pagkumparahin ang halagang ibinigay nilang mag-ina.

Sabi pa ni KC, “Nagtutulungan lang naman ang buong mundo—it was the biggest typhoon na tumama sa planeta natin.

“So it’s not something na kailangan pang intrigahin o i-compare.

“E, sa kanya [Sharon] rin naman ako natuto, so nasa pamilya rin siguro yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN