Angelica Panganiban: "Mahal na mahal ko si Melai."

Binigyan ng kulay ng ilan ang hindi pagbanggit ni Angelica Panganiban ng pangalan ni Melai Cantiveros sa kanyang mga pinasalamatan para sa pagwawagi ng Banana Split: Extra Scoop bilang Best Gag Show sa 27th PMPC Star Awards for TV.


Matapos magwagi bilang Best Comedy Gag Show ang Banna Split: Extra Scoop ng ABS-CBN—ka-tie ang Bubble Gang ng GMA—sa 27th PMPC Star Awards for Television kagabi, November 24, kagaad na nag-post ng mensahe ng pasasalamat si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account.

Isa ang Kapamilya actress sa cast members ng Banana Split.

Ayon pa sa caption ni Angelica sa larawan, kunsaan nagtatalumpati siya sa stage:

“Thank you PMPC!!! Banana split extra scoop won best gag show tied with Bubble gang!!! Mabuhay ang mga comedy shows!! Happy happy 5 years talaga banana split! At nakalimutan kong pasalamatan ang comedy group ng ABS-CBN. Lalo na ang mga writers, staff at boss namin sa banana split. Salamat sa lahat ng ka scoopers or ka splitters out there:)"

Naka-tag sa mensaheng ito ni Angelica ang mga kasamahan niya sa show at mga staff nito.

Kabilang sa ti-nag niya sina John Prats, Jayson Gainza, Zanjoe Marudo, Alex Gonzaga, Pooh, Sunshine Garcia, Jef Gaitan, Kim de Guzman, Boom Labrusca, Kean Cipriano, Ryan Bang, at Direk Bobot Mortiz.



WHERE’S MELAI? Maraming IG followers ni Angelica ang agad namang nagpaabot ng kanilang pagbati sa aktres.

Pero may ilan ding nagtanong kung bakit hindi kasali sa kanyang mga ti-nag ang kaibigang si Melai Cantiveros, na dati rin nilang kasamahan sa Banana Split.

Ayon pa sa isang nag-comment, baka raw sinadya ni Angelica na huwag isama ang pangalan ni Melai.

Sabi ni @piayap: “d mo na mention c melai, o ayaw mo lng, their interview in bnb is very sincere and honest.”

Ang tinutukoy ni @piayap na ‘bnb’ ay ang Buzz Ng Bayan ng ABS-CBN.

Live na nagpa-interview sina Melai at Jason sa programang ito kahapon, November 24.

Dito ay inamin ni Melai na nagtatampo siya sa mga dating kasamahan sa Banana Split, kabilang na si Angelica, dahil tila minaliit ng mga ito ang kakayahan ni Jason na bumuhay ng pamilya at sinabi pa nila ito sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Melai Cantiveros admits "tampo" with Banana Split castmates for publicly underestimating fiancé Jason Francisco

Nag-ugat ang pahayag na ito ni Melai mula sa October 11 episode ng Kris TV, kung saan guests sina Pooh at Angelica.

Nagpahayag ang dalawa—pati na ang host na si Kris Aquino—ng kanilang pag-aalala sa magiging kinabukasan ng kaibigan nilang si Melai dahil sa desisyon nitong lumagay na sa tahimik.

Read: Kris Aquino and Angelica Panganiban worried about showbiz future of their common friend, Melai Cantiveros

May iba pang Instagram followers ni Angelica ang nag-usisa sa hindi niya pagkakabanggit kay Melai.

Sabi ni @bellyonhappywife: “U didn’t mentioned melai. Why? I think it’s rude she is the funniest among u lot. She deserves recognition.. Paki-explain… Luv u @iamangelicap.”

Komento naman ni @whitelady1972, “Wala si melai sa grit u Ms. Angelica kasama sya sa banana split at magaling sya magpatawa sa banana split.”

Dagdag pa nito: “Comment nman ms angelica galit ka ba kay melai dahil sa interview knina sa buzz ng bayan kya di u mention si melai.”

Ilang sandali pa ay sinagot ito ni Angelica.

Sabi ng aktres kay @whitelady1972: “mahal ko siya. J”

MAHAL NA MAHAL KO SI MELAI…” Ayon naman sa ibang Instagram followers ni Angelica, huwag na itong gawing isyu dahil matagal nang hindi kasama sa show si Melai, at ang nabanggit lang daw ni Angelica ay ang present cast ng show.

Isa pang follower ni Angelica ang may kahalintulad na komento.

Sabi ni @jackieparuparo: “Wow ha hindi mo talaga sinama si Melai.”

Dito ay nagbigay na ng pahayag si Angelica.

Sabi niya:“@jackieparuparo yung production manager nga namin nakalimutan kong pasalamatan…. Si @cynthiabear915 boss namin siya. D ko siya nabanggit sa live at sa ig. Nood ka sa Sunday. Wag ka din oa. J good night.”

Pagkatapos nito, nagpaabot ng mensahe si Angelica sa lahat ng mga nang-iintriga sa kanila ni Melai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At sa lahat dito. Kanina pa ko delete ng delete, wag na tayo makelam. Mahal na mahal ko si melai. Kaya parang awa niyo na, wag niyo na siya bigyan ng ikakasama ng loob niya. Noon ko pa to sinasabi... Ako na lang awayin niyo. Pero wag na natin idmay yung iba. Lalo na nagdadalang tao. Pakiusap. Salamat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN