Jeric Gonzales feels that he has improved as an actor

Nang tanungin si Jeric Gonzales kung sino ang itinuturing niyang karibal sa showbiz ngayon, ang isinagot niya ay ang co-finalist niya sa Protégé na si Ruru Madrid. Paliwanag ni Jeric, “Kasi hanggang ngayon, hindi pa rin po nawawala yung pilit kaming pinag-aaway ni Ruru. Pero magkaibigan po kami ni Ruru, pero hindi pa rin po kami nagkikita ulit ni Ruru. But I’m sure, wala lang po yun, kasi kapag magkasama kami, kulitan lang.&


Malapit nang magwakas ang panghapong serye ng GMA na Pyra: Babaeng Apoy.

Ito ang unang pagbibida ng winners ng Protégé: Battle for the Big Artista Break na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino.

Sa taping ng Pyra sa Quezon Memorial Circle noong November 18, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric.

Ano ang inaasahan niya kapag natapos na ang Pyra?

Sagot ng 21-year-old Kapuso talent, “Ini-expect ko po na mabigyan ng maganda pang opportunity ng GMA, kasi nakita rin nila na nag-improve rin po.”

Ayon kay Jeric, si Thea pa rin ang gusto niyang makapareha kung mabibigyan sila ng panibagong project.

“Sa ngayon po, okay lang naman po na magkasama kami, kasi okay pa naman po ang loveteam, nagwo-work pa po.”



CONSISTENT PARTNER. Sa matagal nilang pagsasama sa Pyra, may mga bagong nadiskubre raw si Jeric kay Thea.

Sabi ng young actor, “Nadiskubre ko po, si Thea, magaling po siyang talaga, masarap katrabaho.”

Nagsimula na ba siyang manligaw sa ka-loveteam?

“Hindi pa po,” nakangiting sabi niya.

Gusto ba niya talagang ligawan si Thea?

“Siguro po, for the meantime, sa loveteam.

"Kasi itong Pyra, mas lalo kaming naging close.

“Sa Teen Gen at Love & Lies, totally work lang kami.

“Dito po, yung mga secrets, mga problems ng family, nakakapag-share kami at nakakapagbigay ng advice sa isa’t isa.”

Kailan nagsimula ang ganitong klase ng relasyon sa pagitan nila?

Sabi ni Jeric, “Nang mag-relationship exercise po kami ni Thea kay Ms. Ann Villegas, kaming dalawa lang, nagsi-share kami.

“Tapos, nagkaroon din po kami ng touch exercise para maging comfortable lang po sa isa’t isa kapag hinawakan.”

IMPROVED. Naniniwala si Jeric na napatunayan nila ni Thea na kaya na nilang magdala ng isang teleserye.

Aniya, “Sa tingin ko naman po, kasi ang mga comments na natatanggap naman po namin, consistent naman po, nagustuhan ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po namin ma-imagine na nagawa naming istorya, mabigat.

"Natitira na lang pong eksena sa akin, mga pakiligan na lang.”

Dagdag niya, “Masaya po akong talaga dahil dito po kami nag-improve.

“Ang dami kong natutunan at saka, dito namin nasubukan ang mabibigat na roles—paiyakan, pakiligan.

“At sa tulong ng mentor ko, si Nanay Ann Villegas, siya talaga ang nag-coach sa akin.

“At ever since po talaga, pinag-aaralan namin para maganda.”

Naramdaman at nakita niyang nag-improve siya sa Pyra?

Tugon niya, “Opo, malaki po talaga ang in-improve ko at nakita rin namin sa mga feedback ng mga tao, sa Twitter, sa Facebook.

“Naapektuhan nga raw po sila at ang laki na ng na-improve.

"At, sabi nila, soon, magiging malaking actor.”

Dugtong pa niya, “Kahit ako po, naikukumpara ko po ang mga dati kong acting.

“Napapanood ko po at kapag napapanood ko po ang mga ginagawa namin ngayon, parang hindi pa rin naman po ako satisfied.

“Dahil siyempre, mas gusto kong mag-improve pa.”


COMPETITOR. Sino naman ang maituturing niyang kakumpitensiya niya ngayon sa industriya?

“Si Ruru [Madrid] pa rin po,” banggit ni Jeric sa kasamahan niya sa Protégé.

“Kasi hanggang ngayon, hindi pa rin po nawawala yung pilit kaming pinag-aaway ni Ruru.

“Pero magkaibigan po kami ni Ruru, pero hindi pa rin po kami nagkikita ulit ni Ruru.

“But I’m sure, wala lang po yun, kasi kapag magkasama kami, kulitan lang.”

Hindi ba si Alden Richards ang gusto niyang tularan?

Sagot ni Jeric, “Hinahangaan ko po siya bilang taga-Laguna po siya at pinaghirapan po niya kung ano ang posisyon niya ngayon.

“Isa po siya sa hinahangaan ko, at saka sina Richard [Gutierrez] at Dingdong [Dantes] din po.”


LIFESTYLE. Ngayon pa lang, naghahanda na si Jeric sa posibleng pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash sa 2014.

Pag-amin niya, “Nagpi-prepare na rin po ako—gym, diet—para pagdating ng summer, puwede na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkakapanalo niya sa Protégé, inamin ni Jeric na nagbago rin ang kanyang lifestyle.

“Opo, nabago na.

“Hindi na po puwedeng basta-basta mag-mall o makabili sa tabi. Yung mga ganoon po.

“Yung Innova ko po, nakabili ako ng sasakyan.

"At yung condo po, doon na po ako umuuwi.

“Mula po January, doon na po ako umuuwi.”

Ang tinutukoy na "condo" ni Jeric ay bahagi ng napanalunan niya sa Protégé.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN