Luis Manzano won’t talk about breakup with Jennylyn Mercado

Ito ang mensahe ni Luis Manzano sa mga taong nanghinayang sa pagtatapos ng relasyon nila ni Jennylyn Mercado: "Thank you sa mga sumuporta sa love story namin. Thank you very much. Kilala ko rin naman kayo. Nakikita ko naman sa Twitter, sa Instagram lahat ng mga sumuporta sa amin, sa love story namin."


Sa kabila ng pagwawakas ng relasyon nila ng dating kasintahang si Jennylyn Mercado, masayang-masaya pa rin ngayon si Luis Manzano.

Hindi man naging matagumpay ang kanyang lovelife, umaarangkada naman ang hosting career niya.

Sa ginanap ngang 27th Star Awards for Television noong Linggo, November 24, ay si Luis ang nanalong Best Game Show Host para sa Deal Or No Deal ng ABS-CBN.

Read: Luis Manzano fulfills wish by winning Best Game Show Host in Star Awards for TV

Sabi ni Luis nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m very happy.

"Nakita mo naman ako, I’m smiling. I’m perfectly fine.

"It makes me realize how blessed I am.

"Holding this trophy and having this conversation make me very, very blessed.”

AFTER THE BREAKUP. Sa hiwalay na panayam ng PEP, sinabi ni Jennylyn na hindi na sila nagkakausap ni Luis matapos silang mag-break.

Read: Jennylyn Mercado on ex-boyfriend Luis Manzano: "Minahal ko talaga si Luis..."

Nang subukan naming kunan ng pahayag si Luis tungkol dito ay umiwas na ang TV host-actor.

Paliwanag niya, “Alam mo, Kuya Rey, anything na sabihin ko regarding that issue, mahahanapan ng mali.

“It’s a very funny industry. Sabi ko nga, damn if you do, damn if you don’t.

"Pag nagsalita ako, kahit anong sabihin ko, meron at merong magsasalita.

"So, mas gusto ko na lang manahimik.

“Hindi ko na lang sila bibigyan ng advantage or ng alas over me, di ba?

“Anything I would say... Even sa industry na ito, you may say the nicest thing about someone, mahahanapan pa rin ng mali ng mga sobrang makitid ang mga utak.”

Nasasaktan ba siya kapag may bumabatikos sa kanya?

Sagot ni Luis, “Hindi naman. Iwas-hassle lang.

"Hindi naman ako nasasaktan.

"Pinasok ko itong industriya na ito kasama na lahat ’yan.

"Yung pagbatikos, yung mga haters na naka-follow naman sa akin, kasama naman ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, iwas-hassle lang.

“If you wanna live in this life hassle-free, stress-free, di ba, why give them that power or advantage over you?”

BEING FRIENDS. Darating kaya ang panahon na magiging magkaibigan muli sila ni Jennylyn?

Ani Luis, “Only time can tell... only time can tell.

"Honestly, I don’t know.

"Siguro naman... siguro naman darating din naman yung mga ganung pagkakataon.”

Ano ang reaksiyon niya na maraming nanghihinayang na naghiwalay silang dalawa?

“Thank you.

"Thank you sa mga sumuporta sa love story namin.

"Thank you very much.

"Kilala ko rin naman kayo.

"Nakikita ko naman sa Twitter, sa Instagram lahat ng mga sumuporta sa amin, sa love story namin.

“Gaya ng sinabi ko, I think things happen for a reason. I guess, it’s really not meant to be.

"So, thank you. Thank you."

Dahil sa natapos niyang relasyon, ibig sabihin nito ay matatagalan na naman bago makahanap muli si Luis ng babaeng pakakasalan niya.

“Yun nga, e! Hassle nga, e!" bulalas niya.

Pero dagdag ni Luis, "Okey lang. Sabi ko nga, hinga muna ako, relax muna ako.

"Take everything in stride. I wanna get busy.

"Gusto ko pang kumita, gusto ko pang magmukhang pera.

"So, yun muna. Enjoy muna what I have to do.”

Iniisip niya na ba talagang magpakasal?

Sagot ni Luis, “I’m thirty-two. Sana... sana.

“In fact, a friend told me earlier, just today, nag-message sa akin na parang, ’Hindi ka ba nalulungkot na hindi ka pa kasal?’

"And I even said, ’My next one would be the last one.’"

CHRISTMAS PLANS. Ano naman ang Christmas plans niya?

“Family. Definitely, family.

"I might leave the country. Inaayos ko pa yung plano.

"Hopefully makaalis ako kahit few days lang," sabi ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN