Vicki Belo on a reconciliation with Hayden Kho Jr.: "Later on na lang yun."

Ipinagmamalaki ni Dra. Vicki Belo ang mga pagbabagong nakikita niya sa dating kasintahang si Hayden Kho Jr. Ngunit nilinaw ng kilalang duktor na hindi pa sila nagkakabalikan: "At least now, we’re going back to the friendship stage."


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang celebrity cosmetic surgeon na si Vicki Belo sa kanyang fundraising event na “Belo Gives Back.”

Ginanap ito sa labas ng Belo Medical Clinic, sa Residences, Greenbelt, Makati, noong November 16.

Ang fundraising event ay ginawa upang makalikom ng pondo para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Nagulat na lang kami nang, habang iniinterbyu namin si Dra. Vicki, ay biglang lumabas mula sa treatment room ng clinic ang ex-boyfriend niyang si Hayden Kho Jr.

Sabi naman ni Dra. Vicki, "Yeah, he’s here."

Inimbita rin ba niya si Hayden sa kanyang “Belo Gives Back” fundraising event?

Sagot ni Dra. Vicki, “Yeah, kasi nagbigay naman siya ng maraming clothes.

"Kasi, I told the stars to come, those who could come, but I guess not that many.”



REUNITED? Sa puntong ito ay diretsong tinanong ng PEP si Vicki: Kayo na ba ulit?

Sagot niya, “Hindi! Hindi pa kami ulit.

“Pero, I think, at least friends na ulit kami."

Natatawang dagdag pa niya, “Alam mo, may koneksiyon talaga kami ni Hayden—na hindi ko maintindihan kung ano ba dapat kami, di ba?”

May posibilidad bang magkabalikan sila ni Hayden?

Sagot ni Vicki, “No, I told him naman, ’Dahan-dahan muna tayo, baka mamaya…’

"Pero ano… no, we’re just good friends.

“I mean, parang minsan… in the end… I don’t know, but my feeling is, you know…

“At least kasi, there was a time na we weren’t talking na for six months, and we’re really not friends.

"At least now, we’re going back to the friendship stage."

Ngunit pag-amin din ng duktora, “Kasi I really miss him naman—I missed the old Hayden…

“The Hayden I met from the very beginning seems to be the Hayden now—better version pa—kasi more mature, may spirituality pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, of course, parang so many things had happened in the last nine years, can you believe it?

“But more than anything else, I think he’s more concentrated now on spirituality, and not naman on loving.

“Ano… parang later on na lang yun.”



CHANGED MAN. Malaki na raw ang pagbabagong nakikita ni Vicki kay Hayden.

Malaki raw ang naitulong ng pagbabasa ng Bibliya sa pagbabagong ito ni Hayden, at maski raw si Vicki ay naengganyo na ring magbasa nito.

Sabi ni Vicki, “I’ve seen such a change in him.

"And I feel so guilty, kasi sa Catholic, I never read the Bible.

“Actually, hindi naman tayo ini-encourage, di ba?

“My friends have been sending me just short snippets, matagal na... no, actually it’s [a book of] Psalms and Proverbs.

“And then, now that I’m reading it, I feel better.

"So, parang I’ve seen such a miracle in his life."

Dagdag pa niya, “Kasi, me, my problem is, I think, I’m mabait and I feel like I’m really okay.

"So, I don’t really need all those stuff, you know.

“But if you really go to the source and read it, yeah, maybe I really need to read it.

“And it’s a happier place if you… I really want naman to have a relationship with Jesus Christ and with God.

“Usually, I just talk and talk and talk and don’t listen.

"Di ba, parang, ‘Hi, God! How are you?’ Just make kuwento-kuwento..."

Paglalarawan pa niya sa ex-boyfriend, "Hayden is so happy now and so peaceful."



CHRISTIAN APOLOGETICS. Kapag nakakausap ng media ngayon si Hayden ay puro tungkol sa mga salita ng Diyos na ang lumalabas sa bibig nito.

Kaya naitanong ng PEP kay Vicki kung tuloy ba ang plano ni Hayden na maging pastor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Hindi ko pa siya natanong about that but, actually, I’m so proud for him.

“Nanggaling siya sa States... I wanted to watch his first talk ever.

“Kasi nag-ano siya sa Phoenix, there’s a big event and he is invited.

"It’s not a church, it’s called Apologetic.

“Kasi, people think he’s a pastor, but he is not.

"He’s learning how to be more Apologetic.

“But he’s Apologetic... Apologetic is someone who defends the faith.

“So, the most famous there is [Dr.] Ravi Zacharias… he is mentoring Hayden."

Ayon sa isang artikulo, si Dr. Zacharias ay Canadian-American evangelist na nakilala ni Hayden noong nagpunta ito sa Manila noong May 2013.

Patuloy ni Vicki, “And what they do, these Christians can be Catholic, you can be Born Again.

“You can be anybody who believes that Jesus Christ is the savior.

“So, I feel better, kasi I’m still a Catholic.

“Actually, I’m not ‘Born Again.’ But I’m ‘Born Again’ in the sense that it is a deeper relationship now, and I read the Bible.

“But not ‘Born Again’ as in Protestante. I’m still a Catholic."

SHARING. Pagmamalaki pa ni Vicki, naimbitahan kamakailan si Hayden na magbigay ng lecture o sharing sa mga kasamahan niyang Apologetics sa Amerika.

Kuwento niya, “What he does is... what he did is, he shared his testimony, parang how it changed his life.

“Tapos, binigyan siya ng standing ovation ng mga Amerikano, so very proud ako.

“This month lang yun sa Phoenix, Arizona.

“Yeah, I went there, I want to watch him, e.

"Tapos, there’s another talk in Houston [Texas].

“And then, he was even introduced by Stephen Baldwin... ang guwapo nun. Siya ang nag-introduce kay Hayden before he made his talk."

Si Stephen ay isang Hollywood actor na kapatid ni Alec Baldwin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Vicki, “I’m so proud of him kasi, my gosh… actually, he doesn’t want to make it labas, kasi parang it’s premature.

“But me naman, I’m so proud. Parang, sa akin, people should know.

“And then, it should be explained… kasi baka people feel…

“Kasi even I thought he’s gonna be a pastor. I didn’t really understand.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN