Qualified seduction complaint against Freddie Aguilar amended to higher complaint of child abuse; Freddie still a no-show at second hearing

Lawyer Fernando Perito and two other complainants claim in their joint sworn affidavit that singer Freddie Aguilar violated R.A. 7610 or Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act when he "took advantage of his alleged popularity over a young minor.”


Bagamat kasal na si Freddie Aguilar sa isang minor, hindi pa rin lusot sa batas ang 60-year-old singer.

Nahaharap ngayon si Freddie sa kasong child abuse.

Ayon sa ulat ng The Philippine Star ngayong araw, November 26, naghain ng motion sa Quezon City Prosecutor’s Office si Atty. Fernando Perito at dalawa pang complainants, na sina Peter Sesbreño at Christine Joy Bangalisan, noong Biyernes, November 22.

Ito ang mismong araw kung kailan ginanap ang Muslim wedding ni Freddie at ng kanyang 16-year-old girlfriend sa Maguindanao.

Read: Freddie Aguilar after marrying 16-year-old girlfriend under Muslim rites: "Sana tumigil na ang detractors namin."

Matatandaang una nang nagsampa si Atty. Perito ng Qualified Seduction complaint laban kay Freddie noong October 24.

Read: Freddie Aguilar now faces Qualified Seduction complaint

Layunin ng motion na isinumite ni Atty. Perito at dalawa pang kasama nito na i-amend ang Qualified Seduction complaint na isinampa nila, at gawin itong kasong paglabag sa Republic Act 7610—o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

CHILD ABUSE. Nakakuha ang The Philippine Star ng kopya ng seven-page joint complaint-affidavit nina Atty. Perito, Sesbreño, at Bangalisan.

Nakasaad dito na inirereklamo ng tatlo si Freddie dahil nilabag umano ng veteran singer ang batas na nagbibigay-proteksiyon sa isang menor de edad.

Ginamit umano ni Freddie ang kanyang pera at popularidad upang mapapayag ang isang 16-anyos na dalagita na makipagrelasyon sa kanya.

Ayon pa sa complainants, kahit na kasal na si Freddie sa isang menor de edad ay hindi nangangahulugang absuwelto na ang singer sa kasong child abuse.

Naniniwala ang complainants na may naganap na sexual abuse sa pagitan ni Freddie at ng menor de edad ngayong nakatira na sila sa iisang bahay.

Isinumite rin nina Atty. Perito, Sesbreño, at Bangalisan sa Quezon City Prosecutor’s Office ang kopya ng “promiscuous” couple photos ni Freddie at ng kanyang 16-year-old wife, na kumalat sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, sinampahan din ng tatlo ng kasong paglabag sa Article 340 ng Revised Penal Code of the Philippines ang mga magulang ng 16-anyos na asawa ni Freddie, dahil sa pagkunsinti diumano ng mga ito sa pakikipagrelasyon ng anak sa isang 60-year-old.

NO SHOW. Noong November 12, hindi dumalo si Freddie sa unang pagdinig ng kasong Qualified Seduction na isinampa laban sa kanya.

Hindi ulit nagpakita si Freddie sa ikalawang pagdinig ng kaso na naka-schedule kahapon, November 25.

Ayon sa investigating prosecutor na si Atty. Edgardo Saplala, nakatakdang maglabas ang Quezon City Prosecutor’s Office ng resolusyon hinggil sa kaso kapag hindi pa rin dumating si Freddie sa ikatlong pagdinig na gaganapin sa December 9.

Sa kabila ng nakabinbing kaso ni Freddie, muling ipinahayag ng singer—na nagpasikat sa kantang “Anak” sa loob at labas ng bansa—na tunay silang nagmamahalan ng kanyang 16-anyos na misis.

Sa panayam ng ABS-CBN News online kay Freddie, matapos ang kasal nila sa Maguindanao noong Biyernes, umapela siyang tigilan na ng kanyang “detractors” ang paninira sa relasyon nila ng kanyang misis.

Iginiit din ni Freddie na ang kanilang pagpapakasal ay tanda ng pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Saad niya, “Sana tumigil na yung paninira ng detractors namin.

"Kaya nga kami nagpakasal, kasi ayaw ngang tumigil yung mga paninira sa aming dalawa.

"So, naisipan naming dalawa na kung magpapakasal na kami ay titigil na lahat, hindi na nila iisipin na kasalanan yung ginagawa namin."

Sinegundahan din ito ng 16-anyos niyang misis, na sinasabing masaya siya sa desisyon niyang pakasalan si Freddie.

"Yung ginagawa namin [ay] dahil gusto namin ’to, mahal na mahal namin ang isa’t isa at pinapatunayan lang namin ang pagmamahalan namin," dagdag na pahayag ng menor de edad, na ngayon ay asawa na ni Freddie.

Read: Freddie Aguilar after marrying 16-year-old girlfriend under Muslim rites: "Sana tumigil na ang detractors namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN