Manny Pacquiao’s bank deposits ordered frozen by tax court

The Court of Tax Appeals ordered Manny Pacquiao’s bank deposits frozen as the Bureau of Internal Revenue investigates his failure to present income tax returns for his winnings in 2008 and 2009.

During those periods, Manny had fought Mexican boxers Juan Manuel Marquez and David Diaz; American boxer Oscar de la Hoya; British boxer Ricky Hatton; and Puerto Rican boxer Miguel Cotto.


Matapos maipanalo ang laban sa American boxer na si Brandon Rios noong Linggo, November 24, isang panibagong hamon na naman ang kinakaharap ni Manny Pacquiao.

Pagbalik ng tinaguriang Pambansang Kamao sa bansa kahapon, November 25, isang legal na problema kaugnay sa tax ang sumalubong sa kanya.

Sa ulat ni Jun Ramirez ng Manila Bulletin na lumabas ngayong araw, November 26, ipinag-utos ng Court of Tax Appeals (CTA) na i-freeze muna ang bank deposits ni Manny dahil sa P2.2-billion tax case laban sa congressman ng Sarangani Province.

Ang kaso ay bunsod ng hindi diumano pagdedeklara ng boksingero ng kanyang income tax returns (ITR) mula sa nakolekta ng US Internal Revenue Service (IRS) para sa mga napanalunan niya noong 2008 at 2009.

Ang kautusang i-freeze ang bank deposits ni Manny ay naisyu ng CTA dalawang linggo na ang nakalilipas, bago pa ang laban ni Manny noong Linggo, November 24, sa Macau.

Ayon sa assessment ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kabilang dito ang mga naging laban ni Pacquiao kina Juan Manuel Marquez at David Diaz ng Mexico; Oscar de la Hoya ng U.S.; Ricky Hatton ng England, at Miguel Cotto ng Puerto Rico.

Base sa record, umabot sa $28 million ang napanalunan ni Manny mula sa mga nabanggit na laban.

Giit ng BIR, ang isang Filipino citizen na tulad ni Manny ay kailangan pa ring magdeklara ng ITR mula sa kanyang mga kinita, kasama na ang mga nakuha niya sa labas ng bansa.

MANNY EXPLAINS. Sa kabilang banda, agad namang ipinagtanggol ni Manny ang sarili tungkol isyung ito.

Ayon sa ulat, sinabi ng boksingero na hindi niya isinama sa kanyang ITR ang mga remittance galing sa IRS dahil sa bilateral taxt treaty sa pagitan ng Manila at Washington.

Nakasaad sa kasunduang ito na ang income tax na binayaran ng isang Pilipino sa U.S. ay maaaring ma-credit sa kanyang income tax liabilities dito sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inakusahan din niya ang revenue probers ng hindi-pagbibigay pansin sa mga report na isinumite ng kanyang promoter, ang Top Rank Promotions, pati na sa iba pang transaction documents.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaproblema si Manny sa kanyang income tax.

Noong March 2012 ay naghain din ng parehong reklamo ang BIR laban sa kanya.

Dito naman ay nais imbestigahan ng BIR ang 33 tax records ni Pacquiao. Kasama rin ang kanyang annual income tax noong 2010, book of accounts, listahan ng kanyang assets, at ang kanyang kinita sa mga naging laban niya kina Antonio Margarito at Joshua Clottey.

Read: Manny Pacquiao faces charges from BIR for alleged failure to present tax records

Umalma noon si Manny na maaaring maapektuhan ang mga iniendorso niyang produkto dahil sa reklamong isinampa laban sa kanya.

Read: Manny Pacquiao may lose endorsement deals due to trouble with BIR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN