Manny Pacquiao rues sudden move of gov’t to freeze his bank deposits: "Nagpabugbog ako, kumita ako, kinuha ng gobyerno."

Manny Pacquiao says he will continue to help the typhoon victims even if it means getting a bank loan. “Hindi ako makapag-withdraw ni isang singkong sentimo sa sarili kong pera, hindi ko magamit para makatulong... Sana po ay kalimutan natin ang pamumulitika at magtulungan tayong lahat. ’Yan ang problema sa ating bansa. Kahit walang eleksyon, puro pulitika ang nasa isip.”


Nanalo man si Manny Pacquiao sa laban nila ni Brandon Rios sa Macau, pakiramdam ng Pambansang Kamao ay bugbog-sarado siya ngayon dahil sa pagkaka-freeze ng lahat ng kanyang bank accounts.

Ito ay dahil sa diumano’y hindi niya tamang pagbayad ng buwis na umabot sa P2.2 billion.

Isang araw matapos siyang gawaran ng hero’s welcome, sa kanyang probinsiya sa Sarangani, labis na ikinadismaya ng People’s Champ ang nalaman niyang kautusan ng Court of Tax Appeals (CTA) na pansamantalang i-freeze ang lahat ng pera niya sa bangko.

Read: Manny Pacquiao’s bank deposits ordered frozen by tax court



SHOW ME THE MONEY! Bunsod nito, umapela si Manny sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ngayong araw, November 26, na baka maaari nilang “i-reconsider” ang naturang kautusan na aniya’y “arbitrary order.”

Pahayag pa ni Manny sa presscon na naganap ngayong araw, at nailathala sa website ng InterAksyon, baka hindi na siya makatulong sa relief efforts para sa mga biktima ng Yolanda dahil sa nangyari.

Aniya, “Hindi ako makapag-withdraw ni isang singkong sentimo sa sarili kong pera, hindi ko magamit para makatulong."

Wala raw abiso o anumang paalala mula sa gobyerno tungkol sa kautusang ito.

Sabi niya, "Bago ma-garnish, di ako naka-receive kahit isang sulat o warning."

Ang “garnishment,” ayon sa legal-dictionary.thefreedictionary.com, ay “drastic measure for collecting a debt."

Sabi pa rito: "A court order of garnishment allows a creditor to take the property of a debtor when the debtor does not possess the property.

“A garnishment action is taken against the debtor as defendant and the property holder as garnishee.

“Garnishment is regulated by statutes, and is usually reserved for the creditor who has obtained a judgment, or court order, against the debtor.”

Pumalag si Manny sa desisyong ito ng CTA.

Aniya, "I don’t know why I am being singled out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The BIR claims I earned more than what I actually did, without any evidence to back it up."

Sinasabi kasi ng BIR na hindi idineklara ni Manny ang kanyang Income Tax Teturn (ITR) mula sa nakolekta ng U.S. Internal Revenue Service (IRS) para sa mga napanalunan niyang laban noong 2008 at 2009.

Ayon sa assessment ng BIR, kabilang dito ang mga naging laban ni Pacquiao kina Juan Manuel Marquez at David Diaz ng Mexico; Oscar de la Hoya ng United States; Ricky Hatton ng England, at Miguel Cotto ng Puerto Rico.

Base sa record, umabot daw sa $28 million ang napanalunan ni Manny mula sa mga nabanggit na laban.

Giit pa ng BIR, ang isang Filipino citizen na tulad ni Manny ay kailangan pa ring magdeklara ng ITR mula sa kanyang mga kinita, kasama na ang mga nakuha niya sa labas ng bansa.

Paliwanag naman ni Manny, sumusunod siya sa batas.

Hindi raw niya isinama sa kanyang ITR ang mga remittance galing sa IRS dahil sa pagkakaroon ng bilateral tax treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Nakasaad sa kasunduang ito na ang income tax na binayaran ng isang Pilipino sa U.S. ay maaaring ma-credit sa kanyang income tax liabilities dito sa bansa.

NAGPABUGBOG AKO, KUMITA AKO, KINUHA NG GOBYERNO…” Hindi na nagpatumpik-tumpik ang Pambansang Kamao. Hinaing nito:

"Nagpabugbog ako, kumita ako, kinuha ng gobyerno.

“Pero pag nagnakaw ka… wala pa akong nakitang nagnakaw nang marami pero na-garnish lahat ng pera."

Ipinag-uutos daw ng BIR na magpakita si Pacman ng mga dokumentong nagbayad nga siya ng buwis sa mga kinita niya noon sa U.S.

Ngunit giit ni Manny, naisinumite na niya ito lahat.

Gayunpaman, ipinagdiriinan ng BIR na dapat ay original documents ang kanyang isumite.

Paliwanag naman ni Manny, “But America’s IRS does not give originals, only copies. Saan ako lulugar?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dismayado man, nakangiti pa ring sabi ni Manny, “Dinadasal ko na lang sa Diyos ang lahat.”

Dagdag pa niya, "Ang pera kong ginarnish ng BIR ay hindi po nakaw at hindi po PDAF o DAP.

“Ito po ay galing sa lahat ng suntok, bugbog, pawis, at dugo na tiniis ko sa boxing."

Ang PDAF o Priority Development Assistance Fund—o mas kilala sa tawag na pork barrel—ay pondo ng mga mambabatas sa mataas at mababang kapulungan ng Kongreso.

Pinawalang-bisa na ang PDAF ng Supreme Court noong November 19, 2013, sa dahilang “unconstitutional” daw ito.

Ang DAP naman ay ang Disbursement Acceleration Program, na tinatawag nilang "presidential pork" dahil ang may hawak nito ay ang President ng Pilipinas.



“KAHIT WALANG ELEKSYON, PURO PULITIKA ANG NASA ISIP…” Sa ulat naman ng ABS-CBN News, sinabi ni Manny na may mga tao nang naaapektuhan dahil sa order na ito ng Court of Tax Appeals (CTA) laban sa kanya.

Aniya, “Hindi ako makagalaw.

“Ano ba ang hanapbuhay ko? Hindi naman ako magnanakaw na may ibang source.

“Naapektuhan din tuloy ang ibang business namin, mga trabahante namin, mahirapan silang magsuweldo.”

Nakiusap din si Manny na sana ay tigilan na ang pamumulitika, pero hindi naman nito tinukoy kung sino sa palagay niya ang may pakana nito.

Saad niya, “Sana po ay kalimutan natin ang pamumulitika at magtulungan tayong lahat.

“’Yan ang problema sa ating bansa. Kahit walang eleksyon, puro pulitika ang nasa isip.”

Noong Agosto, nagsampa na ng petisyon si Manny at asawa nitong si Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao, sa pamamagitan ng kanilang abugado, sa CTA.

Sa nasabing petisyon, gusto ng kampo ng boksingero na mapigilan ang BIR sa pagkolekta ng halagang P2.2 billion sa diumano’y buwis na hindi nito nabayayaran.



“MANGUNGUTANG AKO PARA MAKATULONG…” Ayon naman sa ulat ng GMA News Online, sinabi ng BIR na, sa kaso ni Manny, ang kanyang “tax debts have become "demandable... and collectible.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay dahil sa patuloy na pagbabalewala raw ni Manny sa mga notice na ipinapadala ng ahensiya sa kanya.

Taliwas naman ito sa sinabi ni Manny na wala siyang notice na natatanggap bago i-freeze ang kanyang bank accounts at properties.

Sabi pa ng boksingero, “Kasama yung properties ko [sa garnishment]. Di natin magagalaw [ang mga ito].”

Dahil sa pangyayari, gagawa raw ng paraan si Manny na hindi madismaya ang mga biktima ng bagyong Yolanda sa Visayas, na pinangakuan niyang bisitahin pagkatapos ng laban niya sa Macau.

Sabi niya, “Umutang po ako ng pera upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo dahil ginarnish ng BIR ang aking bank accounts.”

Pangako pa niya sa mga umiidolo sa kanya sa Tacloban: “Huwag po kayong mag-alala diyan sa Tacloban. Darating at darating ako kahit mangutang ako ulit. Naghahanda pa po kami.”



FROM A DISTANCE. Dumistansiya naman sa isyu ang Malacañang sa naganap na press briefing ngayong araw.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr.: “We are a government of laws, not of men.

“The Internal Revenue Code provides for procedures on collection, so this matter is best addressed by the court of tax appeals.”

Mariin naman nilang pinabulaanan na may “harassment” na nangyayari.

Sabi ni Coloma, “Harassment is not in our agenda... CTA’s action is in accordance with Internal Revenue Code. Citizens may avail themselves of appropriate legal remedies.”



MANNY, AMONG HIGHEST TAXPAYERS. Isa si Manny sa highest taxpayers sa bansa.

Noong 2008, nagbayad siya ng kabuuang P125 million na income tax, na nagluklok sa kanya bilang top taxpayer nang taong yun.

Bumaba naman ito noong 2009, kung saan umabot lamang sa P7 million ang kanyang binayarang buwis.

Noong 2010 ay umakyat sa P9.190 million ang kanyang binayarang buwis.

Noong 2011, nasa ika-158 na puwesto si Manny sa may pinakamalaking ibinayad na buwis—P6.1 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2012, nagbayad si Manny ng halagang P22 million sa BIR.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN