Kris Aquino thrilled by son Bimby’s "loveteam" with Ryzza Mae Dizon

Bimby Yap is getting all-out support from his mom Kris for his first movie, Torky and My Little Bossings. Kris Aquino, who never does mall tours, vows to accompany Bimby when he does the rounds of malls to promote the movie. "Dahil na-excite ako na sasayaw sila!" she says, referring to Bimby and Ryzza Mae Dizon.


Muling nagkita kagabi, November 26, ang main cast ng pelikulang Torky and My Little Bossings sa taping ng Vampire Ang Daddy Ko, ang sitcom nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon sa GMA.

Nag-guest sa sitcom ang mag-inang Kris Aquino at Bimby Yap.

Ito ay bilang bahagi ng promo ng pelikulang pinagbibidahan nina Vic, Kris, Bimby, at Ryzza, na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2013.

Naunang dumating sa set si Bimby.

Naabutan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) habang tinuturuan ng kanyang yaya ng mga linya niya sa isang sequence na kukunan nila ni Ryzza.

Sandaling nakunan ang eksena ng dalawang child stars, at saka dumating si Kris na kaagad namang ni-review ang eksenang nakunan.

Kinikilig si Kris sa mga cute na tagpo ni Bimby at panay ang puri sa kanyang anak.

“O, di ba? Alam mo naman ang Mommy!” bati niya sa amin.

ALL-OUT PROMO. Sinabi ni Kris na ngayon ay all-out ang promo niya para sa Torky and My Little Bossings dahil sa partisipasyon ng kanyang bunsong anak dito.

“Di ba, pag movie ko naman, hindi ako nagmu-mall tour?

"Ngayon, inuohan ko lahat para masamahan ko lang siya.

"Dahil na-excite ako na sasayaw sila!" natatawang sabi ni Kris, na tuwang-tuwa sa tandem nina Bimby at Ryzza.

Patuloy ng sinasabing No. 1 host-actress ng Kapamilya station, “Lahat naloka sila nung ibinigay ko yung schedule, kasi naka-block off lahat na schedule niya [Bimby].

"So, wala akong ginawa kundi mag-promote ng mga mall tour nila."

Natutuwa naman si Kris dahil nakita raw niya sa kanyang anak na nag-e-enjoy ito sa pagpasok sa showbiz, at sa bonding nilang lahat sa shooting ng kanilang pelikula.

Sabi ng tinaguriang Queen of All Media, “Na-sad siya talaga nung natapos ang shooting. Tapos, hinahanap-hanap niya.

“Pag nakapanood siya ng [Eat] Bulaga, pag Saturday, yung walang school, sabi niya, ‘I miss them.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro nahihiya lang siyang sabihin na nami-miss niya.”

Sinundan namin ng tanong kung nakikita ba niya kay Bimby ang hilig sa pag-aartista.

Binalingan ni Kris si Bimby at tinanong kung gusto nga ba niyang mag- showbiz.

“Gusto mo ba, honey? You want to act? You like it? Is it fun for you?” sunud-sunod na tanong ni Kris sa anak.

“I don’t know,” sagot naman ni Bimby, six years old.

"Why?" tanong ni Kris.

Pero parang nahihiya nang sumagot ang bata.

“Pero you enjoy acting?” tanong muli ni Kris kay Bimby.

“Yes,” sagot naman agad ng bunso niyang anak.

Sabi ni Kris sa PEP, “Ang fear lang namin kasi is that, nandun siya kasi sa taekwondo team, sa swimming team... tapos dun siya sa Pump and Praise, which is the musical gospel na revue sa school.

“Each, you’re only allowed na maximum of two absences.

"So, today, napakalaking deal nito kasi nag-excuse talaga ako kay Coach, dun sa swim team, para makapunta dito nang mas maaga.

"Kasi that’s an hour and a half, e, after class.”

Sumingit si Bimby na kailangan daw niyang mag-100 laps ng swimming bilang bawi sa absent niya kahapon.

Proud si Kris sa pagkuwento na nahihilig sa sports ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby, lalo na sa water sports.

“My two sons are naturally gifted sa athletics, sa tubig.

"Lahat ng wala ako, lahat ng coordination, lahat ng ano… magaling ang dalawa talaga,” sabi niya.

BIMBY & RYZZA MAE. Naaliw din si Kris kay Bimby dahil nakita raw niya ang closeness nito kay Ryzza.

“Siguro nga, apart from school, wala namang maliit sa bahay, wala siyang maliit na pinsan, so natuwa talaga kami sa company ni Ryzza.”

Kinausap naman ng PEP sina Bimby at Ryzza, pero ang huli lang ang sumasagot sa mga tanong namin tungkol sa bonding nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang kuwento ni Ryzza na nahirapan siya sa pag-i-English ni Bimby.

“Nag-nosebleed ako sa kanya!” natatawang sabi ng eight-year-old Kapuso child wonder.

Ang isa pa raw sa nami-miss niya kay Bimby ay ang pagiging makulit nito.

“Yes,” tumatangong sagot naman ni Bimby nang kinumpirma namin sa kanya ang tungkol sa pagiging makulit niya.

Kung tinuturuan ni Bimby si Ryzza ng pagsasalita ng English, tinuturuan naman daw ni Ryzza si Bimby ng Tagalog.

“Nagbatu-bato pik kami,” sabi ni Ryzza.

Kaagad namang sumingit si Bimby ng “Hindi!” na parang nahihiya sa kuwento ng ka-tandem niya sa kanilang pelikula.

Tumango naman si Bimby nang tinanong namin uli kung gusto nga ba niyang maging artista.

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makasama sa susunod niyang project, "Mama" at "Kuya" ang isinagot niya.

Pero sino pa ang mga artistang gusto niyang makasama?

Nag-isip muna si Bimby sandali.

Pagkatapos ay sumagot siya ng: “Vic Sotto, Ate Barbie [Forteza], Kuya Neil [Coleta], Ryzza...”

Gusto nga raw ni Bimby na gumawa sila uli ng isa pang pelikula ni Ryzza.

“Gusto ko, horror,” singit ni Ryzza.

“No, action!” sagot naman ni Bimby.

“No, horror kasama si Chuckie,” giit ni Ryzza.

“No, action!” parang natatakot namang pilit ni Bimby.

BOSSING VIC. Natutuwa rin nang husto si Vic Sotto sa closeness ng dalawang bidang bata sa Torky and My Little Bossings.

Sabi ni Bossing Vic, “Vibes na vibes sina Ryzza at Bimby. Para silang mag-dyowa!

“Pero hindi… ibang talaga ang closeness nila, kasi ilang araw silang nagsama sa shooting.

"Parang sa pelikula din, e. Nung una, hindi sila magkasundo. Magkaiba kasi sila ng pananaw sa buhay, e.

"Pero umiral yung pagiging pagkakaibigan, naging magkaibigan silang mabuti.

“Sa tunay na buhay nga, ganun din, e.

"Medyo nahihiya muna sa isa’t isa… si Ryzza, kahit ganun yun, mahiyain, conservative pa.

“Si Bimby naman, ganun din, mahiyain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero halfway the shoot, okay na sila hanggang sa matapos.

"Kaya yun, nagka-miss-miss na sila."

Inaasahan ni Vic na magkakaroon pa ng part two ang pelikula nila at magsasama sila uli, dahil open-ended daw ang pelikula.

At kung siya ang masusunod, sana raw ay magka-part two dahil gusto niya munang magpahinga ang ilang taon na rin niyang ginagampanan na si Enteng Kabisote.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN