UPDATED. Gretchen Barretto willing to testify against estranged sister Claudine in court

Balik-trabaho na si Gretchen Barretto pagkatapos ng ilang buwang pamamalagi sa London. Magsisimula na siya ng pelikula para sa Star Cinema, kung saan makakasama niya sina Richard Gomez, Jessy Mendiola, at John Lloyd Cruz.


Nasa bansa na muli si Gretchen Barretto pagkatapos ng ilang linggong pamamalagi sa London, kung saan sinamahan niya ang anak na si Dominique Cojuangco, na nag-aaral na ngayon doon.

Sasabak na rin muli si Gretchen sa trabaho, sa pamamagitan ng isang pelikula para sa Star Cinema, kasama sina Richard Gomez, Jessy Mendiola, at John Lloyd Cruz.

Masayang inanunsiyo ni Gretchen ang balitang ito sa kanyang Instagram account.

Nag-post pa nga ang aktres ng mga larawan na kuha mula sa story conference ng nasabing pelikula noong Lunes, November 25.

Excited daw si Gretchen sa pelikula, lalo’t crush daw niya noon si Richard.

Pabiro niyang sabi, sa panayam ng TV Patrol na ipinalabas kagabi, November 26, “Sino ba namang hindi nagka-crush kay Goma? Kaya lang, hindi naman siya nagka-crush sa akin.”

Birong tugon naman ni Richard, “Type na type ko ‘to nun, kaya lang, may ka-loveteam ako dati nun. So, secret lang.”

Parehong Regal babies noon sina Gretchen at Richard.

Excited din daw si Gretchen na makasama si John Lloyd.

“Well, magaling siya, titigan mo lang, e… wala na,” sabay pakawala ng tawa ng aktres.



BARRETTO FAMILY FEUD. Hindi rin naiwasang mausisa si Gretchen tungkol sa patuloy pa ring gulo sa kanilang pamilya.

“Hindi maganda yung question mo!” medyo may pagtataray na sagot ni Gretchen nang matanong ng TV Patrol tungkol dito.

Pero sinundan naman niya ito ng malutong na halakhak, sabay sabing, “Huwag na… kasi bubuksan pa natin.”

Nasa London kasi noon si Gretchen nang nagsalita ang kanyang amang si Miguel "Mike" Barretto ng laban sa kanya upang ipagtanggol si Claudine, ang bunsong anak sa pamilya Barretto.

Sinabi pa ng Barretto patriarch na si Claudine ang "pinakamabait sa lahat" ng kanyang pitong mga anak.

"Binu-bully" raw ng iba niyang mga anak si Claudine.

Sabi pa ni Mr. Barretto noon tungkol kina J.J., Gretchen, at Marjorie: “Sila, they feel righteous on the outside. Pero, inside, they’re hypocrites, and evildoings ang ginagawa nila—’yang mga kapatid na ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Miguel Barretto on Raymart Santiago: “Parang nilinlang kami at pinaniwala na nagdrodroga si Claudine.”

Aminado si Gretchen na masakit ang naging pangyayaring ito sa buhay nila.

Hanggang ngayon daw ay hindi pa niya masabi kung nakaalpas na siya dito.

Saad niya, “I can’t say nag-heal, so I can’t deny na masakit kung sa masakit… nakakagulo.”

TESTIFYING IN COURT. Tungkol naman sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Violation Against Women and their Children Act na isinampa ni Claudine laban sa asawa nitong si Raymart Santiago, sinabi ni Gretchen na handa siyang tumestigo laban sa bunsong kapatid.

Sa counter-affidavit kasi ni Raymart ay nakalakip ang mga testimonya ng mga kapatid ni Claudine na sina Gretchen, Marjorie, at J.J.

Sabi ni Gretchen, handa siyang tumayong witness para kay Raymart kung ipapatawag siya ng korte.

"I have no fear because the truth has unfolded.

"I have nothing to say anymore, andiyan na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN