Enzo Pineda dreams of winning an acting award: “At least, masabi ko sa sarili ko na worth it yung mga effort na ginagawa ko.”

"Slight disadvantage, pero good pressure" ang paglalarawan ni Enzo Pineda sa pagiging anak-mayaman niya noong nagdesisyon siyang pasukin ang mundo ng showbiz. Paliwanag pa niya, "Parang kasi, kung walang tingin na ganoon sa akin, I wouldn’t do anything na matsa-challenge ako, na parang relax lang ako. And para sa akin, kasi gusto kong maging self-made ako, hindi yung parang umaasa lang ako sa family ko and everything."


Nag-umpisa ang showbiz career ni Enzo Pineda nang mahugot siya sa libu-libong nag-audition para sa StarStruck V, ang reality-based artista search ng GMA, noong 2009.

Si Enzo ang naging First Prince (first runner-up) ng itinanghal na Ultimate Male Survivor na si Steven Silva; at si Rocco Nacino ang naging Second Prince.

Sa babae naman ay si Sarah Lahbati ang nanalong Ultimate Female Survivor, at si Diva Montelaba ang First Princess.

Ayon kay Enzo, hindi pag-aartista ang nagtulak sa kanya para magbakasakali sa StarStruck.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sumali naman ako kasi I wanted to dance.

“Gusto ko lang sumayaw, kasi part ako ng dance troupe before.

“So, sabi ko, gusto ko ng bigger stage, alam mo? Yun lang.

“Tapos ayun, so on and so forth.

"Tapos, na-in love na ako sa acting, naturuan na kaming mabuti.

"So, nag-iiba rin yung mga gusto ko.

“Tapos siyempre, nagkaroon ako ng maturity sa show business.

"Kasi it really trains you to be responsible and everything, how to handle yourself... hindi yung parang gullible ka lang na happy-go-lucky.

“So it’s a good training ground for your personality and character also.”



SERIOUS ACTOR. Nag-uumpisa pa lamang si Enzo sa showbiz ay usap-usapan na ang pagiging mayaman ng kanyang pamilya.

Ang ama ni Enzo na si Eric Pineda ay business manager ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Dahil anak-mayaman nga siya, hindi ba iyon naging disadvantage sa kanyang pag-aartista?

Tugon ni Enzo, “Well, for me, I think it’s a slight disadvantage, pero good pressure.

“Parang kasi, kung walang tingin na ganoon sa akin, I wouldn’t do anything na matsa-challenge ako, na parang relax lang ako.

“And para sa akin, kasi gusto kong maging self-made ako, hindi yung parang umaasa lang ako sa family ko and everything.

“So, mas masarap yung feeling na ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And siguro, I just want to experience life, e, that’s why naging actor ako.

“It’s not boring, it’s not the usual job—nothing against sa ibang mga job, pero it’s just me—na parang uupo lang ako, computer work...

"Hindi ko type yun, e.

“Tsaka gusto ko yung mga irregular schedules.

"Ayoko nung consistent lagi ang ginagawa ko, Monday to Friday, di ba?

“At least, ito, iba-iba every week yung pinaggagagawa ko.”


ACTING AWARD. May hinahangad ngayon si Enzo na kapalit ng pagiging seryoso niya sa pag-aartista.

"Gusto ko ng acting award!" bulalas niya.

“I know for some people an award is just an award, but for me, I just want to have one.

“Na parang, at least, masabi ko sa sarili ko na worth it yung mga effort na ginagawa ko.

“Even though, let’s say sabihin mo may pumuri, na okey lang naman, e, parang every day to remind me na I know I can do it.

“Parang umabot din ako sa point na ganoon, yung manalo ako ng award, and it really feels good.”

Ngayon pa lamang ay naiisip na nga raw niya ang kanyang acceptance speech kung sakaling manalo siya ng acting award.

“Ako, everytime I think about it, iniisip ko lagi yung mga sinasabi ko.

“Like, when I receive the award, and sa dami ng taong kailangan kong pasalamatan, sa dami ng taong nagtiyaga din para i-push talaga ako, or to let me be the best that I can be, parang to give thanks din also.

“Nakakaiyak, ‘no? Naiiyak na ako!” at natawa si Enzo.

Patuloy niya, “Pero I really want to have one.

"Ang goal ko, this year. E, patapos na yung December.

"So, maybe next year.”


BIGGEST BREAK. Para kay Enzo, ang Kakambal Ni Eliana at ang Dormitoryo ang biggest break niya bilang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginagawa rin niya ngayon ang indie film na Gatas Ng Ina, kasama si Lauren Young.

Dahil kuwento ito tungkol sa mga nurse, humingi raw siya ng tips para sa role niya kina Rocco Nacino at Pancho Magno.

Parehong registered nurse sina Rocco at Pancho sa tunay na buhay.

Kuwento pa ni Enzo, “It’s an RH [Reproductive Health] Bill na movie, mga nurse kami, tungkol sa mga istorya ng mga nurses.

“Yung mga istorya ng mga taong nagpapa-abort or parang ayaw magkaanak.

“Or yung hirap ng buhay, mga struggle ng nurses, kulang sa pera, yung gustong mag-abroad.

“It’s not just about being a nurse, pero parang tungkol na rin sa status ng Pilipinas as well.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN