Thea Tolentino willing to be paired with another leading man besides Jeric Gonzales

Sa pagtatapos ng Pyra Babaeng Apoy, aminado si Thea Tolentino na naging close talaga sila ng leading man niyang si Jeric Gonzales: “Kasi dati, hindi masyado talaga nag-o-open si Jeric. Yung mga problems niya, parang sinasarili niya lang... Ayun, doon nagsimula na maging close talaga kami, na nagkaroon kami ng parang open-up portion.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso young actress na si Thea Tolentino sa taping ng finale episode ng Pyra: Babaeng Apoy noong Martes, November 26.

Tinanong namin siya kung sino ang isang kasamahan niya sa show ang mami-miss niya sa pagtatapos ng Pyra, ang pinagbibidahan niyang afternoon soap sa GMA.

“Isa? Bakit isa? Kasi lahat sila, e!” natatawang sabi ni Thea.

“Tsaka, nagkaroon kami ng magandang pagba-bonding dito.

“Hindi naman nangyayari na yung isang artist nag-i-stay lang sa tent, merong nangangapit-bahay, kung dalawa man yung tent.

“And talagang nagse-share din kami ng food.

"At saka sa set, hindi nawawala yung tawanan.”

Bukas, November 29, ipalalabas ang huling episode ng Pyra.



LOVETEAM. Kumusta na sila ni Jeric Gonzales, na leading man niya sa programa?

Sabi ni Thea, “Ayun, ganoon pa rin po.

"Compared nga po doon sa dati naming relationship, parang ngayon, mas naging close talaga kami.”

Gaano ka-close? May ligawan na ba o may relasyon na sila?

“Wala pa po, walang nangyayari,” mabilis na sagot ni Thea.

Wala rin daw silang kissing scene sa finale ng Pyra.

“Bawal pa po, seventeen pa lang po ako.”

May nadiskubre pa ba siya kay Jeric na hindi niya alam noon?

Ayon kay Thea, “Kasi dati, hindi masyado talaga nag-o-open si Jeric.

"Yung mga problems niya, parang sinasarili niya lang.

“Kaya kapag nagkakataon na may problema siya, tahimik lang siya, hindi niya sinasabi kahit kanino.

“Tapos, nitong Pyra, ayun, dahil nga din nagkasama kami sa workshops with Miss Ann Villegas...

“Ayun, doon nagsimula na maging close talaga kami, na nagkaroon kami ng parang open-up portion, ganoon.”


ANOTHER PARTNER. Halimbawang sa susunod na project niya ay hindi muna si Jeric ang ipareha sa kanya, malulungkot ba siya?

Sagot ni Thea, “Siyempre po, kasi mula Protégé, Teen Gen, Love & Lies, at dito sa Pyra, si Jeric na talaga ang loveteam ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung mag-e-experiment sila [GMA] na iba naman yung ka-loveteam namin, why not naman i-try namin?

“Kasi, hindi naman natin malalaman kung ano ang magigigng dating noon sa audience—kung magugustuhan nila or mas gusto yung sa amin ni Jeric.

“For our career naman yung mangyayari, e.

“Iyon lang, nakakalungkot.

"Kasi kami ni Jeric, close talaga at kumportable na kami sa isa’t isa.”

Sino ang gusto niyang maging kasunod na leading man?

Sabi ni Thea, “Wala pa akong naiisip, pero kasi nag-Maynila kami ni Ken Chan.

“Tapos, may mga nadidinig kaming good feedbacks na, ‘Uy, bagay kayo ni Ken Chan!’

“Mga ganoon, na bagay daw kami ni Ken Chan, nabasa ko yun sa Twitter.

“Na bagay raw kami, na okey kami na tandem.

“Kaya hindi natin malalaman kung sino rin ang maipe-pair sa amin in the future.”


CO-STARS. Sa mga co-stars ni Thea sa Pyra, gustung-gusto niyang kaeksena at aminadong na-starstruck siya kay Angelu de Leon.

Sabi ng baguhang aktres, “Kasi talagang nakakadala siya, e.

"Yung mga mata niya, parang nangungusap na talagang kahit yung wala kang dala-dala... yung kahit hindi ka muna mag-prepare.

“Pero siyempre, mag-prepare ka kahit konti, pero yung emotion mo, subtle lang muna.

“Tapos, kapag kaeksena mo siya, tapos nagbi-buildup siya, make-carried away ka, e.

“Mabi-buildup din yung emotion mo at makikipagsabayan ka rin talaga.”

Kapag kaeksena ba niya si Jeric, hindi siya nadi-distract dahil sa kaguwapuhan nito?

"Hindi naman po," nakangiting sabi ni Thea.

"Kasi dati, nangyari na sa akin noong Protégé, e, di ba po, meron kaming challenge? Nakasama ko si Heart Evangelista.

“Ang nangyari noon, hindi ako masyadong nakapag-concentrate sa emotion ko.

“Kasi, at the same time, habang kaeksena ko siya, tinitingnan ko siya [Heart].

"Parang merong questions sa utak ko na, ‘Paano niya nagagawa ito?’

“So, talagang hindi po talaga ako makapag-concentrate, tsaka tinititigan ko talaga yung mata niya. ’Paano niya nagagawa yung iyak na yun?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos siyempre, ang ganda ni Heart, talagang mapapatitig ka.

“Iyon, nangyari rin yun sa akin kay Richard Gutierrez.

"Na, konti lang yung line ko, kakapiraso lang yung line ko... muntik na akong mag-buckle kasi nakatitig ako sa kanya!” ang natatawang kuwento pa ni Thea.

Nakasama ni Thea si Richard sa huling primetime series ng aktor sa Kapuso network, ang Love & Lies.

Pero hindi na raw ito nangyayari ngayon kay Thea.

Aniya, “Kasi kailangan kong tanggalin iyon para makapag-concentrate ako.”



FOLLOW-UP PROJECT. Hindi pa alam ni Thea kung ano ang follow-up project niya sa GMA pagkatapos ng Pyra.

“Gusto kong ma-try yung strong personality ulit na role, yung may strong personality.

“Yung kahit parang yung role ko sa Anna KareNina.

“Pero mapagmahal pa rin,” pahabol niya.

Kailan pumasok sa utak niya na artista na siya, na bida na siya?

“Wala po, kasi parang pag sinabi mo na, ‘Ay, big star na ako,’ parang pinapasok mo sa utak mo na sobrang confident ka na, na big star ka na, na parang kaya mo lahat.

"Parang magiging mayabang or lalaki ulo mo pag... parang ganoon yung dating para sa akin, e...

“Pag sinabi kong ‘Big star ako! Ay, nagbida na ako!’ parang ganoon.

“Siguro depende on how you say it talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN