Jessy Mendiola feels "lucky" to be paired with John Lloyd Cruz in new movie

Tiniyak ni Jessy Mendiola na sa nalalapit nilang pagpapareha ni John Lloyd Cruz sa isang pelikula ay magiging professional lang ang working relationship nila ng young dramatic actor, na boyfriend ni Angelica Panganiban.


Tuluy-tuloy lang ang pasok ng magagandang proyekto para kay Jessy Mendiola.

Kasalukuyang umeere sa ABS-CBN ang kanyang pinagbibidahang primetime teleserye, ang Maria Mercedes.

At kahit kabubukas lang sa mga sinehan ng bago niyang pelikula na Call Center Girl, may kasunod na agad na film project ang Kapamilya young actress sa Star Cinema.

Makakapareha ni Jessy rito ang premiere leading man ng ABS-CBN na si John Lloyd Cruz.

Kasama rin nila sa pelikula ang durable stars na sina Richard Gomez at Gretchen Barretto.

Pag-amin ni Jessy tungkol sa napipintong pagtatambal nila ni John Lloyd, “I feel really pressured, I feel nervous.

“He’s John Lloyd Cruz, he’s really a very good actor.”

Bata pa lang daw si Jessy, 20, ay tinitingala na niya si John Lloyd, 30.

“Ako, aaminin ko, nung bata pa ako, kapag si John Lloyd ang napapanood ko, feel na feel ko talaga ang acting niya."

"Big fan" din daw siya ng tambalan nina John Lloyd at Bea Alonzo.

Dagdag ni Jessy, “For me, I feel very lucky."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Jessy sa launching niya bilang honorary ambassador of Korean Tourism, ng Korean Tourism Organization in Manila.

Ginanap ang event kaninang tanghali, November 27, sa The Manila Peninsula Hotel, Makati City.

THE BIG NEWS. Nakangiting ikinuwento ng mestisahing aktres kung paano niya nalaman ang balita tungkol sa pagtatambal nila ni John Lloyd.

“Nakakatawa nga nung nalaman ko na gagawin ko yung movie, hindi ko alam na ako pala yung napili.

“Nalaman ko na lang sa TV Patrol. Hindi ko alam.

"Surprise pala dapat, tapos nalaman ko na lang.

“Tinext ko yung Star Cinema, ‘Totoo po ba na ako yung partner ni John Lloyd?’

"‘Oo, ikaw.’

“Sabi ko, ‘Ha?!’

“Tinawagan ko yung handler ko.

“So, nakakatawa lang na isang baguhan na katulad ko, isang John Lloyd ang makaka-partner ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinakabahan ako, kasi si Direk Chito Roño rin ang director namin.”

Bilang pareho naman silang talents ng Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN—sinabi ni Jessy na nagkakabatian naman sila ni John Lloyd.

“Na-meet ko na siya before pa. Nagha-hi-hello lang kami.

"Pero personal at mahabang usapan, not yet.”

FUTURE INTRIGUE. Tila hindi naman nag-aalala si Jessy nang matanong kung handa na ba siyang ma-link kay John Lloyd.

Sabi niya, “Sa industriya naman natin, hindi maiiwasan yung nali-link din kapag may project na magkasama.”

Alam naman daw niya na solido ang relasyon ni John Lloyd sa kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban.

"Napakatibay nila ni Angelica. Baka mamaya, magalit sa akin ang mga tagahanga nila."

Dagdag niya, “For me, professional lang lahat.”

Ibig bang sabihin nito ay hindi papatol si Jessy kapag alam niyang may karelasyong iba ang isang lalaki?

“Oo, hindi ko kaya ‘yon.”


ON SAM, JAKE, TENG BROTHERS. Muli ay natanong si Jessy tungkol kay Sam Milby, na inilarawan niyang pinaka-vocal sa lahat ng kanyang admirers.

Sa report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 26, sinabi ni Jessy na si Sam ang nakalalamang sa lahat ng mga nagpaparamdam sa kanya.

Read: Jessy Mendiola admits Sam Milby has an advantage over her other admirers

Sabi ng dalaga tungkol dito, “Yung interview na ‘yon, tinanong sa akin, bakit nga daw lamang si Sam sa iba.

“Ako, sa tingin nila, lamang siya, kasi siya lang naman ang umamin na, ‘Yes, I’m courting her.’

"Pero for me, generally speaking, maganda naman talaga sa lalaki kung vocal siya.

“Kahit sino naman, kung nagsasalita siya tungkol sa ‘yo…”

Kinumusta rin kay Jessy ang magkapatid na basketball players na sina Jeric at Jeron Teng, na nagpahayag din ng kanilang paghanga kay Jessy.

Sagot niya, “Lahat nga sila vocal, kaya nga di ko rin alam kung ano ang specific na sinasabi nila sa interview, [kung] sino’ng lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro lahat sila naglalamangan.”

Hindi naman daw sila masyadong nagkikita ng kanyang co-star sa Maria Mercedes na si Jake Cuenca, na very vocal din sa pagpapahayag ng kanyang damdamin para kay Jessy.

Ayon kay Jessy, magkahiwalay sila ng unit pag nagti-taping. At sa takbo ng istorya ay hindi na sila masyadong nagkikita.

“Nag-uusap pa rin kami lagi,” pagtukoy niya kay Jake.

“Pero I would not say nanliligaw siya kasi, for me, meron kasing isang concrete na [clarification kung] official na nanliligaw.”

Tinanong din kay Jessy kung sino sa mga nali-link sa kanya ang aprubado sa kanyang ina.

Sagot niya, “Si Mama din yata nahihirapan.

"Kasi si Sam, dumalaw na sa kanya.

"Si Jake, nagpadala na ng paella nga.

"Yung Teng brothers, hindi naman sila nanliligaw, e, so di ko rin [alam].”

Itinanggi rin ni Jessy na may namamagitan na sa kanila ni Sam.

“Kung kami naman, sasabihin ko, pero hindi talaga,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN