Benjamin Alves joins fundraising drive for Yolanda victims

Benjamin Alves on relief and rehabilitation efforts to help typhoon victims: “Kahit naman po sino, mababahala sa kalagayan ng mga kababayan natin doon sa Visayas area na napuruhan ng bagyo. Nakita niyo rin naman ang reaksiyon ng buong mundo sa nangyari dito sa atin. Na it doesn’t matter kung Pilipino kayo. It’s just… it’s the humanity in everyone. Na maski anong calamity ang nangyayari or whatever conflicts we have, as a humanity, we s


Walang tigil ang marami sa layunin na makatulong sa mga naging biktima ng super-typhoon Yolanda.

Ang Kapuso actor na si Benjamin Alves—kasama ang manager niyang si Jonas Gaffud at iba pang talents ng Mercator Model and Artist Management—ay nagsagawa rin ng fundraising event.

Ito ay sa pamamagitan ng isang basketball charity game na inorganisa nila noong November 21, Huwebes, sa basketball court ng Magallanes Village.

Sabi ni Benjamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It’s a way po for all of us sa Mercator para makatulong.

“At nagawan naman ng paraan na wala akong taping para rito.

“Siyempre, binibiyayaan po ako ng Diyos ng maraming blessings, hindi po ako nawawalan ng projects sa GMA-7.

“Kaya I wanna help also on a personal level. I just wanna be a channel of blessings.

“Alam ko pong marami ang nangangailangan na mga kababayan nating naging biktima ng typhoon Yolanda.

“At nakatulong na rin po kami in a bigger scope.”

Ang tinutukoy ni Benjamin ay ang pakikiisa niya sa iba pang fundraising drive, gaya ng telethon ng GMA at iba pang activities, na ang layunin ay makapagbigay ng ayuda at suporta sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyo.

Pagpapatuloy ng Adarna star, “Pero ito pong basketball na in-organize namin ng manager ko at iba pang kasamahan ko sa Mercator, it’s on a personal level.

“At natutuwa ako na marami kaming kaibigang sumuporta para rito.

“Kahit naman po sino, mababahala sa kalagayan ng mga kababayan natin doon sa Visayas area na napuruhan ng bagyo.

“Nakita niyo rin naman ang reaksiyon ng buong mundo sa nangyari dito sa atin.

“Na it doesn’t matter kung Pilipino kayo. It’s just… it’s the humanity in everyone.

“Na maski anong calamity ang nangyayari or whatever conflicts we have, as a humanity, we still help.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At iyon ang nakakatuwa.

“Kung sa atin man nangyari yung ganito katinding disaster, hindi tayo nag-iisa.

“At hindi lang kapwa Pinoy ang tumutulong kundi yung ibang taga-iba-ibang bansa din.

“And if your heart is in the right place to help, that is the reason… that should be enough.

“Na kahit sa anuman at maliit na paraan, enough na iyon, e.

“Kasi yung puso ang sukatan ng ginagawang pagtulong—basta sincere sa kalooban mo.”



JANINE TUGONON. Talent din ng Mercator ang na-link kay Benjamin na si Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon.

Nangiti si Benjamin nang matanong kung bakit wala roon si Janine.

Sagot niya, “She’s in the U.S. now, but she has helped in her own way.

“She’s a spokesperson for the Philippines. And she always say nga rin na that’s the core—to help and serve.

“So, iyon na ‘yon!”

Saan na nga ba nakarating ang closeness nila? May mga naghihinalang baka totoong nagkakamabutihan na raw sila.

Sabi ng aktor, “Well, we’re good friends. That’ll never gonna go away.

“And that’s probably a good thing, because we’re really good friends.

“It’s just… people wanna see na there’s something that happens other than that [friendship].

“Basta we’re close, and we’re good friends.

“If they wanna speculate na we’re dating o whatever, na may mangyayari, sila na po ang bahala dun.

“Pero para po sa aming dalawa, magkaibigan lang po kami.”



IT’S COMPLICATED. Matagal-tagal na panahon na ring loveless si Benjamin.

Pero okey lang daw kahit wala man siyang nililigawan o idini-date ngayon.

“I’m single and working!” natawang sabi niya.

Takot ba siyang maging complicated ang kanyang status kapag nagkaroon siya ng lovelife?

“Well, love is always complicated—that’s how it is.

“Pero wala, e. There’s no lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I’m happy that there is a working life!” tawa ulit niya.

Halos wala nga raw siyang pahinga lately.

Bukod kasi sa taping niya para sa historical docu-drama series na Katipunan, kasama rin siya sa major cast ng bagong primetime series ng GMA na Adarna.

Sabi niya, “I’m happy na tuluy-tuloy ang magandang takbo ng career ko.

“Kaya nga gusto kong mag-focus muna nang husto sa work.”



HOLIDAY SEASON. Ngayong nalalapit na Kapaskuhan, gusto raw sana ni Benjamin na makapagbakasyon kahit ilang araw lang sa Guam, kung saan nakabase ang kanyang pamilya.

“Sana mabigyan ako ng panahon na makauwi sa Guam.

“For me to be with my family na nami-miss ko na nang husto, lalo pa may bago akong pamangkin.

“Kaya nagwi-wish ako na makauwi sa Guam and be with them kahit ilang araw lang. Kahit Christmas eve lang.

“Gusto ko lang maipagdiwang ang Pasko na kasama ang pamilya ko.

“But if not, dahil may mga schedule of work pa rin, I’ll just be here. Working pa rin,” sabi ni Benjamin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN