Gretchen Barretto on public opinion about her: "I’m very confident that my credibility is intact."

"Dapat matanggal na lahat ng atensiyon sa sarili natin because after the Yolanda, mas maraming nangangailangan ng atensiyon at kalinga natin at tulong natin. So let’s not be selfish na puro na lang, ’Hay, problema ko!’... Ang liit na lang ng problema natin compared to what is happening to the Philippines. Pakita naman natin na Filipino tayo, na tao tayo," pahayag ni Gretchen Barretto.


Matagal nawala sa Pilipinas si Gretchen Barretto.

Sinamahan niya ang kanyang nag-iisang anak na si Dominique Cojuangco sa London, kung saan ito nag-aaral ngayon.

Ngayon ay balik-Pinas na ang aktres at may sisimulan siyang pelikula para sa Star Cinema.

Makakasama ni Gretchen dito sina Richard Gomez, Jessy Mendiola, at John Lloyd Cruz.

Sa story conference ng naturang pelikula noong Lunes, November 25, sa 14th floor ng ELJ Bldg., sa ABS-CBN, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Gretchen.

Dito ay tinanong ang aktres kung nakatulong ba ang bakasyon niya sa London upang mahilom ang sarili sa masasakit na pinagdaraanan niya dahil sa lumalalang away ng pamilya Barretto.

Sagot ni Gretchen, “I can’t say na nag-heal.

"So, I can’t deny na masakit kung sa masakit... nakakagulo, nakakagulo.

"But, nakakabangon din.

"The love that other people have and the support, yun ang parang itinataas ka para bumangon ka.

"Of course, tinawagan ako ng ABS CBN, ’Come home, the project is ready, let’s have a meeting.’

"So, nandito ako."

Dagdag niya, “Hindi ko rin masasabi na walang sama ng loob.

"Mayroong sama ng loob, mayroong sakit.

"Yun, hindi ko na made-deny yun, that’s it."

Pero ayon din kay Gretchen, "Kailangang ibahin ko na ang utak ko, hindi puwedeng puro na lang sakit.

"‘Yang sakit na ‘yan, I will reserve it. I will keep it somewhere.

"Gagamitin ko na lang pag nag-shooting uli ako.

"Pag kailangan ko ang emosyon na ‘yan, gagamitin ko.

"That is going to make it more positive.

"Makikita ninyo sa pelikulang ito, lahat ng sakit, ilalabas ko.

"Pagkakakitaan ko, hindi yung sayang naman.

"May pinagdaanan ka na, e, gamitin ko na lang.”

SUPPORT SYSTEM. Sabi pa ni Gretchen, kahit nasa London siya noon ay parang nasa Pilipinas pa rin siya dahil sa ipinaparating na pagmamahal at suporta ng kanyang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nasa London ako, yung suporta ng mga kaibigan, kung anuman ang pinagdaanan ko, nandun.

"Nagti-text, nag-i-Skype, nag-i-email, nagpe-Facebook, private message...

"Naramdaman ko na parang nasa Pilipinas lang ako.

"Naramdaman ko na maraming naniniwala sa akin, maraming nagmamahal.

"And, hindi ako tumigil sa pagdarasal.

"I have Tony, I have Dominique, I have ABS CBN... and for me, pamilya ko na ito.

"What more can I ask for, how can I complain?"

Si "Tony" ay ang longtime partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco.

Pagpapatuloy ng 43-year-old actress, “Minsan, I won’t deny na I want to... I wanted to cry.

"And then, nandiyan yung mga text messages, ’We’re here, we love you, we believe you, we support you...’

"Paano ka pa mag-iinarte?

"Stop it na, just be happy and stop dwelling on whatever negativity."

Nakatulong ba ang pagkawala niya sa bansa para ma-filter ang mga isyu tungkol sa kanya at sa pamilya niya?

"Hindi," mabilis na sagot ni Gretchen.

"Hindi mo mapi-filter ang information.

"Kasi my lawyer will call me every day, and people from ABS CBN, everybody will call me.

"Mayroon akong TFC [The Filipino Channel] doon, pinalagyan ako ng ABS-CBN doon, so I know everything happening there."

Habang nasa London noon si Gretchen ay nagpadala rin siya ng eksklusibong pahayag sa PEP, kaugnay ng mga akusasyon laban sa kanya ng mga magulang na sina Miguel at Estrella Barretto at ng bunsong kapatid na si Claudine Barretto.

Read: PEP EXCLUSIVE Gretchen Barretto to parents Mike and Inday: "We hear Claudine’s cry for help. Why can’t you?"

Read: PEP EXCLUSIVE. Gretchen Barretto on Inday Barretto: "My mother is the person who is deeply pained by my happiness."

FAMILY FEUD. Sa gitna ng away sa pamilya Barretto, hindi maiwasang magbigay ng sarili nilang opinyon ang publiko.

Kung may mga kumakampi sa panig ni Gretchen, mayroon ding bumabatikos dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggap naman daw ito ng aktres.

Saad niya, “Ganun talaga ang buhay, hindi naman lahat ng tao kakampi mo.

"Ang importante, majority ng tao, kakampi mo.

"Hindi natin masasabi na bobo ang mga tao. Nakakaintindi naman sila at alam nila ang totoo.

"I’m very confident that my credibility is intact.

"Sa ilang taon ko sa show business, wala akong itinago, wala akong idinenay—kahit masama.

"Alam nila kung ano ako, kung sino ako.

"Dito ako lumaki. Kung ano ang mayroon ako, dahil din yun sa show business.

"Yung credibility ko is important—it’s everything to me."

Dagdag pa ni Gretchen, “Nasasaktan... pikon is parang mas shallow—nasasaktan.

"Tao lang din ako, nasasaktan ako.

"Ang kaibahan lang, artista ako, pero nasasaktan ako.

"Gagamitin ko ang lahat ng sakit na ‘yan.

"Makikita ninyo balang-araw, pag shooting ko ng December.

“Balang-araw, maiintindihan ninyo rin.

"At naiintindihan ko kayo kung saan man kayo, kung anuman ang naiisip ninyo.

"Maraming salamat sa inyo dahil nandito pa rin ako sa industriyang ito.

"Kung wala kayo, e, di wala rin akong projects, hindi rin ako interesting sa mata ng mga tao.

"Ito po ang bunga ng mga ginagawa ninyo sa akin. Maraming salamat po.”

PROTECTING HER FAMILY. Sa kabila ng masasakit na pinagdaraanan niya, bukod pa sa panghuhusga sa kanya ng ibang tao, paano pinuprotektahan ni Gretchen ang sarili niyang pamilya sa lahat ng ito?

Sagot niya, “Alam mo, pag may pagmamahal sa puso mo, yun ang core.

"I have love for Tony, for Dominique, for Marjorie, for all her children, for my brother J.J., for my brother Mito, for my nephews...

"’Yan ang aming promise sa isa’t isa, talagang kailangan there is love. Hindi yung pansarili lang."

Dagdag ni Gretchen, “Kailangan kasi kapag negative ka, yun ang i-attract mo—pag positive ka, that’s what you gonna attract.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano ang mindset mo, yun ang ia-attract mo.

"Because I have the love of people and I hold the truth, that is more than enough.

"When you have faith in God, and you know that the truth will unfold, I have no fear because the truth has unfolded.

"I have nothing to say anymore kasi nandiyan na.

"Besides, lahat nasa korte.

"Kaunting panahon na lang ang hihintayin ng lahat, tapos na."

Ang tinutukoy ni Gretchen ay legal battle sa pagitan ni Claudine at ng estranged husband nitong si Raymart Santiago.

May mga aral ba siyang natututunan sa mga pangyayaring ito sa kanilang pamilya?

Sagot ni Gretchen, “Ang daming lessons, pero I don’t want to elaborate.

"Kasi pag nag-elaborate pa ako, baka magbukas na naman ng kung anu-anong mga statements.

"Ngayon, ito na lang muna, let’s be very positive.

"And besides, dapat matanggal na lahat ng atensiyon sa sarili natin because after the Yolanda, mas maraming nangangailangan ng atensiyon at kalinga natin at tulong natin.

"So let’s not be selfish na puro na lang, ’Hay, problema ko!’

"Hindi na, hindi na ‘yan problema.

"Ang liit na lang ng problema natin compared to what is happening to the Philippines.

"Pakita naman natin na Filipino tayo, na tao tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN