Gladys Reyes wants to host a talk show with Angelu de Leon

Walang kinalaman ang pagiging MTRCB member ni Gladys Reyes sa pagpili niya ng role na gagampanan. Sabi niya, “Dahil nanay na ako, ganoon po yung mas binibigyan ko ng kunsiderasyon. Kasi yung mga anak ko, talagang para bang masasabi ko yata, number one fan namin sila ng asawa ko.”


Gusto ni Gladys Reyes na magkaroon sila ng talk show ni Angelu de Leon, co-star niya sa magtatapos nang afternoon series ng GMA na Pyra.

Pag-amin ni Gladys sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagpadala pa siya ng text message kay Ms. Lilybeth Rasonable, GMA Vice President for Entertainment TV, ng text request para rito.

“Sabi ko nga, gusto ko yung show sana na parang SIS noon nila Gelli [de Belen] at Carmina [Villarroel].

“E, ngayon naman, sila Gelli at Carmina, nasa iba’t ibang networks na rin, ‘no?

“Gusto ko with Angelu, yung this time... kasi may rapport na kami, e.

“Kasi, di ba, si Angelu yung talagang matagal ko nang nakatrabaho?

“1997 pa, we worked together in Ikaw Na Sana, sa GMA din po yun with Bobby Andrews.

"So, sobrang saya talaga na nagkatrabaho kami ulit dito sa Pyra.

“Grabe, walang dull moments pag kami, hindi kami nauubusan ng kuwento sa isa’t isa.

“At maraming pagkain, mahilig magdala ng pagkain yun, e.

"Kaya siya yung pinaka mami-miss ko."

Kakaiba at bagong format ng show daw ang pinu-propose ni Gladys sa GMA.

Sabi niya, “Not just a talk show, yung parang doon, sumasayaw din sila, nag-o-opening number.

"Merong panel discussion, meron ding minsang naglulutu-luto.

“Yung lahat na, feeling ko, hindi namin kakailanganin ng script.

“Talagang magiging spontaneous lahat dahil ang daming puwedeng pag-usapan na iba naman doon sa Moments."

Ang Moments ang talk show ni Gladys sa Net 25.

NETWORK CONTRACT. Two years ang exclusive contract ni Gladys sa GMA Network na tatagal hanggang November 2014.

Gusto rin daw ni Gladys na magkaroon ulit ng show kasama ang mister niyang si Christopher Roxas, na kasama rin niya sa Pyra.

Kuwento pa ni Gladys, “Actually, tinext ko nga si Ma’am Lilybeth.

“Siyempre, thanking her dito sa magandang role namin sa Pyra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And, of course, with Christopher, ang laki ng role niya dito—and it’s his first time sa GMA, ha!

“Napagkatiwalaan agad siya, na mabait na role, bida role.

“Ang text ko kay Ma’am Lilybeth, unang-una, pasasalamat doon sa pagkakataong ibinigay niya sa aming mag-asawa...

“Para sa isang proyekto na magkasama kami... bibihira yung pagkakataong ganoon.

“And at the same time, sabi ko, ‘Sana nga po, after this, meron uli na, kahit hindi kami magkasama.’”



RESTRICTIONS. Board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Gladys.

Dahil ba dito ay namimili na siya ng role na gagampanan?

Tugon ng character actress, “Hindi po sa mas pagiging board member, kundi dahil nanay na ako, yung ganoon.

“Ganoon po yung mas binibigyan ko ng kunsiderasyon.

"Like, kung may mga role po na sa tingin ko, e...

“Halimbawa, yung role, masyadong magiging malupit sa bata...

“Kasi yung mga anak ko, talagang para bang masasabi ko yata number one fan namin sila ng asawa ko, e.

“Like, ang Pyra, talagang pag oras na ng Pyra, talagang manonood sila.

“So, yung sa akin, siyempre nandoon din yung medyo ingat ka na rin sa tatanggapin mo na role.

“Tapos, halimbawa, kung magkakaroon ng... dahil kontrabida, pag kontrabida, di ba kailangan...

“Halimbawa, yung ka-partner mo, baka kailangan may suggestive kissing scene...

“Yung mga ganoon din, medyo kuwidaw na rin ako kasi nanonood yung mga anak ko, e.

“Ang hirap, kasi po, hindi mo puwedeng sabihin sa kanila, ‘Ay, ano lang yun, kunwari lang.’

“Pero siyempre, makikita nila, magkadikit pa rin, di ba?

“So, sa akin, yung mas ano ako, conscious ako sa roles dahil sa pagiging nanay ko.”



CURIOUS KIDS. Sinita na ba siya ng mga anak niya dahil sa salbaheng roles niya?

Kuwento ni Gladys, “Katulad dito sa Pyra, ang role ko dito, medyo bad ako kay Pyra [Thea Tolentino].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero parang yung little girl ko... Kasi siya yung parang very ano manood, e, yung five years old ko—si Aquisha.

“Parang nagtatanong sa akin, ‘Why are you bad to Pyra? Why are you always like that to her? Why are you mad at her?’

“Yung mga ganoon, nagtatanong ang anak ko ng ganoon. So, ako naman, explain...

“Siyempre, kailangan mong ieksplika na role ko lang iyon, na part lang ng story, yung mga ganoon.

"Ini-explain kong mabuti sa kanya.”


CREDIBILITY. Naitanong naman kay Gladys kung believable pa kaya siya kapag mabait naman ang role niya.

Sagot niya, “Bago po ako nagkontrabida ulit, noong pumunta po ulit ako sa GMA... galing ako sa mabait na role.

“Yung Wako Wako, yung nagkaroon ako ng anak, kami ni Vandolph sa kabila [ABS-CBN], sobrang na-enjoy ko yun.

“Kasi ano, e, parang hindi nalalayo sa tototong buhay na may anak akong ganoon ang edad.

“Tapos, kung gaano ka-nurturing na... kasi, di ba, ever since naman hands-on ako?

“I breastfed for two years, three years, ganyan.

“Ganoon ako kaistrikto pagdating sa talagang pagiging hands-on sa mga anak ko.

“So, yung ganoong role, feel na feel ko, kasi para bang mismong sa experience mo nailalabas mo yung tunay na ikaw.

“Like, kung ano yung nakikita nila sa akin sa Moments, iyon ako, e.

“Kung gaano ako kabilis magsalita pag kausap ko yung guest ko, kung gaano ako kainteresado sa motherhood doon sa mga family moments, iyon ako, e.

“Kaya sana ano... given a chance, dito naman sa GMA, mabigyan din tayo ng pagkakataon na after this...

“Two consecutive kontrabida roles po ang ginawa ko, Home Sweet Home and Pyra.

“So, siyempre, di ba? Parang gusto mo, ‘Ooops!’

"Dumistansiya muna ng konti sa pagkokontrabida and to do another thing.

“Kasi siyempre, parang sa pagiging artista mo rin, gusto mong hangga’t maaari, subukan yung iba’t ibang role.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN