Vic Sotto on having another baby: “Kapag ibibigay ‘yan, why not?”

"Hindi ko naman puwedeng itanggi na walang plano to settle and get married in the future," sagot ni Vic Sotto nang tanungin kung may plano silang magpakasal ng kanyang girlfriend ngayon na si Pauleen Luna.


“Kapag ibibigay ‘yan, why not?”

Ito ang sagot ni Vic Sotto nang tanungin kung may balak ba siyang magkaroon ng panibagong baby.

Sa ngayon ay may apat nang anak si Vic: sina Danica at Oyo, mula sa dati niyang asawa na si Dina Bonnevie; si Vico, sa dating co-host niya sa Eat Bulaga! na si Coney Reyes; at si Paulina, mula sa dating actress-model na si Angela Luz.

Puro malalaki na ang apat na anak ng 59-year-old comedian-TV host.

Kasama ba sa plano nila ng girlfriend niya ngayong si Pauleen Luna, 25, ang magkaroon ng anak?

Sagot ni Vic, “Alam mo, yung mga plano sa buhay, nandiyan naman ‘yan, e.

“Kaya ka nakikipagrelasyon, kasi may mga [plano ka], hindi lang dahil trip mo lang.

"Yun ay dahil mayroon kang long-term [plans].

“Hindi ko naman puwedeng itanggi na walang plano to settle and get married in the future.

“Pero kung darating man ‘yon, kung mayroong definite plans, kayo ang unang makakaalam.”

Napag-uusapan na rin ba nila ni Pauleen ang tungkol sa pagpapakasal?

“Marami kaming napapag-usapan,” matipid na sagot ni Vic, na tila umiiwas nang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Pauleen.

Sa huli, tiniyak ni Vic sa press: “Kapag nandoon na, sasabihin ko. Hindi yung susurpresahin ko na lang kayo.

“Wala akong itatago, kayo ang unang makakaalam.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa presscon ng pelikulang My Little Bossings kahapon, November 27.

Ed’s Note: May importanteng pagbabago sa artikulong ito. Noong unang lumabas ito kahapon, Nobyembre 29, nailagay na si Angela Luz ay yumao na. Itinutuwid ito ngayon, Nobyembre 30. Si Paola Luz, kapatid ni Angela, ang yumao. Si Angela ay buhay na buhay, at inilalarawan sa Instagram ng mga kaibigan na isang mabuting ina kay Paulina, ang anak nila ni Vic Sotto. Humihingi ng paumanhin ang PEP kay Angela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN