Vic Sotto gives Bimby "a very high passing grade" for his first movie role

Vic Sotto on working with child stars: “I must admit na na-miss ko yung working with a kid. Alam niyo naman that I worked with Aiza [Seguerra] for quite a number of years, sa telebisyon at sa pelikula. Iba kasi yung bata ang katrabaho, e. Kung papaano mo make-create yung atmosphere na working and, at the same time, playing.”


Aprubado kay Vic Sotto ang performance ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby Yap sa pelikula nilang My Little Bossings.

Sa press conference ng nasabing Metro Manila Film Festival 2013 entry kagabi, November 27, inilarawan ni Vic ang naging pakikipagtrabaho niya kay Bimby.

“Magaling siya.

“For a beginner, for a first-timer… I mean, napapanood natin siya sa commercials, pero mga one shot, two shots lang ‘yon.

“Ito, buong sequence, ibang usapan na ‘to.

“Considering that it’s his first time to act in a movie—na kailangan tandaan mo yung blocking mo, tandaan mo yung dialogue mo, you should know how to react—I will give him a very high passing grade.”

Bukod kay Bimby, kasama rin sa My Little Bossings ang child wonder ng Eat Bulaga! na si Ryzza Mae Dizon.

Ayon kay Vic, na-enjoy raw niya ang pakikipagtrabahong muli sa mga bata.

“Na-miss ko nga e,” dagdag niya.

“Kaya noong pinaplano namin ang project na ito, I was very excited.

“Kasi, ito na naman, yung mga bata, how to deal with them kapag medyo may sumpong o kapag inantok.

“Ang difference lang, today, mayroon talagang specific working hours.

"Kasi noong panahon ni Aiza [Seguerra], wala pa yung DOLE churva, e.

“Tama naman ‘yon, para sa kabutihan din ng mga bata.”

Ang tinutukoy ni Vic ay ang guidelines na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga child stars.



TAKING CARE OF KIDS. Hindi na bago kay Vic ang may kasamang bata sa mga ginagawa niyang pelikula o programa sa telebisyon.

Noong ‘80s hanggang early ‘90s, madalas na nakakasama ni Vic ang dating child star at ngayo’y kilalang singer na si Aiza Seguerra.

Gaya ni Ryzza Mae, si Aiza ay produkto rin ng talent search ng Eat Bulaga! na "Little Miss Philippines."

Ilang taon rin ang nakalipas bago nakapagpasikat muli ng isang child star ang Eat Bulaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya sabi ni Vic, “I must admit na na-miss ko yung working with a kid.

“Alam niyo naman that I worked with Aiza for quite a number of years, sa telebisyon at sa pelikula.

“Iba kasi yung bata ang katrabaho, e.

“Kung papaano mo make-create yung atmosphere na working and, at the same time, playing.”

Nabanggit din ni Vic na nakatulong ang mga karanasan niya noon sa mga child stars ng Eat Bulaga! para maalagaan si Ryzza ngayon habang nagtatrabaho.

Aniya, “You know, kasi mga bata ‘yan, e.

"Sa kanila, it’s more laro more than trabaho.

“Kasi, kapag puro trabaho, kawawa naman ang mga bata, madaling ma-burnout ‘yan.

“From my experience with Aiza, when she was still a kid, parang nagagamit ko ulit dito with Ryzza and Bimby.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN