Richard Gomez clarifies separate movie projects with Gretchen Barretto and Dawn Zulueta

Richard Gomez on relief and rehabilation efforts for the typhoon victims: “It’s a collective effort, hindi ito kaya ng isa o dalawang tao. Kailangang magsama-sama tayo dito, kailangang magtulung-tulungan tayo dito.”


Nilinaw ni Richard Gomez ang balitang hindi na matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nila ni Dawn Zulueta.

Marami kasi ang nagulat nang malamang si Gretchen Barretto na ang makakasama ni Richard sa pelikula, kung saan kasama rin sina John Lloyd Cruz at Jessy Mendiola.

Tuloy, akala ng iba ay hindi na tuloy ang napabalitang proyektong pagtatambalan muli nina Richard at Dawn.

Sa story conference ng pelikula noong Lunes, November 25, ay ipinaliwanag ni Goma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magkaiba ang proyekto niya kina Dawn at Gretchen.

Sabi niya, “Hindi, mayroon kaming teleserye na gagawin ni Dawn, tapos yung movie namin ni Dawn, to follow.

“Iba itong sa amin ni Gretchen.”

Naging mainit ang pagtanggap ng publiko sa balik-tambalan noon nina Richard at Dawn sa ABS-CBN primetime series na Walang Hanggan.

Wala bang nararamdamang pressure si Richard sa magiging pagtanggap ng publiko sa pagtatambal naman nila muli ni Gretchen?

“Hindi naman, kasi kami ni Gretchen, marami kaming ginawang pelikula before, big hits.

“Lalo na yung Lumayo Ka Man Sa Akin,” pagtukoy pa ni Goma sa 1992 movie nila na idinirek ni Laurice Guillen.

Dagdag niya, “I’m very glad na makakasama ko si Gretchen, John Lloyd—kaming tatlo.

“This will be an acting movie.”

Nagkuwento rin ng kaunti ang aktor tungkol sa istorya ng pelikula.

“Very excited, kasi ito ang magiging... ito yung magiging anchor movie ng Star Cinema on its 20th year.

“Maganda itong ipe-present namin sa movie para sa mga viewers natin.

“It’s a family drama movie.

“Ako, si Gretchen, kami mag-asawa on the verge of a separation.

“I play a lawyer, si Gretchen is a doctor, we will take a case about John Lloyd.

“And then, di namin alam kung ito ba magiging sanhi ng final breakup namin ng pamilya, or siya [John Lloyd] ba ang magbabalik sa amin para magkaayos kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa rin daw si Richard sa pagtatrabaho nilang muli ni Gretchen.

Aniya, “Oo, si Gretchen has been very visible.

“Yung TV series na ginagawa niya, I can say she’s very good, very focused siya sa ginagawa niya.

“Not only that, gumaganda siya nang gumaganda habang tumatagal.”

TYPHOON YOLANDA. Samantala, isa ang bayan ng Ormoc sa binayo nang husto ng super-typhoon Yolanda.

Ang misis ni Richard na si Lucy Torres-Gomez ang kasalukuyang kongresista sa naturang bayan sa Leyte.

Tumakbo ring mayor ng Ormoc si Goma noong May 2013 elections, ngunit natalo siya.

Positibo naman ang aktor na muling makakabangon ang mga taga-Ormoc at iba pang biktima ng matinding kalamidad na ito.

“Despite this tragedy, di tayo puwedeng bumigay.

“Kailangan very positive tayo, kailangan very happy pa rin tayo sa ginagawa natin.

“Basta nakakatulong tayo sa mga tao, let’s be happy on what we are doing.

“Let’s be happy with the help of everyone giving to the victims.

“It’s a collective effort, hindi ito kaya ng isa o dalawang tao.

“Kailangang magsama-sama tayo dito, kailangang magtulung-tulungan tayo dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN