PEP EXCLUSIVE. Phil Younghusband "still friends" with ex-girlfriend Angel Locsin

PEP learns Phil Younghusband has volunteered for the Red Cross to help raise donations for the typhoon victims, which explains his presence at the MCA Music’s benefit concert Music Comes Alive For Visayas concert.

He allowed to be interviewed but before PEP could even shoot the first question, he puts the muzzle to any query about Angel Locsin and their breakup: "And I can’t do any… speak about Angel.” But the intrepid rep


Tikom pa rin ang bibig ng football player na si Phil Younghusband tungkol sa breakup nila ng aktres na si Angel Locsin.

Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phil sa Music Comes Alive For Visayas concert na ginanap sa Eastwood Central Plaza, Libis, Quezon City, kagabi, November 27.

Namataan namin ang Azkals player habang papasok sa holding area ng mga artista at singers na kasali sa benefit concert ng MCA Music.

Bagamat nagpaunlak ng panayam, pinauna na ni Phil: “I’m okay, yeah. And I can’t do any… speak about Angel.”

Ang akala namin ay magpe-perform din si Phil bilang suporta sa naturang fundraising event.

Ngunit nang usisain namin kung ano ang gagawin niya sa concert, natatawang sabi nito, “No, no, no! I’m with the Red Cross.

“I wanna help get donations, yeah, that’s why I’m here, just to help the Red Cross.

“Hindi ako sure on ano ang gagawin ko, pero I’ll just stay with the Red Cross.”

Hindi raw siya official ambassador ng Philippine Red Cross, pero gusto lang daw niyang tumulong sa paglikom ng pondo ng ahensiya para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Incidentally, ang ex-girlfriend ni Phil na si Angel ay isang aktibong volunteer ng Philippine Red Cross.

Nasa India raw si Phil nang nanalasa ang super-typhoon Yolanda sa Central Visayas.

Dagdag niya, “It was devastating and it was hard to watch.

“But I think… the important thing is that everyone can help and give back, and I think everyone is doing a great job so far.

“And the way the victims have handled it, and the way the community handled it, it’s amazing.

“And we see everyone come together and everyone is doing a really good job.”



END OF RELATIONSHIP. Nag-abiso mang wala siyang maaaring sabihin tungkol kay Angel, sinubukan pa rin ng PEP na tanungin si Phil kung paano ba siya naka-move on sa hiwalayan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiti niyang sagot, “I can’t tell you… sorry, sorry. I can’t tell you about that.

“I know we’re friends, but I’m not ready to answer that kind of questions yet.”

Gaano ba sila katagal naging magkasintahan?

“Me and Angel? We’re together for two years and nine months, so we knew each other for two years and nine months,” sagot ni Phil.

Nanghinayang ba siya na nauwi sa hiwalayan ang kanilang samahan?

“Yes, sayang, sayang,” pag-amin ng 26-year-old football player.

Gumagawa ba siya ng paraan upang muling suyuin ang dating kasintahan?

Pagtanggi pa rin nitong sagot, “I can’t tell you about it right now.

“Sorry, I will… I really apologize.”

Pero hindi naman bad breakup ang nangyari sa kanila?

Sabi ni Phil, “No, no, no.

“Were still friends and… but it’s… we ended up mutually, so sorry.”

May mga nasulat sa ilang tabloids na diumano’y hindi pabor ang kapatid ni Phil na si James Younghusband sa relasyon nila ni Angel. May katotohanan ba ito?

Pagtanggi ni Phil, “No, no, no…

"James loved Angel. James loved Angel.

“So, that’s natural.”

Ano ang mensahe ni Phil sa mga fans nilang dalawa ni Angel na nanghinayang sa kanilang paghihiwalay?

Saad niya, “My statement is that we still support each other, and wish each other the best, and that we are still friends.”

May mensahe ba siya kay Angel?

Nakangiti man, tumanggi pa rin si Phil na magpaabot ng mensahe.

“I’m sorry, I can’t say anything.”



A LOVE STORY. Nagsimula ang pag-iibigan nina Angel, 28, at Phil, 26, nang yayayin ng Azkals player ang Kapamilya actress, sa Twitter, para sa isang Valentine’s date noong February 10, 2011.

Read: Azkal Phil Younghusband asks Angel Locsin out for Valentine’s Day on Twitter

Makalipas ang mahigit isang taon, naging opisyal na magkasintahan ang dalawa noong May 27, 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga panayam noon kina Angel at Phil, ipinagmamalaki nila ang kanilang relasyon.

Marami rin ang nagsasabing baka silang dalawa na ang magkatuluyan pagdating ng araw.

Hindi rin nabalitang nag-away o nagkaroon ng selosan ang dalawa.



THE BREAKUP. Kalagitnaan ng October 2013, kumalat ang balitang naghiwalay na raw sina Angel at Phil.

Hindi na raw kasi sila nagpapalitan ng mensahe sa Twitter.

Maging sa Instagram, hindi na rin nagpo-post ang dalawa ng mga larawan nilang magkasama.

Parehong Agosto pa ang huling palitan ng mensahe ng dalawa sa kanilang accounts sa social media.

October 22, nailathala dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang report tungkol sa diumano’y hiwalayan ng dalawa.

Read: Angel Locsin and Phil Younghusband break up?

October 25, kinumpirma ni Angel ang kanilang hiwalayan ni Phil sa pamamagitan ng statement sa kanyang Twitter account (@143redangel).

Read: Angel Locsin confirms breakup with Phil Younghusband: "Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito."

October 27, naglabas din ng statement si Phil, sa pamamagitan ng Instagram, tungkol sa kanilang hiwalayan.

Read: Phil Younghusband on breakup with Angel Locsin: "We are thankful that we remain friends, and we only wish the best for each other."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN