Vic Sotto on Kris Aquino: “She sets a very good example to mothers.”

“Yung friendship namin is way beyond producing or acting. It’s more than that, kami na lang ang nagkakaintindihan,” says Vic Sotto (left) about My Little Bossings co-actor and co-producer Kris Aquino (right, with son Bimby). The two celebrities previously worked with each other in a comedy movie, My Funny Valentine, in the 1990s.


Sa muling pakikipagtrabaho nina Vic Sotto at Kris Aquino sa isa’t isa sa pelikulang My Little Bossings, hindi naiwasan ng entertainment press na muling balikan ang dati nilang pinagsamahan.

Sa press conference ng pelikula, na isa sa mga official entry ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon, muling naintriga ang dalawa sa diumano’y pagkakamabutihan nila noong nagkatrabaho sila sa pelikulang My Funny Valentine.

Noong una ay pabiro pang sinasagot ni Vic ang ganitong klaseng tanong kagabi, November 27, “Next question, please.”

Pero nilinaw naman niya kinalaunan, “Yung friendship namin is way beyond producing or acting.

“It’s more than that, kami na lang ang nagkakaintindihan.”

Si Kris naman ay diretsahang sinabi sa press, “Never naman naging kami.

“Promise, hindi talaga.

“We’ve remained really good friends for a long time.”

FROM CO-ACTORS TO CO-PRODUCERS. Kung dati ay magkaeksena lamang sila sa pelikula, ngayon ay magkasosyo na rin sina Vic at Kris sa pagpoprodyus ng pelikulang My Little Bossings.

Kasama ang M-Zet Productions ni Vic Sotto, at Kris Aquino Production ni Kris sa apat na producers ng pelikula. Ang dalawa pang kasama rito ay ang OctoArts Films at APT.

Bagamat matagal nang hindi nakapagtrabaho kasama ang isa’t isa, hindi naman daw nabago ang pagiging magkaibigan nina Vic at Kris.

“Sa project na ‘to, as co-producer, as co-actor, as co-mentor,” sabi ni Vic sa hiwalay na interbyu sa kanya ng press.

“Kris and I have been friends for a very long time.

“Ke nag-uusap kami, ke hindi, ke nagkikita kami o hindi, it doesn’t really matter.

“Parang it’s nice to be working with her again, not only as co-actor but also as co-producer.”

Inilarawan din niya kung paano si Kris bilang producer.

“She learns fast, e. Mabilis siyang matuto and marami siyang magagandang ideya na she throws in sa script, sa promo, sa lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat magkasosyo sila, hindi naman daw sobra ang pakikialam ni Kris sa mga dapat gawin sa pelikula.

Sabi ni Vic, “Hindi naman.

"Kasi, lahat ng pakikialam, ginawa na namin sa pre-production. Mas mahaba ang pre-production namin kaysa sa pagte-taping kaya lahat ng input, nandoon na.

“Yung mga gagawin na lang is yung mae-execute na lang ang mga napag-usapan.”

KRIS AS A STAGE MOM. Noon pa man, aminado na si Kris na stage mom siya pagdating sa mga anak na sina Josh (kay Phillip Salvador) at kay Bimby (kay James Yap).

Kapansin-pansin naman ito sa set ng My Little Bossings, ani Vic.

“It’s very evident, mula sa suot hanggang sa kung ano ang kakainin,” patunay ng kilalang host ng Eat Bulaga!

Pero sabi niya, maganda naman ang epekto nito sa anak ng TV host-actress na si Bimby.

Ayon kay Vic, “It just shows how much she loves her children, how good a mother she is.

“Nakikita ko naman sa pagpapalaki niya sa mga bata, kay Josh at kay Bimby.

“Mababait na bata, masusunurin. Masunurin na mga bata, mapagmahal na mga bata.”

Hindi rin daw nakakairitang makita ang ganitong ugali ni Kris sa set.

Sa halip, sabi ni Vic, “It’s nice watching her kasi makikita mo kung gaano niya kamahal ang mga anak niya, kung gaano ka-valuable, kung paano niya pinapalaki.

“She sets a very good example to mothers.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN