Angelu de Leon to Claudine Barretto: “It’s not easy, but choose to forgive.”

Ayon kay Angelu de Leon, nararamdaman din niya ang pinagdaraanan ngayon ni Claudine Barretto. “Nakaka-relate ako bilang anak ako. Nakaka-relate din ako dahil may kapatid ako. Nakaka-relate ako bilang may asawa na ako, nanay na rin ako. So yung gravity na nangyayari sa kanya, hindi mo puwedeng sabihin na mas masakit.”


Halos sabay nagsimula sa showbiz sina Angelu de Leon at Claudine Barretto.

Nagkasama sila sa dating youth-oriented gag show ng ABS-CBN na Ang TV.

Parehong naging mainit ang mga pangalan ng dalawa bilang teen stars.

Si Angelu ay naging teen superstar sa bakuran ng GMA, habang si Claudine ay naging prinsesa ng mga teleserye sa ABS-CBN.

Iyon nga lang, noong nasa peak ng kanyang career si Angelu ay nabuntis siya ng boyfriend niya noon na si Joko Diaz, anak ng yumaong character actor na si Paquito Diaz.

Dahil dito ay kinailangan niyang tumigil pansamantala sa showbiz upang hintayin ang kanyang panganganak.

Bagamat nakabalik pa rin sa showbiz si Angelu pagkatapos niyang manganak, na-relegate na siya sa supporting roles.

Si Claudine naman ay patuloy na namayagpag ang career hanggang sa tanghalin bilang isa sa top actresses ng bansa.

Ngunit ngayon ay maraming pinagdaraanang kontrobersiya si Claudine, dahil sa away sa loob ng Barretto pamilya at paghihiwalay nila ng asawang si Raymart Santiago.

Bilang kasabayan at kaibigan na rin, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Angelu tungkol sa kinahaharap na problema ngayon ni Claudine.

Sabi niya, “Siyempre, nakakalungkot.

“Parang kahapon lang, parang kapapanood ko yata sa kanya na parang gusto niyang makipag-ayos kay Marj [Marjorie Barretto, Claudine’s sister], parang nami-miss niya."

Read: Claudine Barretto admits missing sister Marjorie; sends feelers for possible reconciliation

Patuloy ni Angelu, “Una siyempre, it’s sad, kasi it’s out in the open.

“Second, naniniwala ako kasi... Parang naniniwala ako na... hindi mo alam ang nangyayari sa loob ng bahay.

“Lahat, may kuwento naman, may kuwento ang both parties.

“Ako, I’m praying for her na maayos.

"Sabi nga, for me naman, no sin big enough na hindi puwedeng patawarin.

“Yun nga lang, it takes time.”



IN SYMPATHY. Sa mga nababalitaan niyang pinagdadaanan ngayon ni Claudine, saan mas higit na nalulungkot si Angelu?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin—lahat. Kasi ang sakit, dahil siyempre, nakaka-relate ako bilang anak ako.

“Nakaka-relate din ako dahil may kapatid ako.

"Nakaka-relate ako bilang may asawa na ako, nanay na rin ako.

“So, yung gravity na nangyayari sa kanya, hindi mo puwedeng sabihin na mas masakit.

“Siguro kung magkaaway sila ng nanay niya or magkaaway sila ng kapatid niya, hindi siya puwedeng mas malaki ang problema ng asawa.”

Naniniwala naman si Angelu na sa bandang huli ay magkakaayos din si Claudine at ang pamilya nito.

“At the end of the day, God will prevail and everything will work out.”

Ano ang mensaheng gusto niyang iparating kay Claudine?

“Naku, ayan na naman, tapos mababasa ko, nakikisawsaw ako sa nangyayari sa kanya!” natatawang sabi ni Angelu tungkol sa mga komentong posibleng mabasa niya.

Pero aniya, “Siguro, ano na lang, in life, there’s always choices.

“Parang for me, I would just advice her, it’s not easy, but choose to forgive.”

PYRA. Ngayong araw, November 29, ang huling episode ng kinabibilangang afternoon soap ni Angelu sa GMA, ang Pyra: Babaeng Apoy.

Masaya na malungkot daw ang nararamdaman niyang magtatapos na ang Pyra.

Sabi ni Angelu, “Masaya kasi ang grupo, na parang sinasabi nga namin, kahit minsan, kahit parang napupuyat ka, kahit madaling-araw o umaga na kaming umuuwi, hindi siya nakakainit ng ulo.

"Kasi, masaya ang group.”

Nag-e-enjoy rin daw si Angelu sa mall at out-of-town shows ng Pyra.

Pinaalala ng PEP kay Angelu na noong teenager siya, at bahagi ng teen-oriented series na T.G.I.S., ay madalas din siyang mag-mall shows.

“Oo, ganoon na nga!” natatawang sabi niya.

“Actually, ganoon pa rin, hinahanap pa rin nila sa akin si Bobby [Andrews]. Si Bobby pa rin talaga!

“Ang sinasagot ko sa kanila, ‘Ayun, naglalaba!’” natatawang biro niya tungkol sa kanyang dating ka-loveteam.



DISRESPECT. May mga baguhang artista ba siyang nakakatrabaho na hindi maayos makisama sa mga tulad niyang matatawag na “senior” na sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron!” mabilis na sagot ng 34-year-old actress.

Sino ang tinutukoy niya?

“Naku, bigla naman akong kinabahan sa tanong na ‘yan na sino!” natawang sabi ni Angelu.

“Wala nang sino. Actually, hindi lang bumati, yung ganoon, pero the next taping, okey naman.”

Hindi ba niya pinagsabihan?

“Hindi na. Kung next taping, hindi pa rin umokey, baka pagsabihan ko na.

“Pero I think, alam naman niya, parang nahiya rin naman.

“Kasi nga minsan, pinag-uusapan namin, even kung senior ka, iintindihin mo na lang din.

“Kung noon, mahiyain ka, hindi ka rin naman pabibo, di ba? So, iintindihin mo na lang.

“Siguro for me, mabuti rin na sasabihan sila, kasi paano kung sa ibang show mapunta?

“Pero it’s not naman a big deal,” nakangiting sabi niya tungkol sa isang baguhang kasama niya sa Pyra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN