Jessy Mendiola attests to Sandara Park’s popularity in South Korea

“Pinag-usapan lang namin kung kumusta siya dun, kung na-miss ba niya ang Philippines. Sabi niya, gusto na niyang bumalik dito, gusto niyang bumisita. Tapos... ewan kung papayagan siya,” kuwento ni Jessy Mendiola tungkol sa pagkikita at pag-uusap nila ng 2NE1 member na si Sandara Park.


Ikinuwento ni Jessy Mendiola ang pagkikita at pag-uusap nila ni Sandara Park nang muling bumisita ang Maria Mercedes star sa South Korea.

Noong October 29 lumipad si Jessy sa South Korea.

Namalagi siya roon ng limang araw para sa kanyang Korean premium tour, kung saan pinuntahan niya ang mga kilalang landmarks doon.

Nagkaroon din si Jessy ng pagkakataon na makita si Sandara habang naroon siya.

“First time ko siyang na-meet, krungkrung na krungkrung…” panimulang kuwento ni Jessy tungkol kay Sandara.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa press launch niya bilang honorary Korea Tourism ambassador noong November 27, Miyerkules, sa The Manila Peninsula Hotel, Makati City.

Noong nasa local showbiz pa si Sandara, "Pambansang Krungkrung" ang bansag sa kanya.

Ito ay bilang pagtukoy sa nakatatawa at kakaibang personalidad ng Korean actress.

Sumali si Sandara sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest Season 1 noong 2004.

Naging runner-up siya ng nanalong si Hero Angeles, na kalaunan ay naging ka-loveteam niya.

Ngunit nang lumamlam ang career niya sa Pilipinas, nagdesisyon si Sandara at ang kanyang pamilya na bumalik na lamang sa South Korea.

Nagulat ang maraming Pinoy dahil pagkalipas ng ilang taon ay napabilang si Sandara sa all-female singing group na 2NE1, na sikat na sikat ngayon sa Korea.

STILL POPULAR. Pinatunayan naman ni Jessy ang kasikatan ni Sandara sa Korea.

Makikita pa nga raw ang billboards nito sa iba’t ibang lugar sa Seoul.

Sabi ni Jessy, “Sobrang sikat niya sa Korea, as in makikita mo yung mukha niya everywhere!

“Sabi ko, ‘Sikat na sikat ka sa Philippines, love na love ka pa rin ng mga Pinoy.’”

Hindi raw makapaniwala si Sandara kaya natawa na lang si Jessy.

Medyo pagod daw si Sandara nang magkita sila dahil may pinanggalingan itong event, pero game pa rin daw itong nakipag-usap sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinag-usapan lang namin kung kumusta siya dun, kung na-miss ba niya ang Philippines.

“Sabi niya, gusto na niyang bumalik dito, gusto niyang bumisita.

"Tapos... ewan kung papayagan siya.”



AMBASSADOR JESSY. Bilang ambassador ng Korea Tourism, nakatakda raw muling bumisita ng South Korea si Jessy.

“I have to go to Korea and see kung ano ang bagong nangyayari do’n and I have to share it here.

"So, basically, it’s promoting.

“Ang saya nga maging ambassadress kasi, parang feeling mo, hindi ka nagtrabaho.

"Kasi andun ka, they give [you] VIP treatment. But, at the same time, you learn a lot about Korea."

Nilinaw ni Jessy na hindi porke’t Korea ambassador siya, mas ipo-promote niya ang ibang bansa kesa sa Pilipinas.

“It’s actually vice versa.

"If I promote Korea here, I also promote Philippines there.

“It does not mean I go there because of Korea… it’s also [if] I go there, I represent Philippines.

“Siyempre, kailangan ko rin alagaan ang image ko as a Filipino.

“So, kapag pumunta ako dun, makikita nila maganda pala ang Pinoy, warm also.”

TRYING HER LUCK IN KOREA. Dahil sa pagiging ambassador niya, inusisa si Jessy kung payag ba siyang pasukin ang showbiz sa South Korea kung may oportunidad na magbubukas.

Sagot niya, “For me, let’s cross the bridge when we get there.

“Sa ngayon, wala pa namang offers.

"Sa ngayon, nagsisimula pa lang naman ako… not anytime soon.

“But for me, why not, di ba?

“It’s a new opportunity kapag sa ibang bansa ka nagtrabaho.

"Pero para sa akin, masaya ako sa mga nangyayari sa akin sa Maria Mercedes.

“But if given the opportunity, why not?

“Pero ngayon, wala pa naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN