Marian Rivera proposes livelihood program instead of relief goods for Yolanda victims

Lalo raw naging inspirado si Marian Rivera na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo dahil sa nakita niya nang mamahagi sila ng relief goods sa Cebu. Lahad ng Kapuso actress, “Ito nga yung sinasabi ko na binagyo na, pero makikita mo pa rin ang kakaibang spirit nila—iba talaga. At masasabi ko na mas lalo akong na-inspire. Imagine mo, sa naranasan nila, nakikita mong lumalaban sila. Inspirasyon talaga, na tayo, heto tayo, okey tayo—tayo naman ang tumulong.&rd


Hindi nakasama si Marian Rivera sa grupo ng Yes Pinoy Foundation na namahagi ng relief goods sa Iloilo kahapon, November 28.

Ang Yes Pinoy Foundation ay pinamumunuan ng boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Marian mismo na trinangkaso siya, kaya sinabihan siya ni Dingdong na magpahinga na lang muna at huwag nang sumama sa kanila.

Sunod-sunod din kasi ang naging trabaho ni Marian.

Bukod dito, sumama si Marian sa grupo ng GMA Kapuso Foundation na namahagi ng relief goods sa apat na bayan sa Cebu, noong Lunes, November 25.

Kuwento ni Marian, “Grabe yung Cebu!

“In fairness sa mga tao, ang saya lang, kahit na alam mo na yung pinagdaanan nilang bagyo, grabe talaga.

“Pero makikita mo pa rin sa mga tao yung saya na nakita ka nila.

"Yung spirit talaga ng Filipino, iba."

Patuloy niya, “Yung mga bahay talaga sa mga pinuntahan naming lugar, mga sira.

“Kaya yung mga ibinigay naming mga trapal ng bahay, mga kumot at yung pinuntahan namin…

“Parang first time lang na may makapunta sa kanila kasi malayo.

“Parang mula sa airport, siguro mga apat na oras pa ang land trip at bundok kasi.

“Yung place, halos lahat ng puno, bagsak—nakakaawa talaga.”


VOLUNTEER. Nag-volunteer daw si Marian para makasama sa pamamahagi ng relief goods ng Kapuso Foundation.

Sabi niya, “Ako na ang nag-volunteer sa kanila.

“Sabi nga nila, wala nga raw nagbo-volunteer kasi malayo talaga yung place.

“So, sabi nila, oo naman, malaking bagay nga raw.

"At yung mga tao talaga, kapag nabigyan mo na, abut-abot ang pasasalamat nila.”

Ngayon nga raw ay nagpaplano na si Marian na isama ang mga kaibigan niya para mapuntahan ang iba pang mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Saad niya, “Naging close ko na rin kasi sila dahil sila rin ang mga nakakasama ko tuwing magkakaroon ako ng regional show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bale aayusin ko pa, pag-uusapan pa namin kung ano ang gagawin namin.

“Siguro kapag magaling na ako, yun ang isa sa personal kong aayusin.

“Pero ang gusto ko, yung papasok na pera, donation, through Kapuso [Foundation] pa rin, para walang kuwestiyon, di ba?

“Pero hindi siya part ng Kapuso Foundation, kasi, di ba, ang daming nagbibigay ng relief? Tambak-tambak na nga."

LIVELIHOOD PROGRAM. Kaya imbes na relief goods, may naisip na ibang paraan si Marian upang matulungan ang ibang mga nasalanta ng bagyo.

Kuwento niya, “Merong isla sa Cebu na tatlo o apat yata yun, na maraming pamilya na doon na talaga nakatira.

“At ang ikinabubuhay nila, sa pamamagitan ng pangingisda. Doon na rin nanggagaling ang pagkain nila.

“At sa mga isla na yun, may isang libo raw na nawalan ng hanapbuhay dahil yung mga bangkang ginagamit nila, nawala, nasira ng bagyo.

“Naisip namin, bakit hindi yung pangmatagalan na ang ibigay sa kanila, yung magagamit nila para makapagsimula silang muli?”

Nagsimula na raw tumawag si Marian sa mga kumpanya ng iniendorso niyang produkto, at nangako naman daw ang mga ito na tutulong sa adhikain niya.

"Siguro, working title ng project na ‘to ay ‘Oplan: Bangka.’

“Nalaman ko na yung isang bangka, parang nasa halagang P15,000.

"At bukod sa mabibigyan sila ng magagamit nila sa pang-hanapbuhay nila, yung bangka na yun, puwedeng pamana pa nila sa anak nila.

“At naisip din namin, yung mga tao, sila na ang puwedeng upahan na gagawa ng mga bangka, para makakapagsimula na rin sila.

“At kung ang ibibigay mo na talaga sa mga tao, yung puwede nilang pagkakitaan, gawing hanapbuhay nila…

“Mawawala rin ang mga patayan at gulo na nangyayari ngayon sa ilang lugar.”



INSPIRED. Nagtuwa rin daw si Marian dahil sa pagsalubong sa kanila ng mga tao sa pinuntahan nilang mga lugar.

“Nakakatuwa lang, kasi alam mo yung… kahit nasa bundok na talaga yung lugar, kilala ka pa rin nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakaka-touch, kasi may ginawa pa silang banner noon din na nakalagay, ‘We love you, Marian…’

“Sila pa na galing lang sa napakatinding trahedya, di ba? Pero naisip pa nila ako, naisip pa nilang gawin yun.

“Naka-smile sila, ‘thank you’ sila nang ‘thank you.’

"Hindi sila nagsasawang mag-‘thank you’ na nakapunta kami, na napuntahan namin sila.

“Ito nga yung sinasabi ko na binagyo na, pero makikita mo pa rin ang kakaibang spirit nila—iba talaga.

“At masasabi ko na mas lalo akong na-inspire.

“Imagine mo, sa naranasan nila, nakikita mong lumalaban sila.

“Inspirasyon talaga, na tayo, heto tayo, okey tayo—tayo naman ang tumulong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN