Lemuel Pelayo reveals advantages of being co-managed by Mercator and Star Magic

Lemuel Pelayo on Brapanese talents of Mercator: “Tsaka nakita ninyo naman ang mga hitsura nila, as in talagang parang sila lang ang mga anak ng Diyos. Binibiro ko nga sila, ‘Bakit ganyan ang genes ninyong mga Brazilian?’”


Naging modelo muna si Lemuel Pelayo bago sumabak sa mundo ng showbiz.

Ang isa sa mga una niyang exposure ay noong rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash noong 2007.

Nasundan ito ng acting roles, tulad sa afternoon soap ng ABS-CBN na Pintada, Daisy Siete ng GMA, at ang pinakahuli ay ang Kahit Puso’y Masugatan ng ABS-CBN noong 2012.

Ngayon ay kasama naman si Lemuel, bilang bagong dagdag na karakter, sa early primetime drama series ng ABS-CBN na Annaliza.

Co-managed ngayon si Lemuel ng Mercator Artist & Model Management ni Jonas Gaffud at Star Magic ng ABS-CBN.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lemuel, kinumusta namin ang pagma-manage sa kanya ng dalawang talent agencies.

Saad niya, “Okay naman. Kasi actually, matagal ko na ring gustong mag-Star Magic.

“And parang yung nag-Star Magic ako, marami ring mga opportunities na ibinigay.

“So, parang ngayon, maraming pinapapuntahan sa akin na mga events o mga activities na sobrang helpful din.

“Katulad noong nasali ako doon sa Star Magic na basketball game, which is nakakasama mo yung mga respetado at malalaking artista—yung mga sikat na artista.”

Walang bang kaso kay Lemuel kung ipina-co-manage siya ni Jonas sa Star Magic?

Sagot niya, “Opo, kasi gusto ko parang bagong sistema din.

"At the same time, malaman mo din kung ano yung mga options mo.

“Bukod sa Annaliza, iyon lang, medyo naghihintay lang ako ng mga next opportunities.

“Siguro, hopefully next year, baka by January, sana medyo maganda yung simula.

“So yung momentum mo, nandoon, sana dire-diretso.”

DIVIDED ATTENTION. Bukod kay Lemuel, talents din ng Mercator ang mga artistang sina Benjamin Alves, Winwyn Marquez, Ervic Vijandre, at JC Tiuseco.

Sa hanay naman ng beauty queens, nariyang sina Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj, Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup, at Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon.

Nasa Mercator din si Miss Supranational 2013 Mutya Datul at Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang talent agency rin ni Jonas ang nag-train kay Miss World 2013 Megan Young.

Ano ang nararamdaman ni Lemuel na hati ang atensiyon ng Mercator sa kanilang mga artista at sa mga beauty queen?

Saad niya, “Lagi ko namang sinasabi kay Mama Jonas, ako, kahit sino ang pumasok sa Mercator, pag nandoon ka at isang pamilya kayo, you should be happy.

“Ako, happy ako, mga kaibigan ko silang lahat.

"Pero siyempre minsan, may mga gusto ka rin sa buhay.

“Ako, hindi ko naman gusto na sumikat, gusto ko lang na maging visible.

“I mean, kahit papaano na nandiyan ako lagi, na umaakting ako, kasi iyon ang gusto ko.

“Talagang mahal ko ang ginagawa ko.”


BRAPANESE TALENTS. Kasama rin ni Lemuel sa Mercator ang mga Brazilian/Japanese model-actors na sina Daniel Matsunaga, Hideo Muraoka, at Fabio Ide.

Ano sa tingin niya ang advantage o lamang niya sa mga ito?

Sagot niya, “Siguro, lamang ko lang yung alam ko kung ano yung gusto ng Pinoy na nanonood.

“Kunyari, bibigyan ka ng isang role, although alam ko, sila ginagawa nila talaga lahat ng pupuwede nilang gawin.

“At saka ang tagal na nila dito sa Pilipinas, tsaka mga kaibigan ko talaga sila.

“Tsaka nakita ninyo naman ang mga hitsura nila, as in talagang parang sila lang ang mga anak ng Diyos!” at natawa si Lemuel.

“Binibiro ko nga sila, ‘Bakit ganyan ang genes ninyong mga Brazilian?’

“Pero sila rin naman ang nagsasabi na hindi naman lahat sa Brazil ganyan.

“Tsaka humble sila, sinasabi nila, ‘Hindi... doon sa amin, ganito lang, ganito din, yung mga nakikita mo, mga simpleng tao din.’

“Nagkakataon lang na dito, yung market, pasok yung hitsura nila.”

So, ano nga ang lamang niya?

Pagmamalaki ni Lemuel, “Siguro yung acting.”

At ang pagsasalita rin daw ng diretsong Tagalog.

“Pero nakakatuwa, kasi pag kinakausap mo sila, Tagalog na rin silang makipag-usap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAME OR AWARD. Ano naman ang mas gusto ni Lemuel—ang sumikat o magkaroon ng acting award?

“For me kasi, sa showbiz, hindi naman pasikatan—patagalan.”

Kaya acting award daw ang mas gusto niya.

“Oo naman, kasi mare-recognize ka ng tao hindi dahil lang sa may hitsura ka, ganito, ganyan...

“Kundi dahil naa-appreciate nila yung acting mo.

“Kunyari, eksena mo ito, ‘Ay, okay siya dito!’

“Yung ganoon, hindi yung pare-parehas lang sila ng hitsura ni ganito, tsaka ng acting.

"So, for me, ganoon lang naman.”


DARING. Lumabas si Lemuel sa gay-themed indie film na Tinik, kung saan nagkaroon sila ng sex scene ni Ricardo Cepeda.

Alam ba niya na may ganoong eksena noong tinanggap niya ang proyekto?

Aniya, “Nagulat lang ako, may mga scenes sila na idinagdag, may mga scenes sila na hindi ako aware na puwedeng gawin.

“Which is most of the scenes naman, very very helpful.

“Makikita mo yung talagang God-given talent ni Direk Romy Suzara na sine-share lang niya sa ibang actors.”

Nasa script naman daw talaga ang love scene.

Kumpirma ni Lemuel, “Hindi dagdag yun.”

Sa Tinik, kahit may love scene siya ay wala siyang ipinakitang private part.

Aabot kaya siya sa puntong maghuhubad nang todo sa isang pelikula?

Tugon niya, “For me kasi po, okay na ako doon sa ganoon lang.

“Depende po siguro, pero for now, mas gusto ko po talagang mag-concentrate sa acting, sa TV.

“Why not, kung talagang maganda yung project?

"Pero for now po talaga, hindi ko po siya talaga iniisip, e.

“Masaya na po ako na na-experience ko yung ganoon, na may movie na ganoon.”

So, hindi niya kaya ang butt exposure?

“Siguro kapag may puwet na ako!” at tumawa si Lemuel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN