Annabelle Rama questions why GMA Network covered arraignment of Richard Gutierrez’s homicide case

While initially expressing irritation and implying that the GMA News team had an agenda in covering the arraignment of her son Richard Gutierrez, talent manager Annabelle Rama held her temper in check and went on to thank GMA’s executives for having given good projects to her son.

The arraignment of Richard earlier this week was for the homicide case brought up against him by Lorayne Pardo, widow of Nomar Pardo, who was killed in the 2009 car crash where Rich


Dismayado si Annabelle Rama sa pagpapadala ng news team ng GMA Network sa arraignment ng kaso ng anak niyang si Richard Gutierrez noong Huwebes, November 28, sa Silang, Cavite.

Ang kaso ay kaugnay ng pagkasawi ng personal assistant ni Richard na si Nomar Pardo nung 2009.

"Not guilty" ang plea na inihain umano ni Richard, ayon sa abogado niyang si Atty. Marie Glen Abraham, matapos ang closed-door hearing ng kaso sa Cavite court.

READ: Richard Gutierrez pleads “not guilty” to Reckless Imprudence Resulting in Homicide case against him

Bukod sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), dumating rin sa nasabing arraignment ang news teams ng GMA. Kabilang dito ang crew ng weekend talk show ng network, ang StarTalk.

READ: Richard Gutierrez snubs media, but not greeting from prison inmate

Base sa mga huling post ni Annabelle sa kanyang Twitter account (@annabellerama2), ipinagtataka raw niya ang pagko-cover ng GMA sa arraignment ng dating Kapuso actor.

Sabi ni Annabelle sa sunud-sunod niyang posts:

“2) Nagtataka lang ako sa layo ng Cavite, isang network lang ang nagpadala ng mga TV crew para i-cover ang hearing...

“3) News and talk shows ng isang network kung saan dating nakakontrata si Chard for 11years...

“4) Gusto nyong sirain ang isang talent na hindi nag- renew ng contract??? There must be a good reason kung bakit ang isang talent ayaw...

“5) Nang magpatali ng another 3yrs. Siguro kung isa-isahin ko ang reasons, baka maintindihan nila si Chard. Masyado lang personal...

"6.) Isang tao lang nakikialam na hindi dapat. As a mother/manager of Chard, nagpasalamat ako sa GMA Network especially to Atty. Felipe Gozon."

Hindi na nilinaw ni Annabelle ang tinutukoy niyang tao na "nakikialam na hindi dapat."

Ngunit alam sa industriya na ang naiwang kabanggaan sa GMA ni Annabelle ay si Atty. Annette Gozon-Abrogar, presidente ng GMA Films at anak ni Atty. Felipe Gozon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At hindi tulad nang dati, mas mahinahon si Annabelle sa pagtu-tweet sa pagkakataong ito.

Sa halip na magpatuloy ng galit, binudburan ng ina at talent manager ni Richard ng pagpapasalamat ang mga sumunod niyang posts sa Twitter.

Matapos niyang pasalamatan si Atty. Felipe Gozon, na chairman at chief executive officer ng GMA Network, pinasalamatan naman niya si Jimmy Duavit, ang network president at chief operation officer.

“7) And Jimmy Duavit sa pagtitiwala nyo kay Chard at sa lahat ng magagandang shows na ipinagkatiwala nyo noon kay Chard. Salamat talaga!

“8) Hindi naman kayo binigo ni Chard, very hard working at pinaghirapan din naman niya lahat ang mga yan para maging number 1

“9) Sa GMA News and Public Affairs thank you sooo much sa mga magagandang reality/environmental/travel shows na ipinagkatiwala nyo kay Chard

“10) Wala kayong narinig na reklamo maski kinagat na siya ng ahas at kung anu-anong insekto. Mahal ni Chard lahat ng shows na ginawa nya sa

“11) GMA Network, kaya salamat talaga sa inyong lahat...”

Bukod sa GMA, nagpasalamat din si Annabelle sa PMPC Star Awards for TV sa pagpaparangal sa kanyang anak na si Richard bilang Best Travel Show host para sa dati niyang show sa GMA, ang Pinoy Adventures.

At sa iba pang tweets ng @annabellerama2, sinasabing malaki ang pasasalamat ni Annabelle:

"to all Chard’s followers here and abroad, a million thanks sa walang sawang pag supportt nyo, dahil sa inyo naging no.1 lahat halos ng primetime shows niya kaya siya binigyan ng title ng GMA network as primetime king na ipapasa ko ngayon sa aking idol, si Mike Enriquez. Siya ang bagong primetime king dahil sa taas ng ratings ng 24 Oras."

Si Richard ay naging eksklusibong talent ng GMA sa loob ng 11 na taon.

Nang matapos ang kontrata ni Richard sa GMA ngayong 2013, hindi ni-renew ng network ang kontrata ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sinabi ni Richard na nagpasya siyang magbakasyon muna.

Sa ngayon, hindi nakatali si Richard sa anumang TV network.

Subalit may ginagawang pelikula si Richard sa ilalim ng GMA Films, na kasama sa dati niyang pinirmahang kontrata.

Habang nasa bakasyon, magiging bahagi si Richard ng family reality show ng mga Gutierrez, ang It Takes Guts To Be A Gutierrez, na ipalalabas sa susunod na taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN