Aiza Seguerra crowns Eat Bulaga! successor Ryzza Mae Dizon with joy and pride

Aiza Seguerra enumerates the traits she and child star Ryzza Mae Dizon have in common: Their names rhyme, Aiza and Ryzza. Each is too small for her age. Both are motormouths.

"Ako kasi noon, kung ano ang naririnig ko, nasasabi ko kahit kanino. Wala ring preno ang bibig ko noon!” Aiza cracked.


Natutuwa si Aiza Seguerra dahil nakahanap ang Eat Bulaga! ng bagong child star sa katauhan ni Ryzza Mae Dizon.

Matatandaang si Aiza ang kauna-unahang child star na sumikat sa weekday noontime show noong late ’80s.

Tatlong taong gulang lamang siya noong sumali sa segment na "Little Miss Philippines."

Bagamat hindi siya nanalo ay nadiskubre ng mga Eat Bulaga! hosts ang kanyang angking talento bukod sa pagiging bibo nito.

Nabigyan siya ng kanyang sariling segment, ang "Aiza’s Little Corner," at tuluyan nang naging mainstay ng show mula 1987 hanggang 1997.

Sa kanyang career bilang child star, nakasama si Aiza sa mahigit 30 pelikula at TV shows, kabilang na ang Okey Ka Fairy Ko! kung saan gumanap siya bilang anak ng bidang si Vic Sotto.

Bukod sa Okay Ka, Fairy Ko! movie series, nagbida rin riya sa mga pelikulang Wake Up Little Susie, Petrang Kabayo at Ang Pilyang Kuting, Me & Ninja Liit, Good Morning Titser, Aso’t Pusa, I Have 3 Eggs, at Super Inday and The Golden Bibe.

Sa kanyang pagkadalaga, tuluyang pinursigi ni Aiza ang kanyang hilig sa paggitara, pag-awit at paglikha ng kanyang mga orihinal na awitin.

Umusbong ang kanyang career bilang mang-aawit noong 2001, nang sumikat ang kanyang awiting “Pagdating ng Panahon.”

Tuluyan nang tinanggap ng publiko si Aiza bilang isang magaling at lehitimong OPM recording artist at performer.

Nagpakatotoo si Aiza noong 2007 nang aminin niya ang kanyang pagiging isang lesbian.

Matagal-tagal din bago nadiskubre si Ryzza Mae Dizon bilang "most likely successor" ni Aiza at tuluyan nitong upuan ang nabakanteng trono ni Aiza bilang "reigning child star" ng Eat Bulaga!

Gaya ni Aiza, nagsimula rin si Ryzza Mae bilang contestant sa "Little Miss Philippines," kung saan siya hinirang bilang grand winner noong 2012, hanggang sa tuluyan na siyang naging regular co-host ng show.

Dahil sa kanyang kasikatan, ginawan siya ng sarili niyang show, ang The Ryzza Mae Show, kung saan ipinamamalas niya ang kanyang kakayahan bilang isang nakakatuwa at bibung-bibong child host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SIMILARITIES. Aminado naman si Aiza na marami silang similarities ni Ryzza noong kaedad niya ito noon.

Sabi ni Aiza, “I’m very happy that Eat Bulaga! has finally found an extraordinary talent in Ryzza Mae Dizon.

“Marami akong nakikitang similarities namin ni Ryzza.

“Unang-una, magkatunog ang pangalan namin—Aiza at Ryzza. Parang sinadya ng panahon, di ba?

“Tapos pareho kaming maliit para sa edad namin. Kita niyo naman, maliit pa rin ako!” sabay tawa ni Aiza.

“Tapos pareho kaming madaldal.

"Ako kasi noon, kung ano ang naririnig ko, nasasabi ko kahit kanino.

“Wala ring preno ang bibig ko noon. Kasi nga bata, akala ko na okey lang yun.

"Tuloy, sinasabi nila na para akong matandang magsalita.

“Gano’n din si Ryzza. Makikita mo na very innocent siya sa maraming bagay, pero palatanong siya.

“Tinatanong niya kung ano ba iyong narinig niya. Tama ba iyon o mali? Marunong siyang i-differentiate iyon, e.

“Kaya hindi mo siya malilinlang. Marunong ang batang ito kaya naman marami siyang nalalaman agad.

“Tulad ko noon, absorb lang ako nang absorb ng kung anu-ano tapos aalamin ko kung okey ba iyon or hindi sabihin sa TV o sa ibang tao.”

Kaya natuwa nga raw si Aiza na nagkasama sila ni Ryzza sa Metro Manila Film Festival 2013 entry na My Little Bossings, kunsaan kasama nila sina Vic Sotto, Kris Aquino, at Bimby Aquino Yap.

“Very thankful nga ako kay Bossing Vic at kay Ms. Kris kasi gusto nila akong isama sa movie na ito.

“Sino nga naman ako para humindi, di ba?

"Tsaka basta pelikula ni Bossing, parang wala akong karapatang tumanggi!” tawa pa niya ulit.

SECRET” PROJECT WITH KRIS. Maganda ang naging pagkakaibigan nina Aiza at Kris Aquino.

May pagsasamahan silang isang project pero confidential pa raw ito.

“Isang malaking project ito, pero siyempre, secret muna.

“Si Ms. Kris ang nag-approach sa akin with this project at nagustuhan ko naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Abangan na lang nila ito next year.

"For sure na magugustuhan din ng marami itong secret project namin ni Ms. Kris,” sabi pa ni Aiza.

LOVELIFE. Masaya ang Pasko ni Aiza dahil bukod sa maganda pa rin ang takbo ng kanyang career, maganda rin ang development ng kanyang lovelife.

Open naman si Aiza sa kanyang relasyon sa former beauty queen at indie actress na si Liza Diño.

Iba nga raw ang kasayahan na nararamdaman ngayon ni Aiza at dasal niya na pangmatagalan na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN