Keanna Reeves refuses to reveal real age to her 19-year-old boyfriend

Keanna Reeves on 19-year-old boyfriend Kevin Mercado: “Ako daw yung nagpapatawa sa kanya nang sobra. ’Baka naman clown lang ang hanap mo, hindi girlfriend!’ Sabi niya, ’Tinatanong ko ang sarili ko bakit ako masaya pag ikaw ang kasama ko.’ Iba yung naramdaman ko... hanggang nagiging seryoso na kami."


Marami ang naaliw sa exclusive interview nina Joey de Leon at Lolit Solis kay Keanna Reeves at sa 19-year-old boyfriend nitong si Kevin Mercado, sa Startalk, noong Sabado, November 30.

Sa hiwalay na panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inilahad ni Keanna kung paano sila nagkakilala ni Kevin at kung paano ito natuloy sa masayang relasyon.

Kuwento ng sexy comedienne sa PEP, “May party, tapos bisita din siya… then na-sight ko siya sa malayo.

"’Sino ‘yang pogi na ’yan?’ Ayun, takot pa siya sa akin."

Hindi raw alam ni Kevin na artista si Keanna.

Nalaman lang daw niya ito sa mama niya, na nagsabing sikat na artista ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Edition winner.

Kuwento ni Kevin, “Tinanong ko lang po sa mama ko pag-uwi ko po ng Pampanga kung sino si Keanna. Sikat daw po siya."

Nagandahan naman daw siya sa aktres nang nagkakilala sila sa isang party.

“Parang cute naman kasi ang mukha kasi naiilawan siya sa dilim. Pero sabi ko, ’Babae ba ito?’” kuwento ng 19-year-old boyfriend ni Keanna.

Si Keanna na raw ang gumawa ng paraan para magkakilala sila, at hindi na siya niligawan ni Kevin.

“Siyempre, hustler na ang lola mo sa ganyan ’no!” natatawang pag-amin ni Keanna.

Hanggang sa ngayon ay hindi alam ni Kevin kung ilang taon ang agwat nila dahil ayaw raw talagang sabihin ni Keanna.

Natatawang sabi naman ni Keanna, “Itinatago ko talaga ang ID ko. Gusto talaga niyang malaman.

"Sa akin naman, kailangan mo pa bang sabihin yun?

“Parang understood na siya, na kahit gaano man kalayo!”

EIGHT MONTHS. Walong buwan na raw ang kanilang relasyon.

Naging seryoso na raw ito dahil naramdaman daw ni Kevin na mahal na mahal na niya si Keanna.

Kuwento naman ng komedyana, “Ako daw yung nagpapatawa sa kanya nang sobra.

"’Baka naman clown lang ang hanap mo, hindi girlfriend!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ’Tinatanong ko ang sarili ko bakit ako masaya pag ikaw ang kasama ko.’

"Iba yung naramdaman ko... hanggang nagiging seryoso na kami.”

Nung una ay interesado raw si Kevin na pasukin ang pag-aartista, pero lagi raw siyang sinasabihan ni Keanna na huwag siyang umasa sa showbiz.

Paliwanag ni Keanna, “Ang hirap kasi pag showbiz, e.

"Kaya ayoko nagsu-showbiz na boyfriend, kasi mahirap.

"Sabi ko, mag-aral na lang, then mag-work.

“Kung may chance… huwag lang karerin.

"Hindi mo naman malaman kung success ka kasi depende ‘yan kung may talent ka.

"Kung artista ka na guwapo ka lang, tatayo ka lang dun, hindi ka naman papanoorin ng mga tao.

“Saka kaming mga artista, naghahanap din nga ng ibang pinagkakakitaan.

"Kasi siksikan nga kami sa showbiz. Ang ibang mga artista ngayon, wala na ring trabaho.”

Tanggap ni Keanna na hindi na niya panahon ngayon kaya raw pinasok nito ang construction business.

Pati raw hauling service ay pinasok na rin niya, kung saan siya ang nakikipag-usap sa mga posibleng kliyente para makuha ang isang proyekto.

Kuwento niya, “Yung mga engineers na kausap ko, sobrang na-amaze sila sa akin na tinatrabaho ko ang trabaho ng lalaki.

"Malayo raw sa personality ko."

TEACHING KEVIN. Kinumbinsi raw ni Keanna si Kevin na tapusin ang pag-aaral.

Tinuturuan na rin daw ni Keanna si Kevin sa negosyong pinasok ng una dahil naniniwala siyang mas malaki ang kikitain rito ng huli kesa sa pag-aartista.

Natatawang kuwento ni Keanna, “Nung una, naggi-games lang.

"Sabi ko nga, ‘Ano ka ba, para naman akong nagsama ng bata dito na naggi-games lang. Gusto mo spaghetti?’

“Sabi ko sa kanya, ’Sana ipakita mo naman sa mga businessman na interesado, seryoso tayo.’

“Hanggang lately lang, napasok na daw sa isip niya na maganda pala ang business na ‘to.

"Kasi milyun-milyon na ang usapan, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto raw ni Keanna na mayroon siyang maitulong para sa kinabukasan ni Kevin.

At kung sakaling magkahiwalay man sila ay mayroon daw siyang naibigay na ikinabuti ng buhay nito.

Lagi daw niyang sinasabi kay Kevin: “Whatever happens, kung maghiwalay tayo, wala akong negative na maririnig sa inyo."

Sabi pa ni Keanna, “Sa nanay niya, sa kapatid niya, wala akong negang maririnig. Gusto ko, positive lang."

Pero ramdam naman daw ni Keanna na mahal siya ni Kevin, dahil lagi raw sinasabi nito sa kanya na gusto niyang sabay na silang tumanda.

Pagpapatotoo ni Kevin, “Kung sakaling mabigyan ako ng opportunity, hindi ko na lang sinasabi sa kanya…gusto ko pa rin siyang tulungan.”

Kaya sabi ni Keanna kay Kevin: “Sana, Babe, kung ikaw ang ipinakilala ni Lord para sa akin, kung hindi maganda ang impression mo sa akin noon, sana ma-realize mo na tao rin ako na kailangan din ng pagmamahal.

"At sana ikaw na yun.

"Kahit masyadong malaki yung agwat [ng edad natin], kahit hindi na kita marinig at hindi ko na maabot yung sahig, sana huwag mo ‘kong iwan.”

Sagot naman ni Kevin: “Huwag kang mag-alala, Babe.

"Noon pa man, tinanggap na kita, seryoso ako.

"Yung sinasabi mong pangarap mo, tutuparin ko ‘yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN