Kathryn Bernardo and Daniel Padilla headline cast of suspense-horror movie Pagpag

Aminado si Kathryn Bernardo na kinakabahan siya sa pakikipagsalpukan ng pelikula ni Daniel Padilla, ang Pagpag: Siyam Na Buhay, sa iba pang entries sa Metro Manila Film Festival 2013. Sabi niya, “Siyempre, nakakakaba… sobra! Pero basta… masaya na lang kami sa pelikula and bahala na… pero nakakakaba."


Kahit paano ay nakakahinga na nang maluwag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil natapos na ang shooting ng kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 entry na Pagpag: Siyam na Buhay, co-produced ng Star Cinema at Regal Films.

Aminado ang Kapamilya loveteam na naging hectic ang schedule nila dahil habang nagsu-shooting para sa pelikula ay nagte-taping din sila para sa kanilang primetime series sa ABS-CBN, ang Got To Believe.

Kuwento ni Daniel tungkol sa kanilang pelikula, “Masaya din kasi, unang-una, natapos namin yung movie na maganda.

"At excited na kaming ipalabas dahil pinagpaguran naming lahat ‘yon.”

Ang MMFF ay magsisimula sa December 25, 2013, araw ng Pasko.

Sabi naman ni Kathryn, maraming eksena sa kanilang horror movie ang ipinagmamalaki niya.

“Actually, more of mga nakakagulat.

“Siguro para siyang may pagka-Final Destination,” pagtukoy sa Hollywood horror movie franchise na umabot na ng five parts.

“Ganyan yung atake namin. Hindi lang horror na may multo. Basta, iba siya… marami.

“Tapos may love story din, may comedy din, kaya para siyang all in one.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Kathryn at Daniel sa grand launch ng Pagpag noong December 1, Linggo, sa Enchanted Kingdom, sa Sta. Rosa, Laguna.


NOT COMPLACENT. Gayunpaman, hindi pa rin sila maaaring magpaka-kampante dahil bigatin ang kanilang mga makakalaban sa nalalapit na filmfest.

Ang iba pang entries ay ang mga sumusunod:

My Little Bossings nina Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon, at Bimby Yap;


Girl Boy Bakla Tomboy ni Vice Ganda;


Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ni Eugene Domingo;


10,000 Hours ni Robin Padilla;


Boy Golden nina Laguna Governor ER Ejercito at KC Concepcion;

Pedro Calungsod: Batang Martir ni Rocco Nacino;

at Kaleidescope World nina Sef Cadayona at Yassi Pressman.

Pag-amin ni Kathryn, “Siyempre, nakakakaba… sobra!

“Pero basta… masaya na lang kami sa pelikula and bahala na… pero nakakakaba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging matipid naman ang sagot ng young actress nang matanong siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Daniel.

Sabi niya, “Okay naman, trabaho nang trabaho kasi Pagpag at Got To Believe.

"Kakatapos lang ng Pagpag kaya medyo maluwag."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN