Dingdong Dantes and Yes Pinoy Foundation to build classrooms in Estancia, Iloilo

Isa si Dingdong Dantes sa nalungkot sa pagkamatay ng Hollywood actor na si Paul Walker. Sabi ng Kapuso actor, "Isipin mo, thousands of miles away, there’s someone who really cares for us, and who actually died because of being involved in a cause because of us. Isipin na lang, if people na hindi natin kalahi, they can do it for us. I mean, what more na nandito tayo?"


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes sa pre-Christmas party ng PPL Entertainment Inc.—ang talent management company na kinabibilangan ng aktor—para sa entertainment press, na ginanap sa Primera Casa Filipino, sa Sct. Torillo, Quezon City, kagabi, December 2.

Kumpara noong mga nakaraang taon, isang simpleng dinner lamang ang inihanda ng PPL, na pinamumunuan ni Perry Lansigan, para sa mga taga-press ngayong taon.

Nagdesisyon ang PPL na ang malaking bahagi ng dapat sana’y pa-raffle at papremyo sa press ay idagdag na lamang sa pagpapagawa ng isang classroom sa isang paaralan sa Estancia, Iloilo.

Ang Estancia ang isa sa mga bayan sa Visayas na napinsala nang husto dahil sa bagyong Yolanda.

Ayon kay Dingdong, sa kabila ng mga kalamidad na nangyari sa bansa ngayong taon ay kailangan pa ring ipagdiwang ang Kapaskuhan, na sinasabing kapanganakan ni Hesukristo.

“This is a yearly thing for PPL.

"At sa dami po ng mga nangyari ngayong taon, we also have to celebrate Christmas after everything at magbigay ng pasasalamat sa isa’t isa.”

Ngunit "low key" lamang daw ang ginawa nilang selebrasyon ngayong taon.

“Very, very low key.

"And in fact, kahit sabihin nating low key, yung aming boss, si PPL, si Perry, meron siyang ginawa na makabuluhang proyekto na kaugnay na rin ng pagtitipon na ito.

"At ito nga yung pagpapagawa ng classroom para sa isang paaralan na lubhang nasalanta ng bagyo.

“Naging symbolic siya because it’s Christmas at nagkasama-sama ang people of the press at PPL para sa isang makabuluhang gawain.”

Nakikita nga raw ang pagtutulungan sa bawat Filipino, lalo na sa panahon ng krisis o kalamidad.

“On normal days nga, normal years, yung pagka-Filipino, lumalabas kapag Pasko na nagiging generous tayo.

"Siguro, mas lalo na ngayon nagiging evident dahil alam nating may nangangailangan.

“So, in our own small ways, may mga iniaabot tayo, may ibinibigay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RELIEF OPERATION. Noong Huwebes, November 28, ay personal na namahagi ng relief goods si Dingdong sa Estancia, Iloilo.

Ito ay kaugnay ng Oplan: Bethlehem ng Yes Pinoy Foundation, na pinamumunuan ni Dingdong.

Nakasama niya rito ang PPL staff at ang mga kapatid niya sa talent management na sina Max Collins at Rochelle Pangilinan.

Kumusta ang naging karanasan niya rito?

Sagot ni Dingdong, “It was very smooth. Kumbaga, walang naging aberya.

"Yun nga, ipinagdarasal namin na walang problema

"So, wala namang naging problema, nabigay namin nang tama.”

Ayon pa kay Dingdong, ang Estancia ang isa sa labis na napinsala nang manalasa ang bagyong Yolanda.

“Devastated talaga,” sambit niya.

“Kumbaga, hindi man ito yung center na nakikita natin sa TV na badly hit, pero sa nakita ko, it was also badly hit.

"I mean, maaaring hindi lang natin palaging nakikita sa media, sa TV, pero mas lalung-lalo na ang area na napuntahan namin, because of the oil spill, we had to evacuate everyone.”

Pang-isang linggo raw na supply ng pagkain ang ipinamahagi nila sa bawat pamilya.

“Yung ibinigay namin is good for family of five, for a week, so marami rin siya,” sabi ng Kapuso actor.



CLASSROOMS IN ESTANCIA. Bukod sa pamamahagi ng relief goods, nangako rin si Dingdong na magpapatayo ang Yes Pinoy Foundation ng apat na classrooms at isang gymnasium sa Estancia.

Pahayag ng aktor, “Because of the donations na nakuha namin magmula nang mag-launch kami, we received a significant amount na puwedeng magtayo ng mga classrooms talaga sa area.

"Kung mapapansin niyo, yung mga classrooms sa area, wiped out talaga sila.

“Noong pumunta kami dun, nagkaklase sila dahil nag-start ang klase nila noong November 25.

"Kahit walang bubong, nandoon sila.

“I think they really deserve to have their classrooms back.”

Depende sa makukuha nilang donasyon, posibleng madagdagan pa ang mga classroom na ipapagawa nila sa Estancia at gayundin sa ibang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dingdong, nakikipagtulungan din sila sa Department of Education.

Pupuntahan din ba nila ang iba pang lugar sa Visayas?

“Maaari,” mabilis na sagot ni Dingdong.

“Marami pa kaming relief goods, pero siyempre, sa tulong ng mga kaibigan, sa tulong ng lahat, we are targetting to go back.

"Pero siyempre, it’s better not to go on announcement.

"Itong mga bagay naman na ‘to ay comes from the heart and no need for any funfare, di ba?”

Alam din daw ni Dingdong na matagal na proseso ang rehabilitation sa mga nasalantang lugar.

“You know what, relief can only last for so long.

"The task maybe is on how to rebuild life, rebuild structure, rebuild homes, rebuild everything.

“So, hindi rin naman siguro makakaya ng sinumang naatasan to do everything instantly and rapidly.

"Malaking bagay ang pakikipagtulungan ng kung sinu-sino.

"Like I’ve said, no matter how small, kahit ano pa ‘yan, ang importante, naka-contribute ka because in times like this, everyone is very important, very vital in helping.”

PAUL WALKER’S DEATH. Samantala, isa si Dingdong sa mga nalungkot sa pagkamatay ng Hollywood actor na si Paul Walker.

Lalo na’t nasa isang fundraising event para sa mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas ang Fast & Furious actor nang maganap ang car crash na ikinasawi nito.

Read: Fast & Furious actor Paul Walker killed in car crash in California

Pahayag ni Dingdong, “Nakakalungkot na... isipin mo, thousands of miles away, there’s someone who really cares for us, and who actually died because of being involved in a cause because of us.

“Isipin na lang, if people na hindi natin kalahi, they can do it for us. I mean, what more na nandito tayo?"



PRIMETIME KING. Ipinagkikibit-balikat naman ni Dingdong ang pahayag ng talent manager na si Annabelle Rama na ipinapasa niya ang titulong "Primetime King" sa newscaster ng GMA na si Mike Enriquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng mismong top executives ng Kapuso network ang nagbigay ng titulong "Primetime King" kay Dingdong nang mag-renew ng kontrata ang aktor sa network noong September.

Sa kanyang tweet noong November 29, sinabi ni Annabelle:

"to all Chard’s followers here and abroad, a million thanks sa walang sawang pag supportt nyo, dahil sa inyo naging no.1 lahat halos ng primetime shows niya kaya siya binigyan ng title ng GMA network as primetime king na ipapasa ko ngayon sa aking idol, si Mike Enriquez. Siya ang bagong primetime king dahil sa taas ng ratings ng 24 Oras."

Bahagi lamang ito ng sunud-sunod na tweets ni Annabelle kaugnay ng pagkuwestiyon niya sa pagpapadala ng GMA ng news team upang i-cover ang arraignment ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ni Richard.

Ito ay kaugnay ng pagkasawi ng personal assistant ni Richard na si Nomar Pardo nang mabangga ang sasakyang ng aktor noong 2009.

Dating premiere talent ng GMA si Richard ngunit ngayong taon ay hindi na nag-renew ng kontrata ang anak ni Annabelle.

Read: Annabelle Rama questions why GMA Network covered arraignment of Richard Gutierrez’s homicide case

Sabi ni Dingdong tungkol sa pahayag ni Annabelle, “Wala, wala naman... walang problema.”

Natawang dagdag pa niya, “Ngayon ko lang narinig yun, e!

“Natawa lang, natawa lang ako dun.”

Biro pa niya, “Puwede rin si Jiggy Manicad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN