Jake Cuenca denies pulling prank on Anne Curtis: "I’m a little bit too old to be pulling pranks."

“I’m a little bit to old to be pulling pranks on anyone and if you know me thats not my style. Get your facts straight guys,” Jake Cuenca posted on his Twitter account earlier today, December 3, in reaction to the rumor linking him to the slapping incident involving Anne Curtis, John Lloyd Cruz, and other personalities.


Isang araw matapos malathala rito sa Philippine Entertainment Portal ang balita tungkol sa pananampal ni Anne Curtis sa isang club, iba’t ibang espekulasyon na ang lumabas sa kung ano ang nag-udyok sa kilalang actress-TV host at top celebrity endorser upang gawin ito.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Bagamat inamin ni Anne ang kanyang pagkakamali, sa pamamagitan ng paglabas ng official statement sa kanyang Twitter account (@annecurtissmith), marami ang naging curious sa linyang ito ng aktres:

"When I was told of my behavior AND the person who started all of this, due to this persons inappropriate behavior, apologized to me too...

"Just as I did. Which I accepted too. I choose not to go into detail because I’m not the type to ruin someone else’s name…”

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."

Marami ngayon ang nagtatanong: Sino ang tinutukoy ni Anne na gumawa ng "inappropriate behavior"?


PRANK ON ANNE? Ayon sa kuwento sa PEP ni JR Isaac, editor at publisher ng Circuit Magazine, may iba pang mga artista at mga celebrity na nasa Privé Luxury Club noong mga madaling-araw ng Nobyembre 23, kung kailan naganap ang insidente.

Binanggit ni JR ang mga pangalan ng mga artistang sina John Lloyd Cruz, Phoemela Baranda, at Jake Cuenca; at mga kaibigan nilang sina Leah de Guzman, Czarina Sarte, at Nix Alañon. Kasama rin nila ang Privé co-owner na si JM Rodriguez.

Sina JR, Leah, at John Lloyd ang tatlong taong sinampal ni Anne, matapos lumabas ang aktres sa banyo ng VIP section ng club na galit na galit.

Si Phoemela naman ang pinagsabihan ng masasakit na salita ng It’s Showtime host.

Usap-usapan sa social media at sa umpukan ng media kahapon, December 2, na sina John Lloyd at Jake daw ang dahilan ng pagkagalit ni Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kuwento ni JR Isaac sa PEP, nagsimula ang gulo nang may narinig silang boses, sa bandang likuran nila, na sumisigaw ng “Who’s banging my door?”

Nang lumingon sila, doon nila nakita ang isang nangggalaiting Anne na galing sa toilet at papunta sa kanila.

Kasunod nito ang biglang pananampal at pagbibitaw ni Anne ng masasakit na salita sa grupo nina JR.

Mula sa kuwentong ito ay lumabas naman ang bali-balita, sa Internet, na ginawan daw kasi si Anne ng prank o masamang biro nina John Lloyd at Jake.

Ang dalawang aktor, ayon sa bali-balita, ang siyang kumakatok-katok sa pinto ng banyo habang nasa loob si Anne, na ikinagalit nang husto ng aktres.




JAKE SPEAKS UP. Mariin namang pinabulaanan ni Jake ang pagkakasangkot niya sa insidenteng ito.

Sunud-sunod ang naging post ng Maria Mercedes actor sa kanyang Twitter account (@ijakecuenca) kaninang tanghali, December 3, upang linisin ang kanyang pangalan sa isyu.

Nang hilingin ng isang follower niya ang detalye ng insidente, ito ang naging sagot ni Jake:

Isa namang follower ang nagtanong kay Jake kung totoong kasama siya na kumakatok sa pinto habang nasa loob ng toilet si Anne.

Sagot ni Jake:

Sa huli, ipinaliwanag ni Jake kung bakit tila defensive siya tungkol sa pagkakasangkot niya sa insidente.




ANNE APOLOGIZED TO JAKE. Pareho rin ang naging kuwento ni Jake sa kanyang personal manager na si Neil de Guia.

Nang makausap ni PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon si Neil kaninang umaga, sinabi nitong dalawang beses niyang tinawagan si Jake upang linawin kung ano ang nangyari noong mga madaling-araw ng November 23 sa Privé.

Saad ni Neil, ayon sa kuwento sa kanya ng aktor, “Wala si Jake sa VIP room nang mangyari ang insidente.

"Jake was downstairs, doon din sa Privé, talking to a friend.

"Noong umakyat siya, kasi tapos nang makipag-usap sa friend niya, patapos na yung commotion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi raw ni Jake, ‘What happened? What happened?’

“May sumagot daw sa kanya at sinabing, ‘Sinampal kami.’

"Tapos, nakita niya si John Lloyd tulala, si Leah tulala, silang lahat tulala.

“Ang sumunod na nangyari, inalalayan daw niya [Jake] ang kanyang mga kasamahan.

"Sinabi raw niya kay JL, ‘Let’s go down.’

“Nilayo niya si JL doon sa lugar ng pinangyarihan.

“Tapos, lumabas sila, nagpahangin, at saka lumipat ng lugar.

"Kung naiwan yung iba o ano pa, di na alam ni Jake."

Ayon pa rin kay Neil, ni hindi nakita ni Jake si Anne nang gabing iyon.

“Never raw niya nakita si Anne, kasi late na nga siyang dumating.

“Pati nga si JL daw, parang hindi pa nakaka-settle, hindi pa nga yata nakakainom.”

Ayon pa sa talent manager, na protege ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano, nag-tweet si Jake tungkol sa insidente dahil nainis na ito sa lumabas na bali-balita sa ibang websites.

Nakatanggap din daw si Jake ng text message mula kay Anne, kung saan humingi ng dispensa ang aktres.

“Nag-sorry daw si Anne. Nag-text ata sa kanya," sabi ni Neil.

“Pero ayaw na niyang [Jake] pag-usapan kasi wala naman daw dapat ipag-sorry sa kanya. Kasi wala namang nangyari sa kanya.”




ANNE TO DENY SLAPPING JOHN LLOYD? Samantala, nang lumabas ang mga haka-haka tungkol sa puno’t dulo ng galit ni Anne, umabot din sa PEP na tila may mga balak pang hakbang si Anne.

Una, patotohanan daw nito ang lumabas na kuwentong na-provoke siya ng isinagawang prank nina John Lloyd at Jake sa kanya.

Bukod dito, umabot din sa PEP na tila ide-deny ni Anne na sinampal niya si John Lloyd.

Sa totoo man at sa hindi, dahil dito ay tumawag muli kaninang tanghali si Jo-Ann Maglipon, na siyang unang nagsulat tungkol sa insidente, kay JR Isaac, na siyang unang nagkumpirma ng insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit ni Jo-Ann kay JR ang bagong napag-alaman ng PEP tungkol sa umano’y balak ni Anne, na magiging taliwas sa kuwento niyang lumabas dito sa PEP.

Ang unang reaksiyon ni JR, na may halong inis na sa boses: “Ang gulo ng mundong ‘yan. It’s not my world. I’m not showbiz!

"I don’t want to make a comment anymore! Humahaba pa.”

Balik-tanong ni Jo-Ann: “Are you taking back what you said to PEP?”

Sagot ni JR: “I’ve said my piece already, period."

Tinanong siya muli ni Jo-Ann, "So are you sticking to your statement? Or do you want to change anything you said to us?"

Huling sagot ni JR: "I’m not adding. I’m not changing anything.

“For me, I’ve already said my piece. No more interviews. No more! I’ve said my piece, period.”




SILENCE ALL AROUND. Sa ngayon, dahil kilalang ABS-CBN celebrities ang mga sangkot sa insidente—Anne Curtis, John Lloyd Cruz, at Jake Cuenca—kapansin-pansing tikom ang bibig ng mga taong malalapit sa kanila.

Habang inilabas ang kuwento ng ilang diyaryo at websites, kapansin-pansing limitado ang mga ulat ng ABS-CBN tungkol sa isyu.

Kahapon, December 2, inilabas ng website ng ABS-CBN News ang statement ng part-owner ng club na si JM Rodriguez, na ayaw na raw magkomento tungkol sa isyu.

Sinabi ni JM: "Privé is a club that respects the privacy of all the celebrities, models, VIPs that patronize our establishment. This is why we are called PRIVÈ. So this is the last we will comment on the matter. Because as mentioned the incident happened almost half a month ago and all parties have settled their issues privately."

Kahapon din, sa noontime show na It’s Showtime, nagpakita ng suporta ang mga kasamahan ni Anne sa programa, ngunit naging maingat sila sa pagbibigay ng karagdagang komento tungkol sa insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-alam din ng PEP na mabilis nang kumikilos ngayon ang ilang tao ng Viva Entertainment upang maayos ang gusot na kinasasangkutan ni Anne Curtis, isa sa prized talents ng kumpanya.

Kaugnay nito, kaninang hapon ay may inilabas na tweet ang Viva Entertainment upang ipakita ang kanilang pagsuporta kay Anne.

Nakasaad dito: "Don’t let a single mistake overpower all the good deeds that you’ve done. We love you, Anne."

Kalakip ng tweet na ito ang larawan ni Anne sa isang charity event nito.

Sa larawan ay kasama ng aktres ang director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na si Joel Villanueva, isang guro, at mga batang estudyante.

Base sa background na nakikita sa larawan, tila nasa loob ng isang silid-aralan sina Anne.

Sinabi ng abs-cbnnews.com na ang huling proyekto ni Anne kasama ang TESDA at ang Department of Education ay noong Agosto 2013, kung saan nakibahagi ang aktres sa pamimigay ng 500 school chairs sa San Antonio Elementary School, sa San Francisco Del Monte, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN