Marco Alcaraz on wife Lara Quigaman posing for FHM: “Basta disente yung concept... Kung maganda pagka-style, why not?”

Malaking bagay kay Marco Alcaraz na sunud-sunod ang kanyang mga projects. Sabi niya, “Iyon ang importante, may trabaho, tapos magandang role na... Alam mo yung support ka, pero hindi naman yung support na hindi tatakbo ang kuwento na wala ka, importante ka rin sa story.”


Ngayong may asawa’t anak na si Marco Alcaraz, bawal na ba siyang magpaseksi?

“Hindi naman bawal, pero wala namang offer na ganoon,” sagot ni Marco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Prinsesa Ng Buhay Ko noong December 2.

Patuloy niya, “Sa Cosmo [Bachelor Bash] naman, hindi na tayo bachelor, e.

“Siguro ngayon, mas maganda, hindi lang yung katawan, pero mas galingan mo yung trabaho mo, yung akting mo, ganoon.”

Willing pa rin naman daw si Marco na magpaseksi kung sakaling may magandang offer sa kanya.

“Siguro depende kung anong role.

"Siyempre yung anak ko, lumalaki na rin, so tingnan natin kung ano.”

Ang misis niyang sa Precious Lara Quigaman, papayag ba?

“Siya nga ang may gusto, e!” natawang sabi ni Marco.

Ang ibig sabihin ni Marco ay si Lara ang may gusto na gumanap in a sexy role, at papayagan naman daw ng aktor ang asawa.

Pero ang ayaw raw ni Lara ay ang mag-pose para sa FHM.

“Iyon, ayaw niya ng FHM.

"Ayaw niya, personal reasons kaya ayaw niyang mag-FHM.”

Pero kung si Marco ang tatanungin, papayagan daw niya ang misis na dating Miss International.

Kundisyon niya, “Basta disente yung concept.

“Kasi iba-iba naman yung konsepto, e.

"Kung maganda pagka-style, why not?”



FRIENDLY RELATIONS. Sa Prinsesa Ng Buhay Ko, kapareha ni Marco si Lian Paz, ang estranged wife ng kaibigan niyang si Paolo Contis.

Hindi ba ito naging awkward para kay Marco?

Sagot niya, “Siguro noong first few days medyo, yung tama lang, steady lang.

“So, dahan-dahan naman na nagkakilala kami at nakakapag-usap.”

Dati ay “hi, hello” lang daw sila ni Lian bago nagkasama sa trabaho, at hanggang ngayon naman ay magkaibigan sina Marco at Paolo.

Kuwento ni Marco, “Pag nagkikita naman... Before pa noong kay Isabel [Oli], dati friends kami bago naging sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos siyempre, noong naging sila, medyo hindi nagpapansinan.”

Bago nagkaroon ng relasyon sina Paolo at Isabel Oli ay nagkarelasyon naman sina Marco at Isabel.

Nagkaroon ba sila ng gap noon ni Paolo?

“Hindi naman gap, pero siyempre, parang iba lang.

"Kasi nga yung ex mo, girlfriend niya. So, hindi masyadong nagpapansinan.

"Pero noong nag-break sila, nagpansinan na ulit.”

Ayon kay Marco, magkaibigan pa rin sila ni Isabel, na karelasyon naman ngayon ni John Prats.

“I’m happy, I’ve heard na sobrang strong nila, sobrang enjoy.

“Nagkita nga kami recently, e, ni John at ni Isabel, nakita ko sila sa isang event.”


SUPPORTING ROLE. Nagpapasalamat naman si Marco kahit supporting role ang ginagampanan niya sa Prinsesa Ng Buhay Ko.

Aniya, “At salamat din at sunud-sunod ang projects natin with GMA, okey yung ratings ng Prinsesa Ng Buhay Ko.

“So, it’s a big blessing na rin.

“Ang importante ngayon, may trabaho tayo, nakakatulong tayo sa pang-support [ng pamilya].

“Iyon ang importante, may trabaho, tapos magandang role.

"Na alam mo yung support ka, pero hindi naman yung support na hindi tatakbo ang kuwento na wala ka, importante ka rin sa story.”


HOLIDAY PLANS. Nag-one year old ang anak nina Marco at Lara na si Noah Lamar noong November 10.

Kumusta ang magkaroon ng anak na isang taon na?

Sabi ni Marco, “Siyempre, mas inspired ka kumayod, mas inspired mag-work.

“Siyempre iba na yung may baby ka, nag-iiba yung pananaw mo sa buhay.

“Iyon, second Christmas na namin as a family kaya enjoy naman."

Sa London magse-celebrate ng Pasko at Bagong Taon sina Marco, Lara, at Noah.

Kuwento ng aktor, “Kasama namin yung sister ni Lara.

"Iyon ang maganda, kasi nga, may sister ako sa Emirates kaya may konting discount naman [yung airfare].

“Tapos yung sister ni Lara, may bahay doon sa London, kaya hindi na kami magho-hotel.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

December 24 ang lipad nina Marco patungong London at uuwi sila rito sa Pilipinas ng January 5 or 6.

“After ng New Year, punta kami ng Dubai ng ilang days bago kami bumalik dito,” banggit pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN