Princess Punzalan volunteers as nurse to help Yolanda survivors

After learning about the devastation caused by supertyphoon Yolanda, semi-retired actress Princess Punzalan volunteered her services as a nurse to the medical mission of Operation Blessing Foundation Philippines, the humanitarian arm of CBN Asia.


Panandaliang nagbalik ng bansa ang aktres na si Princess Punzalan upang tumulong sa mga nasalanta ng supertyphoon Yolanda.

Kasalukuyang nakabase si Princess sa California, kung saan nag-graduate siya ng kursong Nursing.

Kasama niyang naninirahan sa Amerika ang asawang si Jason Field.

Sa kabila ng tahimik na pamumuhay sa Amerika, hindi nag-atubili si Princess na mag-volunteer para sa mga kapwa niya Pilipino, nang malaman ang matinding pinsalang dulot ng bagyong Yolanda.

Sa artikulo ni Debbie Bataller ng CBN Asia, inilahad ni Princess ang umano’y “divine sign” na naramdaman niya matapos tumama ang bagyong Yolanda sa Pilipinas.

Bago nito, may nakita raw si Princess na meme na may Biblical verse mula sa website ng The 700 Club Asia.

Ginamit niya itong screensaver ng kanyang laptop.

Habang nagtse-check ng updates tungkol sa Pilipinas pagkatapos ng bagyo, automatic daw na nakikita niya ang meme na ginawa niyang screensaver at napapatitig siya sa logo ng nasabing Christian group.

Sabi ni Princess, “Parang may sinasabi si Lord sa akin tungkol doon. Laging nadi-direct ang mata ko sa logo ng The 700 Club Asia.”

Dahil dito, naisip ni Princess na makipag-ugnayan sa humanitarian arm ng CBN Asia, ang Operation Blessing Foundation Philippines, upang mag-volunteer bilang nurse sa gagawin nitong medical mission sa Tacloban, Leyte.

Dumating ang grupo nila sa bansa sa araw ng kanyang kaarawan, November 20.

Nagsilbing pagdiriwang ng kaarawan para kay Princess ang agad niyang pagtulong sa mga nangangailangan ng medical attention sa Tacloban, ang isa sa pinakamatinding nasalanta ng bagyong Yolanda.

Bagamat isang celebrity, walang special treatment para kay Princess.

Sabi sa artikulo, katulad ng ibang volunteers, “Her bed, just like the rest, was a hard wooden bench and while sleeping, mosquitoes buzzed and bit them.”

Samantala, aminado si Princess na may mga pagkakataong hindi niya napigilang maipakita ang kanyang emosyon sa mga nakita niya.

Madalas pa raw sinasabi ni Princess sa mga kasamang volunteer, “Naawa ako sa mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa anak ng yumaong radio-TV host na si Helen Vela, marami siyang natutunan sa tatlong araw niyang pamamalagi sa Tacloban bilang volunteer sa medical mission ng Operation Blessing Foundation Philippines.

Sabi niya, “Noong una, hindi ko alam kung ano ang purpose ni Lord kung bakit Niya ako dinala rito para tumulong sa Operation Blessing.

“Nung nandito na ako at nakita ko ang kalagayan ng mga tao, nakita ko kung gaano pa ako ka-blessed at gaano ako kamahal ni Lord.

“At itong blessings na ito ay dapat kong i-share sa mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN