Geoff Eigenmann finds working with Adarna co-star Kylie Padilla "weird"

Geoff Eigenmann on teaming up again with girlfriend Carla Abellana: “Kami naman, we’re open to each other naman. Siyempre, kung mahal mo ang kasama mo sa set, bakit naman hindi? We’ll see, hopefully… medyo matagal na rin naman ang huli.”


Aminado si Geoff Eigenmann na na-miss niya ang paggawa ng teleserye.

Pagkatapos kasi ng afternoon soap na Forever, kung saan nagtambal sila ni Heart Evangelista, ay pitong buwan nawala sa sirkulasyon si Geoff.

Ngayon ay nagbabalik siya sa pamamagitan ng primetime series na Adarna, kung saan gumaganap siya bilang leading man ni Kylie Padilla.

Kumusta ang pagbabalik ni Geoff sa teleserye?

Sagot ng 28-year-old actor, “Masaya, it’s good to be back.

“Masaya yung nagwo-work again. For a while, hinanap ko rin.

“So, masarap, masarap na nagte-taping ulit.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geoff sa PPL Entertainment Inc. office noong Biyernes, November 29.



TEAMING UP WITH KYLIE. Ang Adarna ang unang pagtatambal nina Geoff at Kylie.

Ngunit hindi sila dumaan sa kahit na anong workshop bago sila nag-taping.

Kumusta ang pagtatrabaho nila?

Sabi ni Geoff, “Well, yun nga, medyo weird lang talaga.

"Kasi sa gym, magkasama kami.

“Very rare na napag-usapan namin na magkakatrabaho kami, stuff like that.

“Then, eventually, nagsama kami rito sa Adarna.

“Tapos, may mga iyakan.”

Bakit “weird” ang pakiramdam niya?

Paliwanag ng aktor, “Siyempre, first time, first time namin to be paired with each other on screen, tapos ganoon kaagad.

“It’s a different thing kapag ma-experience mo yung mga ganoong bagay, especially iyakan, which is something people usually do on their own.

“First taping namin, iyakan na agad, so medyo ilang lang noong umpisa.

“Ngayon naman, medyo okay na. Naalis na yun, I suppose.”

Ngayon, wala na ang ilangan sa kanilang dalawa?

“I guess, meron pa rin kahit konti. Pero hindi na namin pinapansin yun,” sagot ni Geoff.

Nakakapagkuwentuhan naman daw sila ni Kylie kapag nasa set sila.

Ano ang madalas nilang pinag-uusapan?

“Kung may eksena kami, feeling ko, nakahatak ako sa kanya, sasabihin ko sa kanya. I’m open with things like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na nakatulong siya sa akin and things, like, kaya pa ba niya or nakatulog pa rin ba siya sa taping.

“Yung ganun.”

Sa totoong buhay ay may kanya-kanyang relasyon sina Geoff at Kylie.

Ang girlfriend ni Geoff ay si Carla Abellana, habang ang boyfriend naman ni Kylie ay si Aljur Abrenica.

Hindi ba nakakasagabal sa mga artista kapag alam nilang may karelasyon ang kapareha nila sa telebisyon o pelikula?

Sagot ni Geoff, “Well, I guess nagiging sagabal siya kung may nagre-react.

“Pero kung wala namang rason, yun…”

Okay sila ni Aljur?

“Never naming napag-usapan. Wala naman akong naririnig.

“I guess that’s a good thing,” sagot ni Geoff.



MARIAN RIVERA. Bago ang Adarna, may balitang isa raw si Geoff sa ikinukunsidera para maging leading man ni Marian Rivera sa bago nitong primetime series sa GMA.

Ano ang reaksiyon dito ni Geoff?

“Oo, but for me, it doesn’t matter naman kung saan ka.

“I’m just keen on working again.

“So, masaya ako na may trabaho ulit, at si Perry [Lansigan, his manager] ang magde-decide kung saan ako ulit.

“Then, eventually, napadpad ako sa Adarna.”

Pero hindi pa nga raw sila nagkakaroon ng pagkakataon na magkatambal ni Marian.

Gusto niya bang makapareha ang girlfriend ni Dingdong Dantes kung sakali?

Tugon ni Geoff, “Yes, of course, sino ba naman ang hindi, di ba?

“Of course, umasa rin ako sa chance na finally makakatrabaho ko siya and all that.

“Pero may part din na nagsabi sa akin na, ‘Ready na ba ‘kong makatrabaho siya?’

“What to expect and all that.”

Kailangan pa ba talaga niyang tanungin ang sarili kung handa na siyang makatrabaho si Marian?

Sagot ni Geoff, “Of course, she’s basically the queen of GMA.

“And iba if you’ll be paired with someone like that.

“Especially, matagal akong nawala, so kung tama ba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CARLA ABELLANA. Ang girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana ay kasalukuyan pa ring nasa Amerika para sa My Husband’s Lover tour, kasama sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Tatlong linggo mawawala sa Pilipinas si Carla, pero halos araw-araw ay nagkakausap at nagti-text naman daw sila.

Kuwento ni Geoff, “We talk every day, text din.

“Although, medyo magulo ang schedules nila, marami silang ginagawa.

“Pero kapag na-packup sila, nasa hotel, she makes it a point to communicate.”

Masasabi raw ni Geoff na matatag na rin ang tatlong-taong relasyon nila.

“We’ve been through a lot the past three years.”

Kung siya ang masusunod, gusto ba niyang pagtambalin sila muli ni Carla?

“Well, it’s up to management naman talaga.

“Kami naman, we’re open to each other naman.

“Siyempre, kung mahal mo ang kasama mo sa set, bakit naman hindi?

“We’ll see, hopefully… medyo matagal na rin naman ang huli.”

Huli nagkatambal sina Geoff at Carla sa Magic Palayok noong 2011.

Pero ayon din kay Geoff, malaking bagay kapag iba ang kasama nila sa proyekto dahil naggu-grow sila individually.

“Oo, oo naman,” pagsang-ayon niya.

“Like, yung mga mga nae-experience namin sa set, napagkukuwentuhan din namin about what happened.

“At makikita mo naman may drive to learn something new about work.”



CHRISTMAS. Malapit na ang Kapaskuhan, may mga plano na ba siya?

“I’ll spend it with family, that’s it,” sabi ni Geoff.

May mababago ba sa selebrasyon nila ngayong taon dahil sa sinapit na kalamidad ng marami sa ating mga kababayan?

Sagot ng aktor, “Well, there’s still a lot of things to be thankful for.

“Ang sa akin, basta nakatulong ka and you feel that you did your part.

“We should be thankful of all the things that has happened—whether good or bad—kasi it’s a learning experience for all of us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung cost, maybe, at puwedeng mapunta sa mas may makikinabang.

“But still, it’s the same spirit of Christmas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN